CHAPTER 5

142 3 0
                                    

HE KISSED HER

Busy ang lahat sa loob ng Mansion dahil may paparating na mga bisita si Papa galing sa Manila, gusto makita ng personal ang planta ng pagawaan ng mga wine. Isa sa mga negosyo ni Papa ay ang paggawa ng alak na ini-export sa iba't-ibang bahagi ng mundo.

Kilala si Papa sa mundo ng pagnenegosyo kaya hindi nakakapagtaka kung lagi syang may mga bisita sa Hacienda.

Gabi ginanap ang kaunting salu-salo sa mansion, andito lang ako sa kwarto ko at wala akong plano na lumabas dahil hindi naman ako importante sa usapin nila dahil pang matanda lang yon.

Knock, knock, knock.

Nagbabasa ako ng favorite novel ko nang may kumatok sa kwarto ko.

"Bukas yan, come in" sigaw ko.

"Senyorita, pinapatawag po kayo ni Senyor" si Dina.

"Ha? Bakit daw?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi ko po alam Senyorita, basta pinapababa ka lang po.

"Sige susunod na ako" sabi ko kay Dina.

Labag man sa loob ay tumayo ako at lumapit sa lagayan ng aking mga damit, casual lang ang susuotin ko since andito lang naman ako sa bahay. Isang maiksing black short at blouse na white na medium ang size, gusto ko medyo maluwag sa pakiramdam ang damit na sinusuot ko.

Naghilamos lang ako at naglagay ng face powder at lip gloss, hinayaan ko na lumugay ang mahaba kung buhok at saka ako bumaba para puntahan sila sa recieving area ng bahay namin.

Bago ako tumuloy doon ay dumaan muna ako sa kusina para uminon ng tubig, naabutan ko roon si nanay Zilda at Dina na abala sa mga pagkain na pini-prepare nila.

"Ikaw ba ang magsi-serve nyan ate Dina?"

Tanong ko sa isa mga kasambahay namin na akma na sanang bibitbitin ang isang pitsel ng juice ng magpresenta ako.

"Naku, 'wag na Senyorita at baka mapagalitan ako ng Papa mo"

Kinakabahan na sabi nito na hindi pa rin binibitawan ang hawak na pitsel.

"Wag ka mag-alala at ako ang bahala sayo"

Nakangiting paninuguro ko sa kanya at napilitang ibinigay sa akin ang pitsel.

"Pero Senyorita, sasamahan pa rin kita" si Dina.

"Sige, ikaw bahala". at nagpatiuna na ako bitbit ang pitsel ng juice.

Habang papalapit ako kilala papa ay bigla ako nakaramdam ng kaba sa aking dibdib, hindi ko mawari ang pakiramdam na iyon. Parang gusto ko ng ibigay ang juice kay ate Dina at tumakbo pabalik sa kwarto ko at doon magkulong hanggang sa umalis ang mga bisita ni papa.

Pero bago ko pa magawa ang iniisip ko ay nakita na ako ni papa, alumpihit ang mga ngiti ko sa mga nandoon.

Nakaupo silang lahat sa mahabang mesa na kasya ang dalawang dosenang mga bisita at sa harap ay may malapad na flat screen tv na kung saan ay naka flashed ang mga product ng mga wine mukhang mina-market ang mga wine namin.

"Good girl, anak" nakangiti si papa na nakatingin sa akin na bit-bit ang juice.

Nag-aalangan pa ako kung saan ko ilapag?
Kaya naghanap ang mga mata ko ng kunting space sa mesa hanggang sa mapadako ang paningin ko sa driver namin at sa babaeng katabi nito, maganda ang babae at parang kaidaran lang din ni mr driver.

At ang babae ay halos mapigtas na ang mga labi sa laki ng ngiti sa harap ng driver. Ipinakilala ako ni papa sa mga taong andoon at nang magsimua ng kumain ang lahat ay nagpresenta ulit ako na tulungan sila ate Dina na magdala ng mga pagkain.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now