Two: The Roommates

Magsimula sa umpisa
                                    

I placed my phone on the side table. And went out of my bedroom. Nakita ko sila Alice na nasa kitchen, si Marina may niluluto ata. Ang bango. I approached them.

"Hey." I said and tap Alice's back. 

"Oh, gising ka na pala, nagluluto si Rina ng dinner natin. May Instant chef tayo dito, hahaha."

"Instant chef ka diyan, gusto mong kumain ng fast food buong linggo?" Sabi naman ni Marina, nainis ata or not? Kailangan ko narin atang sanayin na tawagin siya sa nickname niya. Marina and mom has the same nickname, kaya medyo nanibago akong banggitin ang name niya.

"Ito naman. Nga pala, ang kondisyones pala ni Rina sa pagluluto niya ay tayo ang maghuhugas lahat after kumain. Masarap daw kasi luto niya kaya dapat lang na maghugas tayo." Sabi ni Alice at bumaling sa akin.

"Okay lang sakin basta nakakakain ako ng maayos at masarap hahah." Sabi ko.

"What!? Okay lang sayo 'yon? Ito talagang si Rina pati si Kaylee dinamay."

"Oh bakit? No exceptions, dapat lang dahil matitikman niyo ang masarap kong luto gabi-gabi." Umirap lang si Alice. Natawa nalang ako sa bangayan nilang dalawa. Namimiss ko tuloy si Emma kahit ilang oras palang na nandito ako.

"Oh, bakit bigla kang nagdrama diyan?" Pansin ni Rina sa akin.

"Naalala ko lang kasi yung best friend ko sa Australia. Si Emma, kahit ilang oras palang parang gusto ko nang umuwi." Pag-amin ko.

"Sa Australia ka pala galing?" Tanong ni Alice.

"Right, hindi ko pa pala nabanggit sainyo. Yes, sa Australia ako nakatira since I was born. Filipino ang mother ko and Australian naman father ko. They died when I was just 6 years old." Pag kwento ko. Okay naman na sabihin ko ang totoo sakanila, diba? Hindi naman nila siguro tatanungin ang pangalan ng parents ko.

"Oh, we're sorry." Sabi ni Alice. I don't know why people would always say sorry when they hear someone's love ones is dead.

"It's okay, hindi niyo naman alam. And sobrang tagal na din." Sabi ko.

"Eh bakit Perez ang surname mo kung Australian father mo?" Tanong ulit ni Alice. Oh shoot, lagot! Isip agad Kaylee, baka mabuko ka niyan.

"3/4 Australian and ¼ Filipino father ko." Oha! Ang galing ko talaga sa math.

"Ito naaa!" Save by the bell! Buti nalang, hoo! Nakahinga na ko ng maluwag. "Luto na ang specialty ko for this evening. Coconut Chicken Cutlets with Mango Chutney Slaw." Sabi ni Rina habang bitbit ang pinaglagyan ng ulam. Ang bango at pang malakasan ang pangalan ah, nagutom tuloy ako bigla kahit hindi pa naman talaga.

Kumuha naman ng kanin si Alice. Kumuha narin ako ng plates and spoon and fork. Umupo na kaming lahat sa dining area after ma-complete ng set up. Nag set up pa kasi si Alice dahil unang gabi ko daw na kasama sila. Ang cute haha.

*****

"Oh tapos? Ano sabi niya?" Tanong ni Alice. Tanong siya ng tanong 'di man lang patapusin muna yung kwento, naiinis na tuloy si Rina haha. Nagku-kwentuhan na kasi kami dahil tapos na kaming kumain. Ito naming si Rina nagbigay na agad ng chika kaya itong si Alice tanong ng tanong.

"Pwede patapusin mo muna ako?" Tinignan ni Rina ng masama si Alice. Oh diba, inis na siya hahaha. "Ayon na nga, sabi niya siya naman daw ang nauna sa kanya kaya ano daw ba ang kinagagalit ko?"

"Bruhilda siya! Makita ko lang 'yon, uubusin ko lahat ng buhok na meron siya!" Gigil na banggit ni Alice sa kwento ni Rina. Paano ba naman kasi nagkwento si Rina about her now ex-boyfriend. Yung ex naman ng ex-boyfriend niya, nilalandi pala at nakita pa mismo ni Rina. Jusko marimar. Kaya ayon, hiniwalayan na niya yung guy.

Si Alice naman na-kwento niyang wala na siyang boyfriend mahigit 3 years na. Mutual naman daw ang hiwalayan kaya walang nangyaring gyera. Loko talaga.

"Eh ikaw?" Sabay nilang baling sa akin.

"Anong ako?" Balik tanong ko naman sakanila.

"Nagka boyfriend ka na ba?" Usisa ni Alice. Sasabihin ko ba? Nakakahiya kasi, hindi naman ganon kaseryoso unlike sakanila.

"Uhmm, not really, but more like puppy love? Hehe." Nahihiya kong sabi.

"Oh? Sino? Taga-doon sainyo?" Usisa ulit ni Alice. Namumuro na 'to kanina pa ah. Charot lang.

"Yes, taga Australia din. But he's pure Filipino. Doon na rin siya lumaki kagaya ko. He's my childhood friend. Nawalan lang kami ng communication when they relocated."

Nagkwentuhan pa kami until we decided to wash the dishes. Manuod daw kami ng romance movie, gusto daw nilang kiligin ulit. Jusko po.

"Oh, ito nalang, Our Secret Diary. It's a Japanese movie and recommended ng pinsan ko." Banggit ni Rina.

"Go, let's go sagow!" Parang ewan si Alice hahah, paano ba naman kasi, hinahabaan niya yung nguso niya habang sinasabi 'yon.

We settled ourselves on the long sofa bed. Ang lambot pala nito, ngayon lang kasi ako nakaupo dito sa living area.

We were in the middle of the movie when suddenly Alice farted.

"Ang baho naman Alice!" Si Rina, sabay takip ng ilong.

"Wala namang mabangong utot, edi sana madami nang umuutot na hindi nahihiya. Tsaka paano mo nalaman na ako? Pwede namang si Kay, nasa gitna natin siya haha." Aba't? Ako pa talaga.

"Alam kong ikaw, ikaw lang naman utot ng utot sa'tin. At kabisado ko na utot mo no." Ano ba 'yan, puro nalang utot naririnig ko jusko.

"Hindi daw kasi masarap luto mo kanina, kaya nagwawala na yung mga babies ko sa tiyan." Pang-asar ni Alice kay Rina.

"Ah ganon, sige huwag ka naring kumain araw-araw kasi magwawala lang yang alaga mo sa tiyan." Hahaha, ang cute talaga magbangayan ng dalawang 'to. Dumila lang si Alice.

Si Rina pala ang pinaka matanda sa aming tatlo. Kaya parang siya ang tumatayong nanay namin haha. Actually, magkasing edad lang silang dalawa, isang taon lang ang pagitan namin.

*****

Nakatulog na pala si Alice, tutok kasi kami ni Rina sa movie. Akala ko ba gusto niyang kiligin? Kaya siya tinutulugan ng lovelife kasi 'yon din ang ginagawa niya.

Hinayaan nalang namin siya ni Rina na matulog sa sala. Binigyan nalang namin siya ng kumot para hindi siya lamigin.

"Rina, thanks for tonight ah, nagenjoy ako. Sobra." Pagtawag ko rito sa attention niya.

"No worries, magiging roommate mo na kami for the rest of the school year kaya marami ka pang maeexperience dito. Na ipapaexperience namin sayo." Tinaas-taas niya pa ang kilay niya.

"Hahaha, dapat na ba akong mabahala?" Pabiro kong sabi.

"Hindi 'yan, basta we got you." Hayst, I couldn't ask for a better roommate. Buti nalang sila ang ka-share ko ng room. "By the way, classes won't start until next week Monday. So, we have four days to prepare. And by that, ito-tour ka namin ni Alice bukas." Dagdag ni Rina.

"Sure! I would love that. Hindi kasi complete yung tour namin kanina."

"Ayon sakto, ipapakita namin sa'yo yung mga best spot and secrets dito sa MCU. Tomorrow, okay? Hayaan na natin dito si Alice, alam naman niya gagawin natin bukas. Good night, Kay."

"Good night."

Bumalik na rin ako sa room ko at agad chineck ang phone. Tignan mo nga naman, tinitiis ata ako nung dalawang 'yon ah. Bukas ko nalang sila tawagan, pagod na rin ako. Inayos ko muna ang ilang gamit ko at natulog na.

Miss LowkeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon