Hindi gumalaw si Andrie kaya umikot si Adriel at kinuha nito ang anak ko. Hindi naman umangal ang isa at nag paubaya nalang. Pinaupo nito si Andrie sa dulo ng mesa which is katabi na namin ito ngayon, ngunit nakaharap ito sa kanya.
"How old are you na Andrie?" She asked to her son habang binabalatan ito ng hipon.
Seryoso ang mukha nito.
"Seven po mama." Magalang na sagot ng bata.
"You already seven, but you don't know how to eat by yourself." Binigay nito ang hipon kay Andrie.
"Pagod na si Mommy mo sa pag drive tapos nag papasubo kapa." She said with a firm voice, na para bang pinapagalitan nito ang anak.
Lahat kami napatahimik at nakatingin lang sa dalawa. Tumingin si Andrie sakin na parang iiyak. I looked away. Never itong nakatikim ng sermon saakin lalong lalo na kay mom at dad. Kaya ganito nalang ang hitsura nito ngayon. Sanay kasi ito na dinadaan ang lahat sa pag iyak, but this time pinipigilan nitong mapaluha sa harap ng ina.
"don't give Mommy a headache because you are already a big boy na, okay? here" inangat nito ang kutsara na may lamang pagkain.
Akala ko hindi kakainin ni Andrie, but Andrie opened his mouth at sinubo ang pagkain na nasa harapan.
"Masarap?" Tanong nito sa anak.
Tumango lang si Andrie.
"Ehem, kain na guys" agaw atensyon ni Asher kaya't napatingin kami dito na ngayon ay bumalik na sa pagkain.
Ava gave me an annoying look, I glared at her. parang tanga naman kasi. Subalit tinawanan lang ako ng bruha.
"Guys mauna na kami, tulog na si Earl." Paalam ni Eya.
Nagpaalam na ito saamin. Maya maya pa ay isa isa ng nag sialisan ang mga kasama namin, pati ako pumasok na rin sa kwarto. Gusto kong magpahinga.
Nagtataka naman akong nakatingin kay Adriel nang bigla nalang itong pumasok sa kwartong tinutuloyan ko, bitbit nito si Andrie.
Akala ko'y ihahatid lang nito ang anak ko, ngunit humega ito sa kama.
"What are you doing here?" Kunot noong tanong ko dito.
"Dito din ang kwarto ko." Parang wala lang na sabi nito.
The fuck! talagang sinet up pa kami ng mga walang hiya.
Pumasok ako sa cr na may inis sa mukha, mamaya lang yong mga yon.
Tapos na akong naligo, kukunin ko sana ang towel ko ngunit naalala kong hindi ko pala ito dala, aaaarrggg mas lalong nakaka inis. tsk!
Binuksan ko ang pinto ng maliit, mukha ko lang ang kasya dito.
"Baby?"
"Yes?"
"Yes po?"Napaawang naman ang bibig ko dahil sabay pa'ng sumagot ang dalawa, nagka titigan pa ang mga ito na parehas may hawak na cellphone.
Napakamot nalang ng ulo si Adriel at tumalikod sa bata.
Andrie run towards me.
"What is it mommy?" Nakatingala ito ngayon saakin.
"Can you give Mommy a towel?"
Tumango naman ito at kinuha ang tuwalya na nasa sofa. Saka tumakbo ulit papalapit sakin, ngunit sa hindi inaasahan ay bigla nitong naapakan ang dulo ng tuwalya kaya't muntik itong napasobsob sa sahig.
"Ay pota!"
"Andrie!"Mabuti nalang mabilis si Adriel kumilos, nahawakan agad nito si Andrie sa braso. Dahil naman sa pag aalala ko ay wala sa sariling napalabas ako ng banyo na wala sa oras.
CHAPTER 20
Magsimula sa umpisa