Chapter Twenty-Six:

Magsimula sa umpisa
                                    

Binuksan ni Valerie ang wrapper ng regalo, isang box na kahoy at isang card na itim ang nasa ibabaw nito. Kinuha ni Valerie ang card at binuksan, isang liham na may gintong sulat.

"Sunod ka na kay Valetta,"

-Darkness

Napakuyom si Valerie sa mensaheng ito, at saka niya kunot-noong binuksan ang box na kahoy. Dahil sa ginawa niya sumabog sakanya ang abo na nasa loob nito. Napasinghap si Valerie dahil sa sobrang gulat at naubo dahil sa abo na nasa hangin. Marami din sa abo ang napunta sa wedding dress niya kaya nanlaki ang mga mata ni Valerie dahil hindi ito makapaniwala sa nangyayari.

"Argh!" Daing ni Valetta pagkatapos niyang marinig ang lahat ng nangyayari sa lumipas na mga buwan.

"Anong plano mong gawin?" Tanong ni Izmael dito.

"Gaganti ako," sagot ni Valetta habang walang emosyon sa kanyang mga mata na nakatitig sa harap. "Pero may gusto akong malalaman," 

"Ano iyon?"

"Sino ang nagpapaligo sa akin?" 

Napataas ang dalawang kilay ni Izmael at dahan-dahang nilingon si Blain, napakibit balikat lang naman ito bilang tugon sa nagtatakang tingin ni Izmael.

"Ako," mahinang sagot ni Izmael tapos dahan-dahan na binalik ang tingin kay Valetta. Habang si Valetta naman ay pinanlilisikan na ng tingin si Izmael.

"Hinawakan mo ako?" Tanong ni Valetta habang nakapangitngit ang ngipin nito.

"Wala akong ibang pwedeng gawin,"

"Nakita mo lahat?"

"Wala din akong magagawa dun dahil kailangan ko masiguro na malinis ka sa lahat ng parte ng katawan mo," aniya kaya napaiwas ng tingin si Valetta at mariin na pinikit ang mga mata.

Unti-unting lumalalim ang bawat paghinga ng dalaga dahil sa nalaman niya.

"Humihingi ako ng malaking kapatawaran sa iyo, pero wala akong magagawa sa sitwasyon natin dahil walang ibang nakakaalam na buhay ka bukod sa aming dalawa, at hindi ko alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko, dahil ang sabi ni Blain wala akong pwedeng pagkatiwalaan," mabilis na paliwanag ni Izmael kay Valetta.

"Kung ganoon, bakit amoy bulaklak ako?" Tanong ni Valetta tapos kinagat ang labi niya at inangat ang tingin kay Izmael.

Napakunot-noo si Izmael at napanganga dahil hindi na niya maintindihan ang nangyayari kay Valetta. "A-Ano ba talaga ang problema?" 

"Nasusuka ako sa amoy ng bulaklak," sagot ni Valetta tapos nagsimula na itong umiyak.

"Ahm... pasensya na? Hi-Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto mong pabango?" paumanhin ni Izmael na hindi din sigurado.

Habang nag-iiyakan ang dalawa, natawa si Blain at lumakad palapit sakanila. "Tama na iyan, may kasalan pa tayong sisirain," aniya kaya napatigil ang dalawa.

"*sniff* Kumusta pala ang pinapagawa ko sa iyo?" Tanong ni Valetta dito.

"Hmm... Natanggap niya ng mabuti ang regalo mo," sagot ni Blain.

"Si Gizelle?"

"Yup. Sinigurado niya ang lahat,"

"*sniff*Okay." 

Her MysteriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon