CHAPTER 35

109 2 0
                                    

AMNESIA

"Saan mo na naman ba dalhin itong Anak ko?" tanong ko kay Karen nang makita ko na binibihisan nya na naman si Ella.

"Doon sa plaza, diba pyesta ngayon kaya dalhin ko si Ella at bilhan ko sya ng mga laruan nya at mga tali nya sa buhok" tugon nya habang nilalagyan ng kung anu-ano ang buhok ng Anak ko, mabuti nalang at napakabait ng batang ito at hindi iyakin kaya madali lang bihisan.

"Hindi ka ba sasama sa amin?" tanong nya sa akin.

"Hindi na at maglalaba pa ako ng mga damit namin at marami nang nakatambak" sagot ko sa kanya.

"Wag mo na nga labhan gamit ang mga kamay mo ang mga damit nyo at baka mabinat ka. Itong anak mo ang asikasuhin mo at hindi yang mga labahan" mahabang litanya sa akin ni Karen sabay karga nya kay Ella palabas ng bahay.

"Hoy, Cameia. Sinasabi ko sayo" lingon nya ulit sa akin binalaan na wag ko pakialamanan ang mga labahan namin.

"Ok na po, hindi na" natatawang sabi ko at bahagyang itinulak sya palabas ng bahay at ng makaalis na sila.

Sobrang swerte ko kay Karen dahil naging kaibigan ko sya at hindi nya ako pinabayaan kami ng Anak ko. Kahit na wala akong maalala at hindi ko alam kung sino at saan ako galing, ang tanging naalala ko lang ay ang pangalan ko na Cameia at bukod doon ay wala na akong matandaan pa.

Nakita daw ako sa dalampasigan na sugatan ng tatay ni Karen na mangingisda na walang malay, kaagad nila ako dinala sa bahay nila. Since na malayo sa kabihasnan ang panguiranan pangalan ng baranggay nila ay hindi nila ako nadala sa Hospital at kakulangan din nila sa financial. Ginamot nalang nila ako sa paraang alam nila at sa kabutihang palad ay gumaling naman ako.

Ngunit sa paggising ko ay ito ako ngayon, walang maalala. Pangalan ko lang na syang ginagamit ko hanggang sa kasalukuyan.

Sa paglipas ng ilang buwan ay may napansin sa akin ang pamilya ni Karen, lumalaki daw ang tyan ko at para hindi sila mag-alala ay dinala nila ako sa center at napag-alaman nila na buntis ako.

Wala akong matandaan pero may bahagi sa puso ko na masaya ako sa ipinagbubuntis ko, aalagaan ko ang anak ko ng maayos at mamahalin ng sobra-sobra. Kahit sino pa ang Ama ng Anak ko.

Gusto ko na sana umalis noon sa poder nila Karen pero hindi nila ako pinayagan, ayaw ko kase sila na bigyan ng malaking problema dahil sa kalagayan ko ngunit mahigpit nila akong pinanatili sa bahay nila.

Kinabukasan ay inayos ni Tito Mario ang isa nilang maliit na bahay, ang bahay na naging tirahan namin ngayon ng Anak ko. Iniisip nila na baka daw ako naiilang dahil nakipisan ako sa kanila. Kaya para hindi na ako umalis ay inayos nila ang maliit na bahay na katabi nila.

Doon na ako tumira at madalas ako samahan ni Karen doon, sinasamahan nya ako sa bahay na iyon hanggang sa makapanganak na ako. Malaking bagay din na nakabukod ako sa kanila dahil ng ipinagbubuntis ko si Ella ay sobrang silan ko at ayaw ko makaperwisyo kase malaki na ang isinakripisyo ng pamilya nila sa akin.

Sa araw-araw na lumilipas ay pilit kong inaalala ang nangyari sa akin, bakit nasa dalampasigan ako at sugatan. Ngunit sakit lang ng ulo ang naibibigay sa akin kapag sinusubukan kong alalahanin ang kung sino ako.

Pangingisda ang ikinabubuhay ng mga tao rito sa baranggay Panguiranan, tumutulong ako sa mga gawain ng pamilya ni Karen ngunit lagi nila ako pinagsasabihan na 'wag na daw at kaya naman na daw nila. Syempre nang ipinagbubuntis ko si Ella ay gusto ko may pinagkakakitaan kahit paano.

Binigyan ako ng puhunan ng pamilya ni Karen at yon daw ang gamitin ko sa kung ano man ang gusto ko na negosyo. Noong una ay nahiya ako na tanggapin pero no choice ako dahil ayaw ko naman na maging pabigat.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now