CHAPTER 10

137 3 0
                                    

HER LAUNDRY

Nagising ako na masakit ang ulo, tiningnan ko ang oras sa relo na nasa bisig ko at pasado alas dos na ng hapon. Lumabas ako ng kwarto para maghanap ng gamot para ma lessen ang pananakit.

Nakita ko si Xan na nakaupo sa sofa at may mga papel sa harap na binabasa, Sinulyapan nya ako nang makita nya ang paglabas ko sa kwarto at tuloy-tuloy na binubuksan  ang mga kabinet sa kitchen at nagbabakasakaling may makita akong gamot.

'What are you looking for?" nilingon ko muna sya saglit bago sinagot.

"Ma-masakit ang ulo ko"  nag-aatubiling sagot ko.

Binitawan nya ang papel na hawak at tumayo palapit sa akin.

"sit there" sabay turo nya sa silya na nasa mesa.

Tahimik ako na sumunod sa sinabi nya habang tinitingnan ko ang ginagawa nya. Binuhay nya ang kalan at may isinalang, ulam yata. Ibinaling ko kaagad ang paningin ko sa ibang direksyon nang mapatingin sya sa gawi ko, ayuko na mahuli nya na pinagmamasdan ko sya.

Tumayo ako at binuksan ang TV para lang ma divert ang atensyon ko at hindi mapunta sa kanya, nanood ako ng cartoons. Totally Spice ang pinanood ko, ever since ito ang favorite kong panourin kaya parang nakalakihan ko ito.

Makalipas ang ilang minuto ay tinawag na ako ni Xan sa mesa, tapos na yata sya sa kanyang ginagawa.

Nilagyan nya ng kanin ang plato ko at nilagyan ng sabaw ng tinola ang bowl, parang namiss ko ang ulam na ito na luto ni nanay Zilda sa mansion.

"Eat" sabay sabi nya sa akin, i have no choice kung hindi ang kumain  Gutom na rin kase ako dahil wala akong breakast at lunch.

Bumalik sya sa sink, at pagbalik nya sa mesa ay may tinimpla na syang chocolate milk na nilapag sa harap ko kasama ang gamot sa sakit ng ulo.

Pumunta sya sa sala at kinuha ang isa sa mga papel na andon at umupo sa harap ko, tapos doon nagbasa habang kumakain ako.

Umismid ako sa isiping pati sa pagkain ko ay nakabantay sya kaya hinayaan ko nalang hanggang sa malapit ko ng maubos ang kinakain ko nang  tanungin nya ako kung gusto ko pa?

Syempre gutom ako e, kaya tumango ako. Nilagyan nya ulit ang plato ko ng kanin at ulam. Feeling ko tuloy prinsesa ako na pinagsisilbihan.

Paano ko sya tuluyang makalimutan kung ganito ang ginagawa nya sa akin?

Out of a sudden ay nalungkot ako, kase naman diba? Nasa hiling process ka na pero ang tadhana ay hindi pa maka-move on or sa madaling salita ay hindi pa tapos ang tadhana na pahirapan ako?

"Why? is there bothering you?"

Tanong nya nang mapansin nya na bahagyang natigilan ako. Umiling ako at ipinagpatuloy na ang pagkain.

Pagkatapos kung kumain ay dinala ko na sa sink ang mga pinagkainan ko para hugasan, kaya lang pinigilan nya ako sa pagtatangka ko sanang gagawin.

"Kunti lang naman 'to, kaya ko ng hugasan"

Sabi ko sa kanya na pilit inaagaw sa mga kamay nya ang pinagkainan ko. Pero hindi sya nag patinag, binigyan nya ako ng tingin na sa bahay na ito sya ang law.

"Take your medicine" he reminded me.

Pagkatapos kung inumin ang gamot na bigay nya ay pumunta ako sa harap ng tv at ipinagpatuloy ang panonood, hinila ko ang underbed ng sofa at humiga doon ang sarap kaya manood ng tv habang nakahiga. Nakita ko ang phone nya sa center table na itinabi ko, kinuha ko at nagdownload ng facebook para makuntak ko ang mga friends ko sa canada.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now