CHAPTER 4

145 2 0
                                    

CAMEIA and X-XAN

Since na hawak ko na ang phone nya at ipinagamit nya sa akin ay hindi na ako nag-inarte pa para kalikutin.

Tiningnan ko ang mga apps para mag log in, para ma chat ko ang mga kaibigan ko sa canada dahil sobrang na miss ko na silang lahat, kaya lang walang mga social media ang phone nya.

well, hindi naman na nakakapagtaka.

"Ahhhhmmm" tikhim ko.

Kase hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Mas madali kase sa akin na tinatarayan ko sya kesa sa ganito na parang ang formal.

"Kuya, Xan." Yon ang mga kataga na lumabas sa bibig ko.

"Binalingan nya ako at pumintig ang mga bagang nya, hindi ko alam kung para saan yon. Kung sa pagtawag ko ba sa kanya or sa pagtawag ko na kuya?

Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi, kaya kahit hindi ako tumingin sa salamin ay alam kong pinamumulahan ako sa......Inis!

"Bakit walang social media ang phone mo?" banayad na tanong ko.

Ang mga mata ko ay nanatili sa telepono dahil iniiwasan ko na magtama ulit ang mga paningin namin at baka hindi ko maitago na sa pamamagitan ng mga mata ko ay may nakakubling damdamin na maaaring makita nya.

"I'm not into social media" he said it was colder than the snow.

Patuloy ko na kinakalikot ang phone nya hanggang sa mapunta ako sa photos. May mga pictures naman na andon pero mga landscape lang, mga animals, katulad ng kabayo na pinaliguan nya noong nakaraan, puro mga ganon. Ang ang boring ng social media status nya.

Buksan ko sana ang isang file sa photos nya kaya lang ay may pin, nangangailangan ng password para mabuksan. Kaya gustuhin ko man na mabuksan iyon, ay pakiramdam ko too much na kung tatanungin ko pa sa kanya, kaya hinayaan ko na ang file na iyon at may naisip ako na ideya.

Ang mag selfie sa phone nya. Gawain ko rin kase talaga ito sa mga camera ng mga kaibigan ko, si papa kase hindi pa ako binibilhan ng sarili kong phone.

Click, click, click, click

Mula sa sulok ng mga mata ko ay nakita kong nakatingin si kuya Xan sa pinaggagawa ko.

Well, kahit labag sa kalooban ko na tawagin syang kuya ay ganoon nalang din, panindigan ko na. Kaya nilingon ko sya at nginitian.

I was expecting na ngitian nya rin ako pabalik.

Pero malamig na mga mata at pagtaas ng isang kilay nya ang ibinigay sa akin. Aalma pa sana ako kaya lang ay pinigilan ko ang sarili ko dahil nakikigamit lang ako ng phone nya.

Baka kunin bigla, mahirap na.

Trip ko sya asarin ngayon, kaya pumunta ako sa harap nya at kinuhaan ng picture habang nagpapaanak sa kambing, napapailing nalang sya sa akin nang marealized nya ang ginagawa ko.

Kinuhaan ko rin ng picture ang mga bagong silang na kambing, kaya lang ay dalawa lang ang anak nya, ang kukyut ng mga babies, Isang puti at isang itim.

"Kuya, Xan. Ano ang mga pangalan nila?"

Tanong ko sa kanya at lumapit sa mga bagong silang na kambing para haplusin, gutom na gutom ang mga ito, nakahiga ang mama nila habang sila ay dumidede.

Clicked'

Kinuhaan ko ulit ng picture ang mag-iina. Since na babae at lalaki ang mga babies ay pinangalanan ko sila na Cameia at X-xan (christian) mula naman sa pangalan nya na si Xan, at ang Cameia ay mula sa name ko na Kammee. Oh diba, ang ganda?

"Ok na ba sayo na ganon ang name nila?" nakatingala ako habang hinihintay ang sagot nya. Nakatayo at nakadungaw sya sa amin ng mga kambing mula sa likod ko.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now