CHAPTER 27

120 2 0
                                    

KAMMEE EL FARMA

"I will agree that I will recognize you as my Father but on one condition" i challenged him.

Even if I don't want to do it I still have to for this child.

"And what is that?" he raised his eyebrows.

"Be the Father of this child, instead of introducing me as your Son, you will introduce her as your daughter"

I saw the shock on his face, I was carrying the baby girl who was sleeping soundly on my shoulder.

"Anak, are you crazy? How can I introduce her as my daughter, while you are my only child and heir to the El Farma Empire?"

"Hindi ko naman kailangan ang yaman mo, ang kailangan ko ang may tatay na makagisnan ang batang 'to"

At bahagya kong iniharap sa Daddy ko ang batang tulog na tulog. I was 12 years old that time nang matagpuan ko ang batang babae sa puno ng kamias na pinapapak ng langgam. Sa murang idad ko noon ay halos madurog ang puso ko dahil kakapanganak pa lang yata sa kanya. Dinala ko sya sa bahay at inalagaan kasama ni nanay Zilda. Sya ang kaibigan ni Mommy na pinaghabilinan sa akin bago sya mawala.

"Ok, papayag ako sa gusto mo Anak but how about you? Hindi kita pwedeng iwan dito gayong natagpuan na kita, matagal ko kayong hinanap ng Mommy mo. At hindi ko alam na buntis pala sya sayo ng umalis ng Hacienda, halos mabaliw ako ng ilang taon na hindi ko sya kapiling"

Napaiyak na si Daddy, nakikita ko ang sakit na bumalatay sa mukha nya ng maalala nya si Mommy. Kahit ako ay hindi ko alam na sya pala ang Ama ko dahil nakikita ko lang sya sa mga magazine at dyaryo na binibili ni mommy pagpumupunta sya sa bayan. Pero kalaunan ay sinabi nya na rin sa akin ang totoo kaya after so many years na nawalay ako sa ama ko ay nahanap nya kami ni mommy pero huli na ang lahat dahil wala na si mommy.

"Sasama ako sayo pero isasama ko rin si nanay Zilda, wala syang pamilya at ako lang ang kasama nya kami ni Kami"

"Anong itatawag ko sayo kung ganyan ang gusto mong mangyari?"

I sensed my dad's frustrations.

"Bahala na po kayo, basta 'wag nyo ako ipakilala sa lahat, i don't need fame and attention" i said coldy.

"Ok, in that case, may bahay doon sa tabi ng Hacienda. Sadyang pinagawa ko iyon para sa Mommy mo at doon ko sya laging pinupuntahan dahil walang may nakakaalam sa bahay na iyon. Sayo ko na ibibigay kung ayaw mo na makilala ka"

Yes, alam ko ang bahay na iyon. Ang paraiso na napasok ng batang hawak ko ngayon. She was totally shocked ng mapasok nya ang malaking gate. Isang secret gate na ako at si daddy lang ang nakakaalam. Pero nang mapadpad sya doon ay sadyang pinapasok ko sya para makita nya ang hiwaga sa loob ng wala syang kamalaymalay na palihim ko syang napapanood sa pamamagitan ng mga maliit na camera na naka installed sa buong paligid ng VIRIDESCENT, yon ang tawag nina mom and dad sa paraiso na iyon dahil puro halaman na si mommy pa mismo ang nagtanim kaya naging luntian ang kapaligiran hanggang sa pinangalanan nila itong VIRIDESCENT na ang ibig sabihin ay green or greenish.

Pumayag naman si nanay Zilda na sumama sa amin at sya ang nakatukang mag-aalaga kay Kami sa Hacienda El Farma.

Pagdating namin doon ay namangha ako sa lawak ng hacienda at sinasabi ko sa lahat na nanay ko si nanay Zilda kaya walang masyadong nagtanong tungkol sa pagkatao ko.

Pinag-aral ako ni Daddy, gusto nya sana na sa Manila ako mag-aral pero tumanggi ako dahil iniisip ko si Kami. Ayaw kong mapalayo sa kanya at gusto ko nasa tabi nya lang ako palagi.

Kaya wala ng nagawa pa si Dad, kundi ang payagan ako sa mga gusto ko.

Pagkauwi ko sa Hacienda galing sa school ay si Kami kaagad ang hinahanap ko. Kapag busy si nanay Zilda ay ako ang nagbabantay sa kanya at lagi ko syang dinadala sa kwadra.

Kaya hanggang sa lumaki sya ay nakita ko ang pagkahilig nya sa mga hayop, lalo na ang mga kambing na pinangalanan nya pang Cameia at Xan na mula sa aming pangalan.

"Anak, kailangan ni Kami na maoperahan as long as possible dahil kung hindi ay magsu-suffer sya ng matindi"

Isang araw ng madiagnos si Kami na may stage two brain cancer, halos hindi ko matanggap ang nalaman namin kaya sa ayaw at sa gusto ko. Kailangan ni Daddy dalhin sya sa Canada at doon ipina-opera.

Awang-awa ako noon sa kanya kapag nakikita ko syang nahihirapan sa mura nyang idad na puro karayom ang nakakabit sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit ganon nalang ang pagmamalasakit ko sa batang iyon, mula sa Hacienda El Farma ay inilipad si Kami papuntang Manila, at sa Manila muna ito pansamantala habang inaayos ang mga papel nya palabas ng bansa.

Iyak ako ng iyak noon na hawak ang kanyang mga maliliit na mga kamay habang hinahatid ko sya sa airport, hindi biro ang halaga na binitawan ni Daddy para lang sa isang private plane na magdadala sa kanila sa Canada. Pero sabi nga ni Daddy na pera lang yan ang mahalaga ay makadugtong ng buhay.

Hindi na ako sumama kahit gusto akong dalhin ni daddy, kase kung sasama ako at baka hindi na ako makakabalik sa pilipinas hangga't hindi ko sya kasama.

Handa akong mawalay sa kanya ng kahit mahabang taon pa at kung ang kapalit naman noon ay ang paggaling nya.

Hangga't nasa Canada si Daddy ay sya naman ang pagtraining sa akin ng taong pinagkakatiwalaan ni Daddy at nakakaalam ng pagkatao ko sa iba't-ibang negosyo nya.

Ayaw ko sanang gawin iyon dahil hindi ko hinahabol ang yaman ng ama ko.

"Kung hindi mo pag-aaralan ang pamamalakad ng mga negosyo natin ay hindi ko ipapagamot si Kami"

Banta sa akin ni Daddy nang minsan ay ipinakilala nya ako sa assistant nya na syang nakakaalam sa lahat ng negosyo nya, ang gusto nya ay habang wala sya at habang bata pa ako ay pag-aralan ko na ang pasikot-sikot sa El Farma Empire.

Of Course, hawak nya ang alas nya which is Kami para mapapayag ako na pag-aralan ang kanyang mga negosyo.

Ang isang taon ni Daddy sa Canada ay umabot ng 15 years, dahil laging sinusumpong si Kami at andun ang mga magagaling na doctor nya para i-supervise sila anytime.

Pwede naman na iwan ni Daddy si Kami sa Canada at kumuha ng mga nurse at doctor na magbabantay sa kanya pero hindi ako pumayag.

"Dad, i promise you na mas lalo kong gagalingan sa pagpapatakbo ang negosyo mo basta wag mo lang iwan si Kami sa Canada, kase mas panatag ako kapag ikaw ang kasama nya"

Pakiusap ko sa kanya one time nang mag-usap kami sa phone at nagpapaalam na sya na babalik na nang Pilipinas dahil sa mga nakaambang trabaho nya.

"Ilang beses ko bang sabihin sayo na nagosyo natin at hindi negosyo ko lang?"

Panunupla nya sa akin dahil lagi kong ina-address na negosyo nya instead na negosyo ng pamilya. Hindi nalang ako umimik at sisikaping sanayin ang sarili na angkinin ang hindi naman talaga akin o ako mismo ang naghirap.

"Anak, alam kong may prinsipyo ka at paninindigan, pero nakikiusap ako na tanggalin mo iyan pagdating sa akin kase wala naman ibang magmamana ng lahat ng iyan kundi ikaw lang"

Nahihimigan ko ang pagbuntong hininga ni Daddy sa kabilang linya.

"Ok dad, i'll try basta wag mo lang pabayaan si Kami" sabi ko para hindi na sya malungkot pa.

"Of course, i'am" sumigla na ang boses nya ng marinig nya iyon mula sa akin.

"I promise you too my son na makakabalik dyan si Kami na magaling na, kaya galingan mo rin dyan a? iuuwi ko ang little sister mo na magaling"

Napasinghap ako sa sinabi ni Daddy. 'little sister?' parang may dumagan na malaking bato sa aking dibdib ng marinig ko ang salitang yon, para bang ayuko na may kapatid ako. Pero ano ang gusto kong isipin ni Daddy?
Diba kapatid naman talaga?
maliban nalang kung may mas higit pa roon?

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu