CHAPTER 15

137 3 0
                                    

KAMI vs JOANA

Nakarating na kami sa parking ng office nila, anyways first time ko dito at firts time rin nila na makita ako. Parang akong kinakabahan na iwan.

"Are you ok?" tanong ni Xan sa akin, siguro napansin nya na balisa ako.

"Uh-um" tumango ako ng nakangiti.

Sabay na kami na bumaba ng car, wala naman akong dala maliban sa phone at card na bigay nya.

Nagulat ako ng hawakan nya ako sa kamay, napatingin ako doon bago sa mukha nya. plain expression again.

Pero ok lang, pinagsalikop nya ang mga kamay namin at pumasok na sa building.

"Good morning sir, ma'am" bati sa amin ng guard, tinapik naman ni Xan ang balikat ng guard at nginitian.

Pagpasok namin sa loob ay nagtinginan sa amin ang lahat ng empleyado at isa-isang binati si Xan ng 'good morning sir'.

Hhmmm, highly respected sya dito a.

Ang lahat ng mata ay nakatuon sa amin, especially sa akin. Siguro dahil first time ako dito?

Medyo nahihiya tuloy ako sa kanila kase nagbubulungan pa ang iba.

Ang aga naman ng maritesan dito.

"Sir, Xan. Andyan na po si Miss Joana sa conference room"

Bungad kaagad ng isang babaeng naka corporate attire, at tinanguan naman ito ni Xan.

Tumaas ang kilay ko ng marinig ko ang pangalan ni Joana.

"You'd better come to my office first"

Pero umiling ako "Hintayin lang kita dito" sabi ko sa kanya ng may mga ngiti sa labi.

"Are you sure?" paniniguro pa nito sa akin at sinilip ang mga mata ko para magtama ang mga iyon, tinanguan ko sya na ok lang na maghintay ako dito.

"Ok, babalik ako kaagad after" nagulat na naman ako ng halikan nya ako sa noo bago umalis, nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil tinitingnan pa rin ako ng mga tao sa paligid.

Umupo ako ng isa sa mga sofa na andon sa gilid, wala manlang may lumapit sa akin kahit na isa. Sana pala ay umakyat nalang ako sa office ni Xan, napapaso ako sa titig ng mga tao dito.

Ilang minuto lang ay tumunog ang phone ko, unregistered ang nakalagay.

'Are you ok?'

Napangiti ako dahil isang tao lang naman ang may alam ng number ko.

'Yeah' -reply ko sa kanya.

At hindi na nagreply ulit, pumunta muna ako sa restroom para tingnan ang itsura ko kase baka may dumi sa mukha ko dahil hindi mawala ang tingin sa akin ng mga tao.

Nagkagulatan pa kami niJoana nang magkita kami sa loob ng CR.

"Oh, anong ginagawa ng ampon dito? Sunod-sunuran na naman kay Xan?" nakataas ang kilay na tanong nya.

Hindi ko sya pinansin at hinarap ko ang sarili ko sa salamin para sipatin kung saan ang may dumi.

"Hindi ka pa rin nadala no? Hindi mo ba alam na may relasyon kami ni Xan? Nakita mo naman diba kung paano nya ako halikan sa loob ng bahay nya at sa harap mo pa mismo?"

Mataray na sabi ni Joana.

"Hinalikan ka or hinalikan mo?" patuyang tanong ko.

"Hindi ka nya magugustuhan Kami, kase immature ka at tingnan mo nga ang sarili mo, baby bra pa yata ang gamit mo?"

Sabay liyad nya para ipagmalaki sa harap ko na malaki ang coco melon nya.

"At tingnan mo nga ang damit mo, daig mo pa ang magmamadre dahil balot na balot ka. Hindi ganyan ang mga tipo ni Xan.
Ang mga tipo nya ay ang mga babaeng seksi, in short katulad ko.
At hindi conservative na katulad mo dahil ang katulad mo, imbes na mapaungol sya sa sarap ay baka pagro-rosaryo mo ang maririnig"

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now