CHAPTER 12

120 1 0
                                    

LQ

Panay ang tingin ko sa orasan habang ginagawa ko ang project namin, wala parin si Xan, first time nya malate ng ganitong oras at mag twelve na. Saan na kaya sya at sino ang kasama nya ngayon?

Naramdaman ko ang bahagyang pag-click ng doorknob at sigurado ako na sya na yon.

Babatiin ko sana sya kaya lang umatras ang dila ko nang makita ko kung sino ang kasama nya.

"Oh, the orphanage girl is still awake?"

Napatiim-bagang ako sa sinabi ni Joana.

"Hi, orphanage girl" bati nito sa akin at umupo sa sofa.

Wow! feeling at home?

Hindi ko sya pinansin at parang nakainom yata kaya mababahong words ang lumalabas sa bibig.

"Alam mo ang swerte mo din no? Inampon ka na, binigyan ka pa ng magandang buhay?" sabay tawa nito ng nakaka-insulto.

Ayaw ko syang patulan dahil mas matanda sya sa akin, sinulyapan ko si Xan na hinarap ang kusina. Advantage 'to sa akin para patulan 'tong lukaret na'to.

"Bakit hindi ka makaimik ngayon dahil nasa ibang pamamahay ka?" trigger nya sa akin.

"Diba noong nasa hacienda ako ang tapang mo at nakuha mo pa na tapunan ako ng tea?
bakit? sobra na ba ang selos mo sa akin? Akala mo hindi ko alam na may gusto ka kay Xan?

Tumatawa sya habang binibigkas ang mga salita na 'yon.

"Hindi pumapatol si Xan sa bata at baka makasuhan sya ng child abuse o di kaya ay pedophile, at kung ako sayo ay mag-aral ka nalang ng mabuti para hindi naman sayang ang ginagastos sayo ng poster parent mo kesa maglandi ka"

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at mabilis ko na sinamsam ang mga gamit ko at pumasok sa kwarto, at doon ako nag-iiyak. Bakit kase andito yong Joanang 'yon?

Masakit ang mga sinabi nya pero tama naman sya, kailangan ko mag-aral ng mabuti dahil pinapaaral ako ng ibang tao. Isipin ko palang na ibang tao si Papa parang hindi ko na matanggap ang katotohanan na iyon. Kapag pala sa ibang tao mo maririnig ang mga katagang ampon lang ako ay masakit pala talaga sya pakinggan.

Wag ka mag-alala Papa, hindi ka mabibigo sa akin at mag-aaral ako ng mabuti.

Tatapusin ko na sana ang project na ginagawa ko ng makalimutan ko ang laptop ni Xan na ginagamit ko sa mesa, kaya labag man sa loob ko ay lumabas ako para kuhanin yon. Ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang maaktuhan ko si Xan at Joana na naghahalikan.

Sa sobrang pagkabigla ko ay hindi ako nakagalaw, naistatwa ako habang pinapanood sila. Agad din naman bumitaw si Xan kay Joana nang mapagtanto nya na nakatingin ako sa kanila. Ngising aso si Joana ng bumaling ang tingin nya sa akin.

Mabilis ko na kinuha ang laptop at pumasok na sa silid, at ang apat na sulok ng silid ang saksi nang mga impit ko na iyak. Iniyakan ko ang nasaksihan ko. Tama na naman si Joana, ang dami na nyang puntos sa akin. Bakit ako magugustuhan ni Xan gayong 16years old palang ako? Makakasuhan sya. At-at si Joana ang bagay sa kanya dahil magkasing-idad lang sila and their kisses is evidence that they like each other.

Sa sobrang iyak ko ay mabilis ako nakatulog, ganon naman talaga diba? after natin umiyak ay nakakatulog tayo agad. Ang ating mga mata ay namamaga dahil sya ang pintuan ng ating puso, at kung sino man ang papasok sa pintuan at hindi magugustuhan ng puso ay malilintikan ang ating mga mata, kaya tayo umiiyak kahit gusto natin ang ating nakikita kung hindi naman maramdaman ng puso. Sa ayaw at sa gusto natin, lalabas ang luha ng pagkabigo.

Siguro it's time na para ibaling ko ang atensyon ko sa iba? Sa mga kaidad ko, andyan naman si Lance na nagpaparamdam sa akin. Bakit hindi ko sya subukan? Baka sa pamamagitan nya ay makalimutan ko si Xan.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now