CHAPTER 19

122 5 1
                                    

HER NEW LIFE

Safe na nag-landing ang sinasakyan kong eroplano sa airport ng Canada, nagpara ako ng taxi at nagpahatid sa isang hotel para makapagpahinga muna.

Ipagpahinga ko muna ang pagal kong katawan, isip at puso. Hindi ako dumiritso sa bahay namin dito sa Canada. At wala akong balak na manatili pa dito. Andito lang ako para hindi ako matunton ni Papa, bukas kaagad ay lilipad ako ulit papuntang Turkiye. Doon ko balak na manatili, alam kong hindi nila maiisip na doon ako pumunta......... Sana nga! Lihim kong dasal.

Ibinagsak ko ang pagod kong katawan sa malambot na kama ng hotel, nakatingala ako sa ceiling at ipinatong ko ang braso ko sa ibabaw ng aking noo at pumikit.

"Ano na kaya ang nangyayari sa bahay?
Hinanap ba ako ni Xan, ni Papa?

Alam ko sa sarili ko kahit na galit si Papa sa akin ay kapakanan ko pa rin ang iisipin nya, kaya sigurado ako na once na malaman nya na nawawala ako ay sigurado na hahanapin nya ako.

How about Xan?
hahanapin nya rin kaya ako katulad ni Papa?

Hmmmm, i don't know.

hindi ko pa sya lubos na kilala kaya hindi ko pa kabisado ang mga iniisip at galaw nya.
pero may bahagi ng puso ko na tumututol sa naiisip ko na possible na hahanapin rin ako ni Xan.

What if nga matunton nya ako one day?
Ano ang gagawin ko, sasama ba ako sa kanya pabalik ng Pilipinas?

No, malabong mangyari yon. Dahil in the first place wala naman pagtingin ang gagong yon sa akin.

Napatawa ako sa iniisip ko, tawa na may kalakip na pait dahil sa pagkabigo ng unang pag-ibig.

knock, knock, knock

Naputol ang pag-iisip ko nang may kumatok sa silid ko, tamad ako na bumangon para pagbuksan.

Nagpasalamat ako sa naghatid ng order ko na food bago isinara ang pinto, ngayon lang ako nakaramdam ng gutom after long travel by air.

Halos hindi ko malasahan ang kinakain ko dahil ang isipan ko ay okupado ng iba't-ibang bagay, pero pilit kong nilulunok dahil kailangan ko ng sapat na lakas para harapin bukas ang hamon ng pakikipagsapalaran ko mag-isa.

At kailangan ko rin magtipid ng pera dahil kunti lang ang dala ko. Mga naipon ko pa iyon mula sa ibinibigay sa akin ni Papa. Kinuha ko lahat sa banko para may magamit ako sa pagsisimula ko. Sapat ang halaga na yon para sa iilang buwan na pamumuhay ko, pero kailangan ko kaagad makahanap ng trabaho bago maubos iyon.

After kong kumain ay naligo muna ako at natulog dahil maaga rin ang flight ko papuntang Turkiye, malapit lang din ang tinutuluyan kong hotel at  pwede ko syang lakarin bukas papunta roon para makatipid ng pamasahe.

Kinabukasan ay nagising ako sa alarm na nasa relo ko, bumangon kaagad ako at nag toothbrush, naligo at umorder ng agahan.

Malamig na sa Canada kaya isa sa mga hindi ko nakalimutan ay ang makapal na coat ko, winter na rin kase at katulad sa Canada ay ganoon rin pagdating ko sa Turkiye.

Ang Bansang Turkiye ay isang muslim country na pinaka-huling bahagi ng Asia at unang bahagi ng Europe, kaya tinawag ito na EurAsia na kung saan ay naging tulay ng dalawang continent.  May mga iilan na nagsasabi na ang Turkiye ay bahagi na ng Europe, pero ito ay bahagi pa rin ng Asia kabilang ang Pilipinas.

Sa Angkara ako didiritso, doon ako magsisimula ng panibagong buhay, sa bansang never ko pang napuntahan pero alam ko ang bansang 'to dahil mahilig ako manood ng mga Turkish movies at series na kung saan ay natuto ako ng mga basic turkish language, kaya pagdating sa communication ay sigurado ako na hindi ako masyadong mahihirapan. Knowing Turkiye ay mahalaga sa kanila ang kanilang language, unlike sa Pilipinas na mas mahalaga ang English kesa sa sariling wika kase nakaka-social at nakakatalino daw iyon.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now