CHAPTER 25

120 2 2
                                    

PHILIPPINES

Natanggap ako bilang secretary ng garments factory, sobrang saya ko kase diba? At least, new work new life. Nag start from zero ako ulit malayo na ako sa Ankara.

Nang ok na ang istado ko sa trabaho ko ay nagpatuloy ako sa pag-aaral ng college sa gabi. Sa gabi lang kase at may trabaho ako sa umaga. Imagine, ang dami kong natutunan sa buhay nang mapalayo ako kila Papa at Xan.

Ganito pala ang buhay ng mga ordinaryong tao, sobrang layo sa naging buhay ko noon sa Pilipinas at Canada. Sa bawat kabanata ng buhay ko ay marami akong nakukuhang aral na pwede kong gamitin sa susunod na kabanata ng aking kwento.

Umabot ako ng tatlong taon sa turkiye, nakapag-aral ako ng hanggang third year college sa isang simpleng university doon bago ko maisipan na what if sa Pilipinas nalang ako mag-aral ulit? Total malapit na ako mag graduate at siguro ay hindi na maisip nila Papa at Xan na nasa Pinas na ako dahil tatlong taon na ang nakaraan.

That time ay wala pa rin akong phone, sinikap ko na iwasan ang kahit na anong mga devices na makakapag-access sa kung saan man ako sa kasalukuyan o kung saan man ako mapadpad.

Pagbaba ng eroplano na sinakyan ko ay nakaramdam ako ng saya, parang ang gaan ng aking pakiramdam na sa ikalawang pagkakataon ay nakatapak ako muli sa Pilipinas.

Katulad ng kadalasan na eksina ang makikita mo sa airport, natigil ako saglit at binalikan ang ala-ala nang una akong umapak sa airport na ito mula sa Canada.

Kasama ko noon si Papa at sinundo kami ng isang matangkad, moreno at gwapong lalaki na napakasungit at parang may dalaw yata nang araw na iyon. Iyon ang araw na una ko syang nakita, at ang araw din na iyon na nakuha nya ang pansin at inis ko.

Ang lalaking kayang baliin ang mga sungay ko na kahit si Papa ay hindi magawa sa akin, pero sya ay wala syang pakialam sa kung sino ako. Napapasunod at napapaamo nya ako sa mga gusto nya.

Napangiti ako na nilisan ang bahagi na yon ng airport na bahagi na ring ng aking ala-ala at buhay.

Tumuloy ako sa isang hotel at naka schedule na ako na magbakasyon muna sa boracay bago maghanap ulit ng trabaho at makapag enroll ulit sa course ko.

Naisipan ko na mag bar kinagabihan, pumunta ako mag-isa. Enjoy your moment while you are alone. Sanay na ako na mag-isa, nasanay ako sa turkiye. Hindi ko pala talaga kailangan ng maraming kaibigan para sumaya para magawa ang mga bagay na makakapagpasaya sayo.

Pagdating ko sa bar na napili kong puntahan ay napakadaming tao dahil sabado nang araw na iyon, umupo ako sa pinakasulok at pinagmamasdan ang mga party goers na andun.

Grabe, ang wild sumayaw ng mga 'to at naghahalikan pa mismo sa gitna ng dance floor at ang iba naman ay halos hindi na umabot sa kwarto sa libog ng mga katawan at doon mismo sa mga couch ay nagyuyogyugan.

Tsk, tsk, tsk. Napailing nalang ako sa mga iba't-ibang nakikita ko. Ngunit paggawi ng mga mata ko sa isang sulok ay nakita ko ang pamilyar na mukha ng isang lalaki.

"XAN" piping utal ko. Hindi ako magkamali sya yon, tahimik syang nakaupo habang mag hawak na baso na may laman na alak. Sa harap nya ay si Doc Janzen Valderama. Si doc Janzen ay minsan kong naging doctor. May katabi ito na dalawang babae sa gilid nya.

Napataas ang kilay ko sa nakita ko, chix boy ka palang doctor ka a. Pero mas ikinatuwa ng puso ko nang makita kong wala katabing babae si Xan. Pinapanood nya lang ang mga napapanood ko rin sa paligid ko.

Parang gusto ko syang takbuhin at yakapin dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kanya. Pero bakit ko gagawin yon? E, allergic yon sa salitang pagmamahal.

Ilang beses na akong binasted nya kaya walang dahilan para gawin ko ang kung ano man ang nasa isip ko. Kuntento na ako na pinapanood sya. At maya-maya lang din ay tumayo sya at iba na ang kanyang balanse, masyado na syang lasing.

Palihim ko syang sinundan at pumasok sya sa isang VIP ROOM. Nakita ko ang isang seksing babae na pumunta sa room ni Xan pero bago nya pa mapihit ang doorknob ay mabilis kong hinawakan ang kamay nya at tinitigan ng masama.

Binuksan ko ang bag ko at kumuha ng pera sabay bigay sa babae at mabilis itong lumayas sa paningin ko. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago pinihit ang door knob.

"Uuwi na ba tao, Doc?" tanong nya sa pag-aakalang ako si Doc Janzen. Maingat ko na nilocked ang pinto, double locked pa ang ginawa ko para walang may makapasok kaagad.

Babayad ka na lang din ng babae, bakit hindi nalang ako? Libre ka pa.

Sabi ko sa sarili ko habang unti-unti kong tinatanggal ang dress ko at inilapag sa gilid ang pinaghubaran ko kasama ang bag ko.

No one else can taste you, except me.

And the second time he touched me, I gave myself to him again. No one else can touch me but Xan Laves Recuerda only. I honored myself with him.

Wala syang alam na ako ang kasama nya sa kama pero ipinaramdam ko sa kanya na ako talaga iyon, hindi nya man ako nakilala sa mukha ang mahalaga nadama nya at meron syang pagdududa.

Kinabukasan ay lumipad na ako pa boracay para sa bakasyon ko, at tamang-tama dahil summer din ngayon.

At katulad nga ng inaasahan ko ay maraming turista ang nandoon at galing pa sa iba't-ibang sulok ng mundo. Umupo ako sa buhanginan at hinayaan ko na ang banayad na alon ay humahalik sa aking mga paa ng paurong-sulong. Kay linaw ng tubig at kay puputi ng mga pinong-pinong buhangin.

Unang beses ko palang dito sa boracay, mula sa kinaroroonan ko ay tanaw ko ang mga paparating na mga turista sakay ang bangka na sya ring sinakyan ko. May mga nagkayak, paragliding at kung anu-ano pa na water activities.

Tumayo ako mula sa buhangin na kinauupuan ko at naglakadlakad sa dalampasigan, nakasuot ako ng two-piece black bikini na pinatungan ko ng manipis na tela para hindi naman masyado revealing ang dating ko.

Nakapaa lang ako habang naglalakad at nilalaro ng mga paa ko ang mga sheels na nadadaanan ko, bawal silang pulutin kundi hayaan lang sila sa gilig ng dalampasigan.

Hindi ko na napansin na napapalayo na pala ang lakad ko, mula sa kalangitan ay natanaw ko ang eroplano na malayang lumilipad. Ngunit napapitlag ako nang may bato na nahulog sa dagat, ang bato ay na tinapon ng isang bata sa dagat ay nagmistulang sumabog at sa lakas ng impact ay natilamsikan din ako ng dagat.

Hindi ko pinansin yon dahil laro ng mga bata at masayang inihahagis ang mga bato, pagtingin ko ulit sa himpapawid ay wala na ang eroplano. Kinain na ng mga makakapal at puting-puting clouds.

Nang mapagod na ako sa kalalakad ay nagswimming na ako, inabot rin ang pagbabad ko sa dagat ng dalawang oras bago ako bumalik sa room ko at magpahinga para sa next activity ko.

Natapos ang mga araw ko sa boracay kaya it's time na bumalik ulit ng Manila, pagdating ko doon ang una kong gagawin ay ang maghanap ng murang apartment para makakatipid na rin ako.

Sakay ng eroplano ay nakangiti ako na nakikita ko ang mga ibong sa bintana na nasa gilid ko, malaya silang lumilipad kaagapay ng eroplano.

Maya-maya lang ay nagulat ako sa biglang pagsabog malapit sa gilid ko at kitang-kita ko mula sa kalawakan ang biglang pagsabog ng eroplano ng malakas habang ako ay nasa kalawakan at nakahiga sa likod ng bintana ng eroplano na naging debre nang sumabog.

Nakita ko mismo ang mga katawan ng mga kasama ko sa loob ng eroplano na parang karne na nagkawatak-watak sa karagatan. At ang sumumod na nangyari ay hindi ko na alam, hindi ko na kilala ang sarili ko........... Huling buhay ko na pala iyon bilang KAMMEE EL FARMA..........!



MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora