CHAPTER 14

134 2 0
                                    

PERFECT SHOT

Nagising ako sa kwartong familiar pero hindi sa akin,   inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng silid. The room has two shade combinations, black and gray. Also the smell is masculine.

"What the fuck......"

Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ko na kwarto ito ni Xan at mas napangiwi ako ng maalala ko rin ang ginawa ko last night.

"Oh, shiit! muntikan na yon ah".

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba.

"Muntikan na ako mapuruhan kagabi".

But at the same time ay may bahagi ng pagkatao ko ang nanghihinayang kung bakit hanggang doon lang muna kami.

Muna?
So nag-eexpect pa ako na may next edition pa? hmmmm, why not!

Ahhh! May mukha pa ba akong ihaharap sa kanya?

Hinanap ko na ang damit ko pero hindi ko na makita, wala na akong choice kundi ibalot sa katawan ko ang kumot nya. Dahan-dahan ako lumabas pero nakita nya pa rin ako.

Malamang, nakaupo sya sa silyang paharap sa kwarto kaya makikita nya talaga ako. May hawak na naman sya na papel habang nakatukod ang isang braso sa mesa nasa  mga bibig nya ang kanyang mga daliri tapos naka cross legs. Men, kahit sino malalaglagan ng panty pagkaharap sya. Naka black shorts at plain white t-shirt lang sya, sabi nga sa kasabihan.... simple is more and that's him. Bet ko talaga ang mga simple nya lang na suot, yong hindi trying hard pumorma para lang masabing maporma.

Nagkatitigan kaming dalawa, agad na ako kumaripas  sa banyo at dinaanan sya pero alam ko pulang-pula na naman ang mukha ko dahil sa kahihiyan.

Pagkatapos kong maligo ay ganon nalang ang pagkadismaya ko nang makita ko na wala ang mga towel sa rock na pinagsasabitan, ayaw ko man gawin pero kailangan ko ng tulong nya. Binuksan ko ang pinto at inilabas ko ang ulo ko doon para tawagin sya.

"Xan!" napalingon naman sya sa akin.

"Wa-walang towel di-dito" pautal-utal na sabi ko.

Agad naman syang tumayo at pumunta sa laundry area at tama nga ang hinala ko, naglaba sya at isinabay nya naman ang mga damit ko. Agad ko namang kinuha sa kanya ang towel at mabilis na sinarado ang pinto at lumabas para makapagbihis, naghahain na sya sa mesa pagdaan ko.

Ilang minuto na akong tapos magbihis, pero parang ayuko lumabas dahil sa dalawang reason. Una, tungkol sa kapangahasan ko kagabi, lasing ako pero alam ko ang ginagawa ko and what if mabuntis ako? de bale tatanungin ko sya mamaya.
Pangalawa, ngayon daw kami magtutuos dahil umalis ako kagabi na walang paalam at nakipag-party kila Lance kasama si Vince.

Pakiramdam ko ay mas nakakatakot pa sya sa tatay ko e.

Pero bakit muna ako mahihiya, matagal naman na makapal ang mukha ko so bakit hindi ko i-apply ngayon at magpretend na wala lang sa akin ang naganap last night?

Paglabas ko ay nasa mesa pa rin sya at nagkakape pero nakaready na ang mga food, ako nalang ang hinihintay, sigurado. Lumapit ako sa mesa at umupo sa harap nya, hindi sya nagsasalita at ang mga mata ay nasa papel nya na naman na hawak.

"ehhemm" tikhim ko muna at saka uminom ng tubig na nasa harap ko, bumu-bwelo lang.

"Sorry sa mga ginawa ko last night" sabi ko na nakayuko dahil ayuko makipagtitigan sa kanya, feeling ko bibigay ako ulit e.

"Alin doon sa mga ginawa mo kagabi?"  sarcasm nya na sabi.

Napataas na ang tingin ko sa kanya at naramdaman ko na umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo dahilan para pamulahan ako ng mukha.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now