CHAPTER 11

137 2 0
                                    

FRIENDS

First day of my class, hindi ko alam kung bakit parang hindi ako excited bumangon. Hindi katulad noong nasa canada ako, halos hindi ako makatulog kinabukasan dahil excited ako na makakilala ng mga  bagong kaibigan. Siguro dahil college na ako at unti-unti ay nagma-mature ako at pati na rin ang ma interest ko. Lumabas ako ng kwarto na pupungas-pungas, naaamoy ko na ang niluluto, syempre alam ko naman kung sino ang nagluluto kase dalawa lang naman kami dito sa bahay nya.

Paglabas ko hindi ko alam kung babatiin ko ba sya o hindi?

Nagtama ang mga mata namin pero umiwas kaagad ako, lately, nagiging awkward na ang pakiramdam ko sa kanya. Maybe because lately lang din ay may mga personal and emotional encounter kami kaya siguro ganon.

Tumuloy na ako sa banyo para sa mga pang-umagang seremonyas, after that ay lumabas na ako.

"Umupo ka na" sabi nya habang nagtitimpla ng chocolate milk.

Walang imik ay umupo na ako, hinintay ko sya na matapos sa ginagawa nya bago kukuha ng pagkain baka kase sabihin nagpapaka-prinsesa pa rin ako kahit sa pamamahay nya.

Kumunot ang noo nya nang makita na hindi pa rin ako kumakain, inilapag nya sa harap ko ang chocolate milk na tinimpla nya at nilagyan nya ang plato ko ng pagkain.

Corned beef, scramble egg, chicken nugets and plain white rice ang nakahain. Sa amoy ng mga iyon tiyak na magugutom ka.

"Susunduin kita mamaya sa school nyo" sabi nya sa kalagitnaan ng pagkain ko.

Napansin ko na hindi sya kumakain, black coffee lang ang iniinom nya.

"Pero diba may pasok ka sa work mo?"

"Susunduin pa rin kita, kung wala pa ako, doon mo ako hintayin sa waiting sheed"

"Ok" yon nalang ang nasabi ko sa kanya.

"Bakit hindi ka kumakain?" hindi na ako nakatiis na tanungin sya.

Ibinaba nya ang mug na hawak nya at tumingin sa akin na nasa bunganga ang kutsara.

"Hindi ko feel kumain ng maaga"

"Bakit noong nasa mansion tayo kumain ka ng maaga doon?"

"Andun kase si Daddy.......si daddy mo, masyadong mapilit"

Napataas ang isang kilay ko.

"Hindi naman Daddy ang tawag ko kay Papa" sabay simangot ko.

"Pwede mo naman sya tawaging Daddy" sabi nya na napatawa ng mahina.

Hindi na ako sumagot at binilisan ko na ang pagkain dahil maliligo pa ako.

Pagkatapos kung maligo ay nagulat pa ako na ang uniform at sapatos ko ay nasa taas na ng kama ko.

Napangiti ako dahil noong nasa canada ako ay si Papa ang gumagawa nito sa akin tapos ngayon si Xan na, para talaga syang si Papa very husband material.

Hmmmm, Pero teka, husband material? Pwede rin.

Pinasadahan ko pa for the last time ang itsura ko sa salamin kung ok na ba ang suot ko bago lumabas ng silid. Nakita ko si Xan na hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Feeling ko namumula na naman ang pisngi ko dahil nako-concious ako sa mga hagod ng tingin nya sa akin.

Kinuha ko na ang bag ko sa taas ng mesa at isinukbit ko na sa shoulder ko at nauna nang lumabas ng bahay.

Habang papalapit kami sa school ay hindi ko maiwasang kabahan.

"Are you ok, you look nervous?"

Bumuga ako ng hangin para maibsan ang kaba ko.

"Sasamahan kita hanggang sa loob" napatingin ako sa kanya. Ano ako bata na mayroon seperation anxiety?

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now