CHAPTER 7

139 4 0
                                    

HEART SHAPED EARINGS

Natanaw ko si Xan na pasakay sa kotse kaya mabilis ako na lumapit sa kanya, nagulat pa sya nang makita nya ako na humahangos sa harap nya.

"Kuya, saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya habang hinahabol ang hininga dahil sa hingal.

"Sa bayan" maikling sagot nya at binuksan na ang pinto ng kotse.

Lumigid ako at dumukwang sa kanya.

"Sama ako" napatingin nya sa akin na may kasamang pagtataka.

"Please?" pinagsalikop ko pa ang palad ko para payagan nya, pero hindi ko na hinintay ang sagot nya at mabilis ko na binuksan ang kabilang pinto at sumakay.

Napatitig lang sya sa ginagawa ko.

"Sasama ka na ganyan ang suot mo?" sita nya sa suot ko na ang mga mata ay nasa unahan ng sasakyan.

"Why? hindi naman pangit ang suot ko a?" alma ko sa kanya.

"Wala ako sinabing pangit ang suot mo" malamig na wika nya.

"Ok fine, magpapalit ako pero wag mo ako iwan a? Mag promise ka sa akin na hindi mo ako iiwan".

Kinuha ko ang kamay nya at pinagdikit ko ang aming thumbs, tanda na hindi nya ako iiwan at mabilis ako na pumasok ng mansyon para magbihis ng damit. Naka short lang kase ako at naka spaghetti strap. Sinuot ko ang itim na pants at whit t-shirt at nagmamadali na bumaba ng hagdan.

Halos mabunutan ako ng tinik sa dib-dib ng makapasok na ako sa loob ng kotse nya, pero hindi muna nya pinaandar at busy pa sya sa kanyang phone.

Sino kaya ang tinitext nito? tanong ko sa sarili ko.

Wala kaming imikan habang nasa byahe, para kaming nagpapakiramdaman sa isa't-isa nang tumunog ang phone nya.

Syempre dahil likas sa akin ang pagiging Marites ay dumungaw ako sa phone nya kung sino ang nagtxt.

'Don Gabriel: Ok.'

Galing kay Papa ang txt.

"Bakit ok ang reply ni Papa?" tanong ko sa kanya na seryuso sa pagmamaneho.

"Sinabi ko sa kanya na sumama ka sa akin para hindi mag-alala"

Napangiti ako sa sinabi nya.

Dumukwang ako ulit sa phone nya na nakalagay sa phone holder sa harap nya at ini-scroll-scroll pataas, hinayaan nya lang din ako.

"Hay, ang tagal ko maka graduate at nang magkaroon na ako ng sariling phone"

Sabi ko habang nakapangulumbaba sa isa kong kamay at ang isang kamay ko ay nasa phone nya, bakit kase ayaw pa ako pagamitin ni Papa ng phone? Naiinggit tuloy ako sa mga friends ko.

Malungkot na saad ko.

"Wala ka bang Papa?" basag ko ng katahimikan.

"Meron"

"Nagkikita ba kayo?

"Oo"

"Taga-hacienda ba sya"

"Oo"

"Ano ba yan, ang tipid mo naman magsalita!"

Reklamo ko sa kanya, pag ito kasama mo talagang magkakapanisan kayo ng laway. Pero ok na rin kahit paano dahil kahit maiksi ang mahalaga sumasagot.

Binalingan ko ulit ang nananahimik na phone nya, may hinahanap ako pero hindi ko na makita, malinis na ang storage. Well, sino ba ako para mag expect diba?

Nakarating na kami sa bayan, bumili sya ng mga vitamins at mga gamot ng mga hayop sa rancho dahil siguro ubos na ang stock.

May nakita ako na salon, napatingin ako sa mga kuko ko na matagal ng hindi nalilinisan. Kung papasok naman ako dyan ay wala naman akong pera kaya malungkot ang mga mata ko na ibinaling sa ibang tanawin.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now