CHAPTER 21

124 2 0
                                    

CHICKEN ADOBO

"Kim o?"

Tanong ng babae na ang mga mata ay nakatuon parin sa akin, mabilis ko na hinila ang kamay ko na hawak pa rin ni si Furkan.

"New waitress"

Maikling sagot nya, tumaas ang isang kilay ng babae at dumiritso sa sofa na nasa gilid. Samantala ang batang babae ay nagpakarga sa kanya. Nagpaalam na ako na lalabas na at dinaanan ko ang sapatos ko na binato nya kanina.

Sayang kung hindi ko kukunin. Lagyan ko nalang ng mighty bond para may magamit pa ako bukas.

Paglabas ko sa office ni sir Furkan ay sinalubong kaagad ako ni Yasimin at dinala sa locker room namin.

"Iyi misin?"  nag-aalala na tanong nyo sa akin.

"Evet, problem yok" nilangkapan ko ng fake na tawa ang boses ko dahil nahihimigan ko ang pag-aalala nya.

"Kiz, alam mo ba na si sir Furkan pa ang humingi ng sorry kanina sa customer na accident mong natapunan ng food?"

"Really?" napatutop ako sa bibig ko dahil sa kamalasan ko, parang tama yata ang sinabi nya na ako ang magdadala ng damage sa negosyo nya.

"Paano na ang gagawin ko ngayon, Yasimin?" naiiyak na ako sa kanya, at the same time kinakabahan na naman.

"Wag ka mag-alala, mabait yan si sir, ito isuot mo muna, palitan mo na ang uniform mo" sabay abot nya sa akin ng isang pares ng uniform.

After ng incidente ay hindi na ako pinag serve pa ng manager namin at utos daw yon ni sir Furkan, since na wala naman ako gagawin ay pumunta ako sa kitchen sa mga nagluluto at naki-usyuso ako doon. Mabuti nalang ang mga chief doon ay mababait at hindi ako iniindyan hindi katulad ng mga ibang waitress na parang kakainin ako ng buhay.

Habang nag se-serve si Yasimin ay hiniram ko muna ang phone nya at nag search ako kung paano magluto ng adobo, chicken adobo since Turkiye is a muslim country. So, hindi sila pwede sa pork. Pinanood ko ng mabuti at kinabisado ang mga ingredients at kung paano lutuin. Ang mga ingredients ay inilista ko pa para hindi ko makakalimutan.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at pumunta sa wet narket para bumili ng mga gagamitin ko sa pagluluto ng chicken adobo, bumili lang ako ng kalahating kilo ng manok dahil you know, kailangan natin magtipid kase wala pang sahod.

First time ko mamalengke sa buong buhay ko, pero maganda rin itong karanasan para kung makapag-asawa na ako ay alam ko na kung ano ang buhay may-bahay.

Pag mag-asawa ako ay ayuko magtrabaho, doon lang ako sa bahay para maalagaan ko ang asawa ko at ang mga magiging anak ko. Masubaybayan ko sila ng mabuti, gusto kong lumaki sila na ako ang nag-aalaga sa kanila at hindi iasa sa kanilang mga yaya. Gusto ko, ako ang unang maka-saksi ng mga first time nila sa buhay  Katulad ng, unang word na mabibigkas nila, unang hakbang at tayo nila.
Simple lang ang pangarap ko na yan pero malaking bagay sa akin knowing na lumaki ako na walang inang kinagisnan kaya, yan ang ibibigay ko sa mga magiging anak ko in the future.

Pagtapos kong lutuin ang adobo ay inilagay ko na sa tatlong container. Sa akin, kay Yasimin at kay sir Furkan.

Parang pasalamat ko na lang rin sa kanya kase kahit paano ay isinalba nya ako sa malaking kahihiyan, tinikman ko naman ang adobo ko. Hindi ganon kasarap na katulad ng ipinapatikim sa akin ni Xan pero kahit paano ay pwede na ang adobo ko.

Haist! bakit kase naalala ko na naman sya?

Hindi na narimedyuhan ang sapatos ko kaya kahit nakabuka na sya ay sinuot ko pa rin at mas mainam nga dahil wala ng takong mas kumportable ako maglakad, yon nga lang close open sya.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now