CHAPTER 2

199 2 0
                                    

FIRST HEARTACHE

Tinahak ko ang daan pabalik sa kung saan ako galing, pagdating ko sa bukana ng pader ay bumukas ito kaagad. Pakiramdam ko ang hiwaga ng lugar na ito.
Nakapasok na ako sa hardin namin at tumigil ako sa paglalakad, nilingon ko ang pader na unti-unti nang nagsasara. Takot ako o nahihiwagaan lang sa paligid dahil first time ko rin dito?

Pagdating ko sa duyan ng hardin namin ay wala na ang mga pinagkainan ko, medyo mataas na ang sikat ng araw kaya dumiritso na ako sa loob ng Mansion. Tumuloy ako sa kusina para maghugas ng kamay nang makita ako ni Papa, nilapitan ko sya at hinalikan sa pisngi.

"Saan ka ba galing at bakit pawisan ka?"

Sinalat ko ang leeg ko at saka ko lang narealized na pawisan pala talaga ako.

"Naglakad-lakad po ako sa labas papa" tugon ko sa kanya habang pinupunasan ng tissue ang mukha at leeg ko

"Any plan today?" tanong nya na ang mga mata ay nasa plato nya.

"Wala papa, and besides gusto ko lang muna na andito lang ako sa loob ng bahay"

"How about the breakfast, hindi mo ba ako sasabayan?" napangiti ako.

"Busog pa po ako at kakatapos ko lang kumain"

Tumaas ang isang kilay ni papa habang mariin akong tinitingnan, tingin na may pagdududa kase noong nasa canada kami ay bihira ako kumain ng agaha.

"And saan ka kumain? tanong nya, magsisimula na naman kami ng intorigation

"Sa hardin po natin, dinalhan ako roon ni nanay Zilda"

Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ang driver namin labas na may hawak na kabayo, nakasuot lang sya ng white t-shirt at faded jeans.
Just like that, simple as he is.

"Gusto mo bang sumakay sa kabayo?"

Nagulat ako sa tanong ni papa, nahuli nya pala akong nakatingin sa driver at sa hawak na kabayo nito.
Sa kabayo o kay Xan lang mismo? Hmmmmm, watevah!
tudyo ng isip ko.

"Wag na po, hindi naman ako marunong nyan e" tanggi ko.

"Of course andyan si Xan aalalayan ka nya na sumakay ng kabayo"

"Still no papa" mariin na tanggi ko at nagmartsa na pumanhik sa kwarto ko at para makaligo na rin.

Sasakay ng kabayo with Xan?
in his dream!
over my gorgeous body!

Sa mga sumunod na araw ay lumabaa ako ng mansion, hindi ko makita ang mga naging kaibigan ko noong isang gabi.
Umakyat ako sa hindi kataasang bundok, madali ko lang sya naakyat.

Habang nasa tuktok ako ay nakita ko si Xan at Helen na magkatabi sa likod ng bundok, nakaupong patalikod sa akin si Helen at nakaupo naman si Xan ng patagilid mula sa direction ko.

Ano kaya ang ginagawa nila dyan?
date? ewww, nagdadate ng tanghaling tapat?

Sa di kalayuan ay may mga puno ng bayabas, pinuntahan ko yun instead na panourin ang dalawang lovebirds.
Hindi naman sila bagay although may itsura naman si Helen basta sya lang ang girl sa tabi ni Xan at talagang gaganda sya kase walang choices e.

Natawa ako sa sarili habang iniisip ang bagay na yon, medyo bad ako, kasalanan kase ng Xan na yan.

Ang daming bayabas, hindi naman malalaki na katulad ng nabibili ko sa Canada, native ang mga nandito. Maliliit lang pero matatamis at siksik ang laman.
Meron pa ako nakita na malapit ng mahinog kaya lang medyo may kataasan na, pero walang imposible sa akin makukuha ko by hook or by crook

Umupo ako sa sanga ng bayabas at ngitnatngat ang mga nakuha ko. Paglingon ko sa direction nila Helen at Xan ay wala na sila.

Hindi kaya nakita nila na andito ako sa puno?

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now