CHAPTER 9

149 1 0
                                    

SAME ROOF

Business Ad ang kinuha kong course, kase sa pagnenegosyo lang din naman ako babagsak kaya yon nalang.

Kagaya nga ng napag-usapan ay titira ako sa bahay ng driver namin dito sa Manila, at hindi naman pala talaga sya driver. Aba, malay ko diba? Sya pala ang nagmamanage sa lahat ng negosyo ni Papa dito sa Pilipinas.

Malaki ang bahay nya, bachelor's pad kung tawagin kase bachelor naman talaga sya e. May tatlong kwarto at ang isa ay ang magiging silid ko na. Kung tutuusin nga kaya ko naman na mamuhay mag-isa na walang kasama, hindi ko alam kong bakit takot na takot si Papa na maging independent ako sa buhay.

Ang lagi nya kase sinasabi sa akin ay kapag tapos na ako mag-aral ay bahala na daw ako sa mga gusto ko,  pero hangga't nag-aaral pa daw ako ay susundin ko lahat ng gusto nya  Well, sinusunod ko naman e. Gusto ko lang kase na umiwas na kay Xan, pero parang pilit na pinaglalapit pa kaming dalawa ng tadhana.

"Yon ang magiging silid mo sa kaliwa" turo nya sa akin"

Sinundan ko ang itinuro nya habang hila-hila ang maleta ko, hindi ko sya pinapansin. Para ano pa diba?

Pagkatapos nya ako saktan ay wala syang rights na makatanggap sa akin ng full atensyon katulad dati. Ibang Kami na ang makikita nya sa akin, simula ngayon!

Inilagay ko na kaagad sa kabinet ang mga damit ko, kunti lang naman ang dala kong damit kase sigurado naman ako na bantay sarado ako dito, lalo na may spy.

Since, nanglalagkit na ako sa byahe ay kinuha ko na ang towel ko at pumasok sa bathroom.

Malapit sa sink ang bathroom at madadaan ko si Xan na nagluluto ng dinner namin. Dalawa naman ang CR, andun nga lang sa kwarto nya ang isa. So no choice tayo kung hindi ang magtiis dahil nakikitira lang ako sa lungga nya.

After one hour na paliligo ay natapos rin ako, inilagay ko sa basket ang pinaghubaran ko at lumabas ng nakatapis lang.

Alam kong may pagka conservative pa naman ang kasama ko. Well, hindi ko na problema, sya ang mag adjust sa sarili nyang bahay.

Nakatayo sya na nakahilig sa ref habang binabantayan ang niluluto nya, nakita ko ang pagkagulat sa mukha nya nang makita ang ayos ko. Tuloy-tuloy lang ako na dumaan sa harap nya, hindi ko sya binigyan ng kahit kaunting segundo para tapunan  ng tingin.

Nagsuot na ako ng pantulog ko at ginagawa ko ang kung ano man ang ginagawa ko sa bahay. No bra matulog? Of course, just like what i said. Sya ang mag adjust sa sarili nyang bahay.

Hindi ko sya inaakit, at wala na akong interest sa kanya kahit magpakasal na sila ni Joana sa lahat ng simbahan sa buong mundo. Makakahanap rin naman ako ng mas hihigit pa sa kanya.

Makalipas ang ilang sandali ay kinatok na nya ako para magdinner, hindi ako sumagot pero lumabas ako at tumungo sa mesa. Mukhang masarap naman ang niluto nya. Good for him, marunong sya magluto.

Pagkaupo ko ay kumuha kaagad ako ng kanin at ulam, nararamdaman ko na nakatingin lang sya sa akin. Edi pagsawaan nya ang mukha ko, hindi sya lugi, maganda ang view sa harap nya.

Binilisan ko ang pagsubo at iniwan sya pagkatapos at pumasok na sa kwarto, ilang minuto lang yata ako sa mesa.

Hindi ko kaya ang presensya nya, kase nararamdaman ko ang mga tingin nya sa bawat himaymay ng pagkatao ko. Kase kung mananatili pa ako sa harap nya ay baka hindi ko mapanindigan ang pag-iwas sa kanya.

This is our first night together under the same roof, malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako nakakatulog. Namamahay yata ako, pinakiramdaman ko muna kung gising pa ang tao sa labas at nang tahimik na ay maingat akong lumabas ng silid at dahan-dahan na binuksan ang pinto.

Sumakay ako ng elevator pataas, papuntang rooftop. Gusto ko makalanghap ng hangin na panggabi. Parang nakasanayan ko nang lumabas ng gabi, namiss ko tuloy ang hardin namin sa Hacienda El Farma.

Umupo ako sa upuang bakante at tumingala sa kalangitan, hinayaan ko ang mga luha ko na dumaloy sa mga pisngi ko.

Parang ngayon ko lang naramdaman ang kakulangan ng walang ina sa buhay ko, ano kaya ang feeling ng mayroong ina sa tabi mo na handa kang damayan sa mga pinagdadaanan mo, sa bigat ng nararamdaman mo?

Walang buwan, pero may mga bituin. Parang tuldok sila sa kalangitan, mabuti pa ang mga bituin andyan kahit hindi sila ang iyong kailangan.

Medyo gumaan na ang pakiramdam ko, huminga muna ako ng malalim at saka tumayo para bumalik na ng bahay.

Maingat kong binuksan ulit ang pinto, ngunit sa hindi sinasadya ay tuluyan na itong naka locked. Automatic pala ang pintuan, ayaw ko naman maka isturbo kaya umupo nalang ako sa baba ng pinto at hintayin ang mag-umaga.

Bumibigat na ang talukap ko, hindi ko na napigilan ang mapapikit at tuluyan ng nakatulog sa pintuan.

Nagising ako sa mga yugyog sa balikat ko, pagdilat ko ay isang galit na mukha ang nakatunghay sa akin. Mabilis ako na tumayo at diritsong pumasok sa kwarto.

Isasara ko na sana ang pinto ng kwarto  ng may kamay na biglang humarang, tiningnan ko sya sa mga mata, sinagupa ko ang galit nya.

"Where have you been last night?" kalmadong tanong nya.

Hindi ako sumagot, tumalikod ako pero mabilis nya ako nahawakan sa braso. Tiningnan ko ang braso na hinawakan nya at sunod ang kanyang mukha.

"Ugali mo na ba talaga na kapag kinakausap ka ay bigla ka nalang tatalikod?" may mga diin na sa bawat salita nya.

Hindi ako sumagot, tiningnan ko lang sya ng masama.

"Answer me" matigas na sabi nya.

Sa inis ko ay hinablot ko ang braso ko na namumula na dahil sa higpit ng pagkakahawak nya.

"What do you want and why are you acting like that a?" sabi nya pa sa akin.

At tuluyan ng nahulog ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan, arte lang pala sa kanya ang nararamdaman ko? I can not believe this!

"Leave me alone, i want to rest" kalmadong pakiusap ko sa kanya.

"Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko!"

"Ano ba ang gusto mo malaman a!?"  sigaw ko na sa kanya dahil hindi na ako nakapagtimpi.

"Kung sa tingin mo nag-iinarte ako, bakit hindi mo ako bigyan ng award at ng sumaya naman ako?"

Napahagulhol na ako sa tindi ng bigat ng damdamin.

"Anong karapatan mong questionin ang pananahimik ko!?
Bakit, kinu-kwestyon ba kita?
Hindi diba, kaya matuto kang makuntento sa kung ano lang ang maibibigay ko na atensyon sayo!"

Umiiyak na sigaw ko sa kanya.

Pagod na ako, na ako palagi ang naghahabol sa kanya, ayaw ko na, tapos na ako sa stage na 'yon. Oo mahal ko sya, pero hindi sapat yon na dahilan para paulit-ulit ako na masasaktan.

"Bakit Xan?" Dahan-dahan ako na lumapit sa kanya.

"Bakit, naranasan mo na ba na ibaba ang pride mo para sa taong gusto mo?
Naranasan mo na bang magmakaawa sa taong mahal mo para lang halikan ka, para lang magkaroon ka ng experience at gusto mo sya yung una?
Naranasan mo na bang magmakaawa para lang mahalin ka kahit hindi ka naman mahal? Naranasan mo na bang aminin sa taong mahal mo na mahal mo sya?
Hindi diba?
Kaya anong karapatan mo na sabihin sa akin na nag-iinarte lang ako?
Wala kang alam dahil hindi ikaw ang nasasaktan!
Wala kang alam dahil hindi ka marunong magmahal"

Sabi ko sa kanya ng harap-harapan, nakita ko ang pagkabigla nya sa mga sinabi ko. Kung alin doon sa mga sinabi ko? Hindi na ako interesado pang malaman. Makaka-recover din ako. Kung hindi man ngayon ay sigurado akong, soon.!

"Anong gusto mong mangyari?" malumanay na ang boses nya.

Tiningnan ko muna sya bago sumagot.

"Ang iwasan ka" ang mahina kong sabi.

Tumaas lang ang gilid ng labi nya, palatandaan na hindi nya nagustuhan ang sinabi ko.

"Magpahinga ka na" sabi nya at tuluyan na syang nawala sa paningin ko. Sana kasabay ng pagkawala nya ay ang pagkawala rin ng damdamin ko para sa kanya.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now