CHAPTER 8

126 1 0
                                    

WHO'S THE BOSS?

Magdidilim na nang dumating kami sa bahay, wala akong imik na nilisan ang sasakyan at dumiritso sa hardin. Doon ko ibinuhos ang lahat ng sakit at bigat na nakadagan sa aking dibdib.

'I hate him, i hate him for breaking my heart!'.

Tumulo ang mga luha ko sa notepad na kung saan ay doon ko isinulat ang nasa puso ko ng mga oras na iyon, alam ko naman e. Alam ko na wala syang pagtingin sa akin, kase marami syang kinakalantari tapos harap-harapan pa.

Nakita ko si Papa sa dining area, tinawag nya ako pero hindi ko sya pinansin at tumuloy-tuloy ako sa kwarto ko at isinubsob ko ang mukha sa unan.

Maaga akong nagising, nagulat pa sya sa akin nang sabayan ko sya sa breakfast.

"Sigurado ka na sasama ka sa akin?" paniniguradong tanong ni Papa.

"Opo" matamlay na sagot ko sa kanya habang ang mga mata ko ay nasa kutsara na pinapaikot-ikot ko lang sa food ko.

"Nice earing, hindi ko naalala na binilhan kita nyan" puna sa akin ni Papa ng makita nya ang hikaw na binili kahapon ni Xan.

Umismid ako nang maalala ko sya, nakatali kase ang mahaba kong buhok kaya kitang-kita ang hikaw sa tenga ko.

Binilhan ako ng driver mo kahapon, bumili kase sya ng singsing, iwan ko, magpo-propose na yata sa isa sa mga babae nya?.

Nakasimangot kong sabi.

"I see, pero parang wala naman girlfriend si Xan?"

"Anong wala?" biglang kambyo ko kay Papa na parang kinakampihan nya pa ang breaker na 'yon.

"How about Helen at Joana?" nilalandi nya ang mga 'yon" inis na wika ko.

Tumawa lang si Papa pero hindi na nagsalita pa at tinapos nalang ang breakfast ng tahimik.

Namangha ako sa winery namin, ang lawak pala dito at first time kong makapunta dito. Ang daming mga buko na syang ginagamit sa paggawa ng mga alak, merong laboratory sa loob. Moderno ang mga kagamitan tanda na maunlad ang negosyo.

Nakahawak ako sa braso ni Papa habang inililibot ko ang aking paningin sa paligid, nagulat pa ako nang makita ko ang taong iniiwasan ko na.

'Bakit kaya andito 'tong hinayupak na'to?" inis na bulong ko.

Pero imbis na tapunan ko sya ng tingin ay nilagpasan ko lang sya na para syang hangin na hindi ko nakikita. 'Yan ang gusto nya diba? Ibibigay ko lang sa kanya, hindi naman ako madamot e. Pweee!

Sa dulo ng winery ay ang malawak na taniman ng mga niyog at mga tubo na syang ginagawang asukal,  sa lawak ng lupain ni papa ay halos hindi na maabot ng aking mga paningin. Abala ang lahat sa kanila-kanilang designated area, samantala kami ni Papa ay naglibot-libot lang, itino-tour nya ako sa buong pagawaan.

"Hindi kita dinadala rito masyado kase alam kong hindi ka interesado sa ganitong negosyo"

Sabi ni Papa habang pinapanood namin ang isang machine na umiikot at naglalagay ng label ng mga alak.

"Sino po ba ang nagma-manage nito habang nasa canada tayo?"

"Si Xan, sya ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng negosyo natin"

Napasinghap ako sa sinabi ni Papa.

"Masyado naman kayo close sa driver nyo?" walang kiyemi na sabi ko.

"'Wag ka magsalita ng ganyan anak, kilala ko si Xan simula't pagkabata pa at karapatan nya na pagkatiwalaan dahil may karapatan sya.

Saway sa akin ni Papa. Oo nga naman, baka nga mas kilala nya pa ito kesa sa akin. Mula sa kinatatayuan namin ay kita namin sya ni Papa na abala sa pagmamando sa mga tao habang may hawak na mga papael sa kabilang kamay. Kung titingnan mo sya ay parang sanay na sanay ito sa kanyang ginagawa at kitang-kita sa kanya ang pagkakaroon ng Leadership.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now