A strong wind blew my dark brown hair as I sat on the rock bench near our department. Mag-isa, puro libro, notes, at iba’t-ibang kulay ng mga highlighters ang nasa harapan. Ganito ang buhay ko kung wala ang D’Beasts. Though I’m not the typical nerdy guy, I kind of associate with one. I came from a family of doctors, so I have to be one someday, or at least something that’s in the medical field. Hindi ko ito pinili, dahil bata pa lang ako, nakadisenyo na ang magiging buhay ko. Wala akong kalayaan para pumili ng mga bagay na gusto ko para sa aking sarili dahil wala pa akong nararating at maipagmamalaki sa pamilya ko.
I do have friends, thankfully. Kung hindi ay nabaliw na siguro ako sa ganitong klase ng buhay. Dad once told me to befriend people who have the same goals as mine. To be with people who always aimed to be on top. Obviously, hindi naman ganoon ang D’Beasts dahil para sa kanila, hindi mahalaga kung sinong nauuna, ang mahalaga ay umuusad ka. Iyon nga lang, having them means disapproval from my father. But then, nang makita naman niya na mahihilig mag-aral ang mga kaibigan ko at hindi nagpapabaya sa academics, he accepted them as my friends.
See? Kahit sa magiging kaibigan ay kailangan ko pa ng approval niya.
“Your cousin wants to be a teacher! That’s a noble profession, I get it. But honey, our families are in the medical field. We’re destined to take care of the patients, not someone else’s children,” naiiling na kwento ni Mommy, isang gabi habang kumakain kami ng dinner.
Nakukuha ko naman ang point niya. Kaya lang hindi ba, kagaya ng mga teachers ay mag-aalaga pa rin naman kami ng kung sino-sino kung magiging doktor kami? Pareho lang na nag-aalaga pero sa magkaibang paraan.
Hindi ko na nga lang isinatinig ang isiping iyon. Bihira lang umuwi ng bansa ang parents ko at ayaw ko namang magsimula ng tensyon sa pagitan namin dahil lang doon. Sa pamamagitan ng sabay-sabay na paghahapunan ang paraan namin para magkaroon ng family bonding. Iyon nga lang, madalas ay hindi ko nagugustuhan ang palagi naming topic dahil hanggang sa hapag ay pag-aaral pa rin ang pinag-uusapan.
“Mom, we can’t force her to be a doctor if she doesn’t want to,” sabat naman ni Gianna kasabay ng pagsulyap sa akin.
“I know, it’s just very disappointing. I wonder how Papa will react to this.”
Ang pagkuha lang ng kursong taliwas sa gusto ng pamilya namin ay disappointing na kaagad kay Mommy. I wonder how Gianna felt noong nag-aaral pa siya kagaya ko. Was she forced to study in a medical field too?
“That’s definitely their problem. I bet Julio will do something about his daughter,” iling na sagot ni Dad habang naghihiwa ng kaniyang steak. “Mabuti na lang at hindi sakit ng ulo itong bunso natin. He’s doing really well at school.”
“Is that right, Henry?” paninigurado ni Mommy.
I nodded and sipped my red tea to clear my throat before speaking. “I love what I’m doing, Mom. And I think that’s what matters most.”
Lies. I don’t love what I’m doing. I don’t even like it. I don’t want to study medicine. I don’t want to be a doctor. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magpapanggap na gusto ko ang mga ginagawa ko kahit ang totoo ay ginagawa ko na lang ang lahat ng ito dahil ito ang gusto nila para sa akin.
She smiled and gently squeezed my arms. “I know and we’re proud of you. Continue to be a good student and please, lumayo ka sa gulo hangga’t maaari. Our family is shaped to become a role model, and we should care for the people, not fight with them.”
Iyan ang palaging tagpo tuwing buo kaming naghahapunan. Palaging tungkol sa pag-aaral, sa pagiging doctor, at sa legacy ng pamilya. No one even asked about my day, about the things that are not related to school. No wonder I don’t like being here. Mas mabuti pang sa condo na lang ako kahit na mag-isa.
BINABASA MO ANG
D'Beasts Series #3: Mending the Scars
General FictionCOMPLETED // UNDER EDITING [BoyxBoy] D'BEASTS SERIES #3: Mending the Scars