CHAPTER 18

126 3 0
                                    

I LOVE YOU GOODBYE

Mula sa Hacienda El Farma ay bumiyahe si Papa papuntang Manila, dahil tumawag ang school namin tungkol sa naging problema ko.

Pati si Xan ay gulat na gulat sa mga nangyayari sa akin sa party dahilan para hindi na ako makapasok ulit, first time kong makita na galit na galit si Papa kaya todo hingi ko ng sorry sa kanya.

"Dinala kita dito sa Pilipinas kase hindi kita kayang iwan sa Canada mag-isa, alam mo ba na malaki ang isinakripisyo ko para lang sayo? Para lang mabigyan kita ng magandang kinabukasan?"

Nanggagalaiti si Papa sa akin, hindi ko kayang makita sya na ganito, na nasasaktan dahil sa kagagawan ko.

"Hindi lang 'yon, dinungisan mo pa ang reputation ko sa lahat. Kami anak. Bakit nagkaganyan ka, nong nangyayari sayo, a?"

Halos hindi makapaniwala si Papa kase mataas ang expectations nya sa akin.

"Papa sorry, hindi ko sinasadya"  umiiyak ako habang nakaluhod at hawak ang laylayan ng damit ni Papa, pilit ko na inaabot ang kamay nya para mahawakan ko kaya lang inilalayo nya.

"Hindi ko inaasahan ito, Kami" malungkot na sabi ni Papa. "I think, kailangan mong bumalik ng canada at doon nalang tapusin ang pag-aaral mo"

Seryuso ang tono nya habang sinasabi iyon.

Napatigil ako saglit sa sinabi nya. "Papa, ayuko. Ayuko po pumunta doon na ako lang mag-isa. Hindi ko po kaya" mas lalo pa lumakas ang iyak ko.

"Kaya mo 'yan, malaki ka na diba? Siguro time na para ang Ana......."

"Tumayo ka na dyan!"  hindi natuloy ni Papa ang sasabihin nang sumigaw si Xan na tumayo na ako.

Lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa kamay para patayuin, nakita ko kung paano magsukatan ng tingin si Papa at Xan. Natatakot ako na baka sisantihin ni Papa si Xan sa trabaho dahil lang sa akin.

"Diba obligasyon mong bantayan sya dahil na sa poder mo sya?
Sabi ni Papa habang nakatingin kay Xan na hawak pa rin ang kamay ko,  nasa gitna nila ako na nakasalampak sa sahig, para silang mga higanteng bato na anytime ay maaaring mag-uumpugan dahil sa galit sa isa't-isa.

"Sorry" si Xan. "Sorry kung hindi ko sya nabantayan ng araw na iyon" hinging paumahin nya kay Papa habang nakayuko.

No, hindi ito maaari. Wala syang kasalanan, lahat kagagawan ko. Nagpadala ako sa bugso ng damdamin ko  sa araw na iyon kaya napilitan akong pumayag sa paanyaya ni Lance sa birthday nya.

"Papa, walang kasalanan si Xan. Ako, ako ang may kasalanan 'wag nyo po syang sisantehin sa trabaho nya"

Awat ko sa paghingi ng sorry nya dahil sya ang sinisisi ni Papa sa pagkakamali ko.

"Kita mo na ang resulta ng ginawa mo anak, may mga nadadamay sa pinaggagawa mo" si Papa na hindi inaalis ang pakakatitig kay Xan.

"Tama ka Papa, kailangan ko na siguro na matuto sa buhay na ako nalang mag-isa. Tama po kayo, baka mas marami pa ang madadamay kapag manatili ako rito"

Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Papa, tumayo ako mula sa paanan nya.

"Papa, thank you so much dahil binihisan nyo ako at binigyan  ng magandang buhay, ipinahiram nyo sa akin ang pangalan nyo, hindi kayo nagkulang sa akin. Lahat ng tama ay itinuturo nyo sa akin, sorry po dahil sa kabila ng mga tama na itinuturo nyo sa akin ay minsan pinipili kong gawin ang mali. Patawad Papa, pinagsisihan ko na ang lahat, patawarin nyo na po ako, hindi ko na po uulitin."

Napaluhod ako ulit sa pagmamakaawa kay Papa, nakita ko namumula ang mga mata nya na pilit na nilalabanan ang mga luhang wag bumagsak.

"Habang buhay ko na tatanawin sayo ang utang na loob, maraming salamat po sa lahat-lahat"

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now