Napangiti lang naman siya sa sinabi ko at nagkibit balikat, "Sige, kunyari hindi obvious."

"Muka na ba kong tanga, Mands?"

"Lahat naman ata ng in love talagang nagmumukang tanga, di ba?"

I smiled bitterly at iinom na sana sa inumin ko when Amanda suddenly grabbed my drink, "Hey, that's -" I was cut off when she stood up and look passed me.

"Ly!" Masiglang bati ni Amanda.

Agad akong napatingin sa likuran ko nang marinig ang pangalan na yun.

At andun na nga siya

"Glad you came." sabay beso ni Amanda at higit kay Pots patungo sa kaninang stool na inuukupa niya. Yung bar stool sa kanan ko.

Kayat andito siya, sa mismong harapan ko.

"What do you want, Ly?"

Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa habang patuloy na inasikaso ni Amanda si Pots. Pero bago pa man makatugon si Pots, pareho nilang napuna na nakatingin lang ako sa kanila.

"Nga pala, Ly, I want you to meet my friend..." hinawakan ni Mands yung balikat ko at pabiro akong ipinakilala kunyari kay Pots, "Si Bang... Bang, Aly. Aly, this is Bang."

"Baliw ka talaga, Mands." Patawa tawa niyang sagot, "Kilala ko yan..." sabay bigay ng isang matamis na ngiti sa akin, "Kaibigan ko rin yan e."

Hindi ko naman maiwasan, kahit wala naman akong karapatan, nasaktan pa rin ako. Hindi ba masyadong maaga pa para ipamuka sa akin ang katotohanang 'friends' na lang kami?

"Di ba, Bang?" agaw ni Pots sa paglipad ng isip ko.

"Ha...?" kunyaring pagbibingi-bingihan ko sa lakas ng music dito sa bar.

"Friends kako tayo." ulit niya pa at medyo nilakasan ang boses.

 "Ah... oo naman. Friends." pilit kong ngiti. 

Pasimple namang hinaplos ni Amanda yung likuran ko at marahan akong nginitian.

"Hoy, Mands!" biglang sumingit si Mayeth sa amin at inakbayan si Amanda, halatang may tama na rin. "Tara sayaw!"

"Alyssa! Andito ka na rin pala!" bati niya sabay beso kay Pots nang mapansin niya 'yun"tara dun tayo sa dance floor! Uy, ikaw din Bang!"

"Naku, dito na lang ako." mabilis ko namang tanggi.

"Ako din, dito na lang muna ako, Mayeth. Siguro mamaya na lang." segunda ni Pots na nakangiti.

"O, ikaw!" clamsy na duro ni Mayeth kay Amanda, "Wag mo sabihing dito ka lang din ha?"

"Ano ka ba? Inaasikaso ko kaya yung bisita natin!"

"Sinong bisita? Eto?!?" sabay lipat ng akbay ni Mayeth kay Pots, "Hindi naman to bisita e. Tropa kaya to!" 

"Oo nga naman, Mands. Samahan mo na yan si Mayeth. Parang hindi naman aalis yan na walang mahahatak e." tulak ni Pots kay Amanda, "Dito na lang muna kami ni Bang."

"O, narinig mo?!" patuloy na sigaw ni Mayeth, "gusto niya raw masolo si Bang... pabayaan na natin."

Hindi ko naman maiwasang mailang, habang yung dalawa nakangiti sakin. Pag tingin ko kay Pots, ngumiti lang rin siya at "Baliw." lang ang naging komento.

"Sige na, magsilayas na kayo dito." patawa-tawa niya pa ring pagpapaalis dun sa dalawa.

"O siya, sige. Mukang atat masolo ni Alyssa si Bang e. Dun na kami." pagpapaalam ni Mayeth at Amanda samin.

...

"Uhm, ano sa'yo, Alyssa?" tanong ko kay Pots nang makaalis na yung dalawa, hindi kasi siya nakasagot kanina kung anong inumin yung gusto niya.

"Hendricks na lang." seryoso pero nakangiti niyang sagot.

Napatitig naman ako sa kanya.

Hendricks?

Hindi ko kasi talaga inaasahang iyon ang gusto niyang inumin. Talaga bang umiinom na siya ng mga ganun?

Bang, naaalala mo ba ng magkahiwalay kayo? Hindi ba't lagi na siyang nainom noon? Pagkausap at paninisi ko sa sarili ko.

Alangan kong itinaas yung kamay ko para tawagin yung bartender.

"Yes, ladies?" masigla niyang bati.

"Uhmm... one Long island and Hendricks -"

Narinig ko naman yung pagtawa ni Pots, kaya napatingin ako sa kanya, nakangiti siya sa bartender, "Make it one long island and juice carafe, sir."

Napakunot naman yung noo ko, habang siya, nakangiti pa rin.

"Hindi na ako nainom, Bang."

"Ah... nagulat nga ako na yun yung gusto mo e."

"Pero hindi mo naman ako tinanong ulit?", pagtataas niya ng kilay pero nakangiti.

"Ayos ka, pinagti-tripan mo ako ha?" nakangiti ko na rin na tugon sa kanya.

"Napaka seryoso mo kasi. Di ba party dapat to?"

Sabagay, dahil sa ginawa niya, parang kahit papaano ay nawala yung uneasiness ko habang kausap siya. At mukang naging komportable na rin sa usapan namin.

Painom na ako sa inumin ko ng tumingin siya sa akin at nagtanong, "Anong plano mo, Bang?"

"Ha?!? Ano yun?!?" pag papaulit ko sa sinabi niya. Masyado kasing mahina yung boses niya at talong talo iyon ng ingay dito sa bar.

Inilapit niya naman yung muka niya sa akin at nilakasan ang boses, "Anong plano mo kako?!"

"Saan?!" medyo lumapit ako sa kanya para marinig ko yung sasabihin niya. Hindi ko kasi talaga maintindihan yung sinasabi niya ng maayos.

Inilapit niya muli yung muka niya, yung medyo malapit na yung bibig niya sa tenga ko. Parang naramdaman ko naman na namula yung muka ko."After graduation. Magwo-work ka na ba? Or you'll accept the offers to play for professional volleyball?"

"Uhm... Ano... Napag isipan ko na yan, pero hindi pa rin ako nakakagawa ng decision."Naiilang kong tugon. 

Tumayo si Pots, akala ko lalayasan niya na ako. Pero bigla niyang hinawakan yung braso at muling inilapit ang bibig niya sa tenga ko, "Dun nga tayo sa labas, hindi tayo magkakaintindihan dito e."

Walang ano mang pagtanggi, tumayo ako at hinayaan yung hawak niya sa braso ko habang marahang gumagawa ng way para sa aming dalawa palabas ng bar.

"Ayan!" sigaw niya paglabas namin sa may open area, "At least dito, hindi na ganun kaingay. Ano nga yung pinag uusapan natin?"

"Kung sino susunod na presidente." sagot ko.

"Ha?" nakakunot niyang tanong.

I laughed, "Joke lang."

"Ayos ka, nabawi ka pa ha?"

"Well, quits?" I smiled.

Pero hindi ko inaasahan yung naging tugon niya. Hindi ko alam kung ako lang ba yung nagbibigay ng ibang ibig sabihin sa sagot niya, 

"Are we?"tanong niya.

"Huh?"

"Are we? Are we quits now?"pag uulit niya habang direchong takatingin sa mga mata ko.

"I guess." Maiksi, ilang at hindi ko siguradong sagot.

"Great...Then, pwede na ulit tayo mag start ulit?"



Who Is Meant? AlyDen? BangLy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon