CHAPTER 6

151 2 0
                                    

HER CUTE LETTERS

Paggising ko sa umaga ay wala na si Papa at ang mga bisita nya, pumunta na sila sa winery. Sa amin nagpalipas ng gabi ang lahat included Joana. Ang babaeng naging dahilan kung bakit nagalit sa akin si Xan.

Well, kasalanan ko naman kase nagselos ako.

Andito ako sa labas ng hacienda, naglilibot sa mga karatig na rancho gamit ang bike na hindi ko alam kung kanino, nakita ko lang doon sa kwadra ng mansion.

Pumasok ako sa bukas na gate, maraming puno ng mangga ang nakapalibot at may mga maliliit na kalamansi ang hitik na hitik sa bunga.

Nasa kalagitnaan ako ng pagba-bike nang may isang aso ang mabilis na tumatakbo palapit sa akin at huli na para makaiwas ako, ipinikit ko ang aking mga mata at tinanggap nalang na lalapain  ng malaking aso.

Pero bago pa man na tuluyan ako ng aso ay may biglang humila sa akin dahilan para malaglag ako sa bike at tumama ang ulo ko sa isang matigas na bagay at ang sumunod na ay ang..........

'Kahit saan ka magpunta, babantayan kita..... babantayan kita.......babantayan kita'

"Miss, wake up. nananaginip ka.

Isang unfamiliar na boses ang naririnig ko, dahan-dahan na ibinuka ko ang aking mga mata. Pagkakita ko ng liwanag ay biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako at napapikit dahil sa tindi ng sakit at ang sumunod na nangyari ay blocked out ulit.

AFTER ONE MONTH

"May tendency na magkakaroon sya ng memory gap, at iwasan na tumama ulit ang ulo nya sa mga matitigas na bagay kase malaki ang posibilidad na tuluyan syang magkaroon ng amnesia"

Napadilat ako sa aking mga narinig, amnesia? Sino? Ako?

"Papa"

Mahinang tawag ko sa Papa ko na may kausap na lalaki na nakasuot ng medgown.

Sabay silang napalingon sa akin.

"Anak, finally nagising ka na? si Papa na tumulo na ang mga luha at niyakap ako.

"Bakit nga pala ako andito?" tanong ko sa kanya na may mga ngiti pero naguguluhan.

Biglang nag-iba ang templa ng mukha ni Papa, ang kanina ay masaya, napalitan ng lungkot at pag-aalala.

Nagkatinginan sila ng lalaki, pakiwari ko ay isa syang doctor. Matangkad sya, meztiso at parang kay fresh tingnan.

"Miss, nasa hospital ka at ako si Doc Janzen Valderama" nakangiting pagpapakilala nya sa akin.

Napapikit ako ulit dahil biglang may sumungaw na ala-ala sa utak ko.

"Anak, are you ok" nag-aalalang tanong ni Papa at marahang pinisil ang palad ko.

Parang narinig ko na ang boses na iyon, hind ko alam kung saan at kung kailan?.

Nilapitan ako ng doctor, chinik ang lahat sa akin. Marami syang tanong na nasagot ko naman ng maayos kaya nakita ko ang pag-aliwalas ng mukha ni Papa.

Naaksidente pala ako, tumama ang ulo ko sa isang bato dahilan para mawalan ako ng malay at na-coma ng isang buwan.

Nasa ganoon kami ng bumukas ang pinto ng kwarto na kung saan ako naka stay, nagtagpo ang mga mata namin. Nakita ko doon ang matinding pag-aalala at kasiyahan.

"Xan, nagising na si Kami" si Papa.

Ngumiti sya sa akin at nilapitan ako.

"Sino sya Papa?" nakita ko ang pagtigil nya sa akmang paglapit sana nya sa akin.

Tumingin sya sa Doctor, at tumingin din sa kanya ang doctor na marahang tinanguan sya. Nagkakaintindihan sila ng mata sa mata.

"Yes, katulad nga ng sinabi ko kanina ay makakaranas sya ng memory gap at maaaring isa sa nakalimutan nya ay si Xan"

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now