chapter thirty seven

Start from the beginning
                                    

“ nope. Hayaan mo sya, tuluyan na syang ginayuma ng babaeng yan. Hindi naman sila ang magkakatuluyan sa huli.”alam na agad ha.

Nakita kong padating si Zoey kaya kinalabit ko si Kurt. “ Kurt si Zoey paparating.”bulong ko sa kanya kaya hinahanap agad ng mga mata nya si Zoey, nakayuko kasi sya e habang kinakausap ang sarili nya.

“ Oh Zoey, bakit ngayon ka lang?”tanong ni ate Farrah kay Zoey. “ kamusta na solve mo na ba yong problema mo? Nasabi kasi sa amin ni Kurt na may emergency daw sa inyo.”

“ ah oo ate, na solve ko na po. Natagalan akong mag abang ng taxi at kaya ngayon lang ako.

“ bakit namamaga yang mata mo?”tanong naman ni Kurt.

“ ah wala napuwing lang ako kanina habang naglalakad.”

“ are you sure?”tumango si Zoey.

“ btw guys, sa lunes na ang camping. Sasama ba kayo?”tanong ni ate Farrah.

“ of course ate.”mabilis kong sagot.

“ yes, sasama kami. Ikaw ba Farrah?”

“ syempre naman.”

Nakita naming binigay ni Kurt ang pagkain nya kay Zoey. “ kumain kana, alam kong hindi ka pa kumakain.”

“ salamat.”saad ni Zoey at kumain.

“ Kurt, sabihin mo nga sa amin gusto mo pa din ba si Zoey?”nabulunan si Zoey sa tanong ni ate Farrah. Binigyan ni Kurt ng tubig si Zoey na ininom naman agad ni Zoey.

“ s-sorry Zoey.”saad ni ate Farrah at nag peace sign pa. “ kain ka lang dyan Zoey. Change topic tayo, nasaan si Tristan?”tanong ni ate Farrah sa amin.

“ hindi namin alam don. Nagtataka na nga ako dun e, minsan hindi lumilitaw, wala din naman syang nasasabi sa amin.”sagot ni Samuel.

“ papasok din yon, huwag niyo na syang intindihin.”sabat ni Kurt.

“ ang intindihin natin si Sky.”saad ni Zoey.

“ kailangan ko talagang makita si Sky, kailangan nyang malaman na lumalandi sa ibang babae ang boyfriend nya. Pag nakita ko si Sky, sasabihin ko talaga sa kanya na bugbugin ang GAG0NG KAPATID KO.”ang laki talaga ng galit ni ate.

“ hindi mo naman kagaya si Sky, Farrah. Hindi sya yong tipong tao na nananakit ng tao, sya ay mabait.”ngumuso lang si ate.

“ tsk! Hindi ko hinihingi opinyon mo.”masungit na saad ni ate.

“ umaasa akong babalik din si Sky, nararamdaman ko na malapit na syang bumalik.”saad ni Zoey.

“ sigurado ka ba?”tanong ni Kurt. Tumango lang si Zoey.

Yesha POV...

Pagkatapos naming kumain ni Asher ay naglakad lakad na muna kami. Habang naglalakad kami lumalapit ako sa kanya at nilalapit ko din ang kamay ko sa kamay nya hanggang sa mahawakan ko na ang kamay nya. Sya naman ay napahinto. Tinignan ko sya. “ may problema ba?”tanong ko sa kanya, umiling naman sya at pinagpatuloy na namin ang paglalakad.
_____

Nakaupo kaming dalawa ni Asher dito sa bench habang magka holding hands.

“ luh! Magka-holding hands sila oh.”

“ hiwalay na ba sila ng girlfriend nya at may iba na syang kaholding handa na babae?”

“ wala na bang Asheky?”

Mga chismosa ampp!

Ang baduy naman ng Asheky. Mas maganda kong Assha, Yesha and Asher.

“ don't mind them.”nakangiting tumango ako kay Asher. Ma f-fall ka din sa akin Asher, alam kong tayo ang nakatadhana. Ackkk!

“ Asher.”

“ hm?”diretso syang nakatingin.

“ may hihilingin sana ako.”

He looked at me. “ what?”

“ baka kasi di mo gawin e.”pabebe kong saad.

“ sabihin mo na, gagawin ko.”

“ sige.”ngumiti ako.

Farrah POV...

“ tsk! Hindi na sumusunod sa akin ang kapatid ko.”iling iling na saad ko.

“ hayaan mo na sya, alam nya ang ginagawa nya.”saad ni Samuel. “ hindi sa lahat ng oras o araw susunod sayo ang kapatid mo lalo na kong alam nya na ang savior nya ay si Yesha.”dagdag pa nya.

KINABUKASAN.....

Asher POV...

FLASH BACK

“ Be my boyfriend Asher.”nagulat ako sa sinabi nya. Wtf!

Hindi pwede!

“ sabi na e, hindi ka papayag.”sambit nya at yumuko. Hell!

P-payag ba ako o hindi?

“ aalis na ako.”tumayo sya at umalis. Asher ano na?! Hahabulin ko ba sya?

Argh! Bahala na nga! Tumakbo ako, pinigilan ko sya. “ b-bakit?”nauutal nitong tanong.

“ p-payag na ako.”iwas tingin kong sagot.

“ oh really?!”tumango ako then she hugged me.
_____

“ akala ko talaga hindi ka papayag.”

“ h-hindi pwede hindi ako pumayag, sinabi ko naman sayo lahat gagawin ko para sumaya ka lang.”nagawa ko lang naman pumayag dahil sya nga ang savior ko, malaki ang utang na loob ko sa kanya kaya dapat lang na bayaran ko iyon.

“ I really like you Asher.”nginitian ko lang sya. Nagulat ako ng halikan nya ako sa pisnge. “ let's go!”hinila nya ako.

Bakit nya ginawa yon?!

END OF FLASH BACK

‘ tama ba ang desisyon ko? ’

Argh! Bahala na nga!

“ ngayon daw uuwi si Daddy, sabi nya dapat na nandito na daw si Sky, he really want to see your girlfriend.”damn it! “ mas inuuna mo kasi ang ibang babae kesa sa sarili mong girlfriend.”hindi na lang ako kumibo, ayaw kong magka sagutan nanaman kami ni ate.

Ini-on nya ang tv at naupo sa isa pang sofa, may hawak din syang snacks. “ ano tutunganga ka lang ba dyan? Hindi mo ba sya hahanapin?”tsk! Hindi ko naman kasi girlfriend yon e!

FAST FORWARD

“ where's Sky?”nagising ako sa boses ni Daddy. Mabilis akong tumayo.

“ D-dad.”

“ Dad, walang inintindi yang anak mo, natulog lang yan. I think wala na syang paki-alam sa girlfriend nya. Ikaw na ang kumausap dyan Dad tutal hindi naman nakikinig ang isang yan sa akin.”pshh! Umalis na si ate.

“ hindi ba't sinabi ko sayo na gusto ko syang makita?”

“ oo nga Dad, pero hindi ko alam kong nasaan sya.”

“ mayaman tayo, bakit hindi mo sya ipahanap. Sagutin mo nga ako mahal mo ba talaga ang girlfriend mong si Sky?”hell! Anong isasagot ko?

“ Dad.”

“ tell me Asher! Tinago mo sa akin na may girlfriend ka at nang malaman ko masaya ako dahil may girlfriend kana, pero nasaan sya Asher ha?! Alam mo ba ang dahilan kong bakit wala ang girlfriend mo?! Mahal mo ba talaga ang babaeng yon?!”because of Sky Daddy yelled at me. Magsasalita pa sana ako. “ I want your answer now Asher!”sasabihin ko na ba ang totoo? Pero malalaman lahat ni Daddy.

“ no Dad, h-hindi ko sya mahal.”hindi makapaniwala si Dad sa sinabi ko.

“ bakit mo sya niligawan kong hindi mo naman pala sya gusto?! Hindi kita tinuruang paglaruan ang mga babae anak!”napahawak sa sintido si Daddy.

“ because......be—”

“ sit down, gusto kong malaman lahat lahat, simula noong magkita kayo.”fvck! No! “ sa ayaw at sa gusto mo sabihin mo sa akin lahat lahat Asher!”

Deal With A Ssg PresidentWhere stories live. Discover now