Sinamahan kami ng isa sa kasambahay nila Anna papunta sa tutuluyang kwarto namin. Nagtataka ang mga kaklase namin dahil bakit daw sa iisang kwarto kami matutulog eh madami namang kwarto ang mansyon. Ang sagot lamang ni Anna ay "Mas maigi na marami".

Nang mailagay na namin ang mga gamit namin ay sinimulan na kaming nilibot ni Anna sa mansyon nila. Madami ang kwarto nila, nasa mga walo ata. Ganoon kalaki ang mansyon. Habang binabaybay namin ang daan pabalik sa sala ay tumunog na naman ang phone ko. May nagtext na naman. Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito dahil alam kong tatakutin na naman ako nung unknown. Pagdating sa sala ay tumambad samin ang mga pagkain na nasa lamesa. Sari-saring mga pagkain iyon. Bigla tuloy akong natakam sa mga masasarap na pagkaing nasa aking harapan. Umupo na kami sa couch at nagsimulang kumain. Napasulyap ako kay Daisy at nakitang tila wala sya sa sarili. Balisa sya at nakatingin lang sa kawalan. Sa sobrang busy nila sa pagkain, hindi ata nila namalayan si Daisy na nakatunganga lang. Nilapitan ko sya at marahang tinapik sya sa balikat.

"Okay ka lang Daisy? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ko. Nagkaroon man kami ng pagtatalo pero hindi parin mawawala ang pag-aalala ko dahil kaibigan ko parin sya.

"Okay lang ako." Sagot niya pero alam kong nagsisinungaling sya, hindi sya okay. Marahil ay iniisip niya parin ang nangyari sakanya kagabi. Halata sa mukha niya ang pagod at tila namumutla siya. Hinawakan ko ang noo niya at ang noo ko para icheck ang temperature nya. Hindi naman sya nilalagnat, pero bakit tila may sakit sya? Bakit parang ang tamlay-tamlay niya? Siguro dahil yun sa nangyari sakanya kagabi. Ako rin naman ay magkakaganyan kapag sa akin nangyari ang nangyari sakanya. Baka nga mas malala pa.

Pagdating ng gabi, matapos naming kumain ay tumambay kami sa may sala. Lahat kami ay may kanya-kanyang ginagawa, pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay si Jessie na nakatingin lang sa kawalan. Ganyan na sya nung kumain kami ng hapunan. Balisa sya at tila wala sa sarili. Tahimik lang syang kumain kaya nanibago ako. Maingay kasi ito kaya nagtaka ako kung bakit ang tahimik niya kanina. Hanggang ngayon ay tahimik parin sya at tila wala sa sarili. Para syang si Daisy na hanggang ngayon ay nakatingin parin sa kawalan. Ano kaya ang nangyari kay Jessie? Hindi nako nakatiis pa at nilapitan ko na si Jessie para kausapin.

"Jess, may problema ba?" Tanong ko sakanya at doon sya tuluyang bumalik sa wisyo.

"H-ha?" Nauutal nyang saad. Nauutal? Bakit sya nauutal?

"Ang sabi ko may problema ka ba? Kanina ka pa kasi balisa simula nung kumain tayo ng hapunan. Hindi ka umiimik at nakatingin ka ngayon sa kawalan. Kung hindi pa kita kinausap ay baka buong araw kang tulala. May nangyari ba sayo?"

"A-ah wala, wala. Ayos lang ako Yesh." Saad niya pero halata sa mukha niya na nagsisinungaling ito. Ano bang nangyayari sakanila? Bakit nagiging tulala? Una si Daisy, ngayon naman si Jessie. Kay Daisy ay maiintindihan ko pa, pero ang kay Jessie ay hindi ko maintindihan kung bakit sya nababalisa.

"Cr muna ako" biglang saad ni Jess at umalis nalang bigla. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa nawala sya sa paningin ko.

Kinukutuban na ako sa posibleng dahilan. Hindi kaya nagparamdam din sakanya si Ara? Nakita niya kaya ito kaya sya naging balisa? Pero bakit siya nagpakita kay Jess? Argh! Sumasakit na ang ulo ko kakaisip!

Sinenyasan naman ako ni Nica na lumapit daw sa pwesto nila. Magkausap kami nina Nica, Anna, Demerey, Zy, Arvie, at Daisy. Si Daisy ay nakaupo lang at tila walang balak na makinig sa pag-uusapan namin. Ang mga kaklase naman namin ay may kanya-kanyang ginagawa.

"Hindi ko sila sinama rito. Sila ang gustong sumama." Pag-uumpisa ni Anna.

"Nalaman nila kay Mommy na magbabakasyon tayo dito sa Batangas. Nagpumilit silang sumama, sabi ko sakanila hindi pwede. Nagpumilit parin sila, hinayaan ko na." Dagdag niya.

DILIM Where stories live. Discover now