CHAPTER 36

101 1 0
                                    

HE FOUND HER

Mula Manila ay lumipad kami ng team ko papauntang probinsya ng Masbate. Hindi natuloy ang project ko dito dapat 2 years ago pa dahil hindi naaprubahan ng DENR. Pero ngayon ay may isang project ang tuloy na tuloy na.

Mula sa airport ng Masbate ay sumakay kami ng van na sumundo sa amin papuntang Panguiranan at doon ang location ng project namin. Isang resort ang ipapatayo dahil sa pag-usbong ng turismo sa probinsya ay nangangailangan na ito ng mga accessible places like hotels para may matutuluyan ang mga turista.

First time ko na makapunta sa lugar na ito at masasabi ko na maganda talaga ito by nature, para syang New Zealand dahil greeny ang kapaligiran at marami ring mga baka na makikita sa daanan. Tunay nga na developing province ang Masbate pero nalulungkot din ako at the same time sa  pag-usbong ng turismo kaya unti-unti ay pinapatayuan na ito ng mga modernong establishments.

Pagkapasok namin sa Barangay Panguiranan ay bumungad kaagad sa amin ang mga banderitas na naka kabit sa mga kalsada. Fiesta pala ngayon dito.

"Parang ang ganda dito sir a" sabi ni James ang secretary ko, kahit saan ako magpunta ay kasama ko talaga ito. Hindi ako umimik, pinagsawa ko ang mga mata ko sa mga makukulay na naka sabit sa dinadaanan namin.

"Kung gusto nyo sir magsayawan ay may sayawan dito bukas ng gabi, maraming pumupunta dito para makisaya" sabi ng driver namin na local din dito.

"Naku, gusto namin yan at matagal na rin na hindi ko na experience ang ganito" si Mark na mukhang excited. As if naman pagsasayaw talaga ang habol nito, sa tagal na kasama ko sya sa team namin, alam ko ang galaw ng bituka ng taong ito.

"Malayo pa ba tayo Kuya?" tanong ni Mark.

"Malapit nalang po sir" sagot ng driver.

"Medyo nauuhaw na po kase ako, baba kaya muna tayo" si Mark

"Sige po, doon kila Pareng Mario may tindahan doon pwede kayo tumambay para magpalamig muna"

We went down to a mini grocery store with shades of brown and white, clean and fresh looking.

"Tao po!"

Tawag ni Mark at ilang minuto pa nang may biglang lumabas at binuksan ang glass window ng tindahan at gayon nalang ang pagkagulat ko sa aking nakita.

No, is this true?
Is it her or does she just look like her?
I can't take my eyes off of her. But if it's her, she must know me, but from the woman's movements  it's like she's seeing us for the first time, especially me who didn't take my eyes off her.

"Engineer, anong drinks mo!?"

Saka lang ako nahimasmasan mula sa pagkaka-shocked ng tanungin ako ni Mark. Ngunit umiba ang pangangatawan nya kung sakali na sya nga si Kami. Pumayat lalo although, payat naman talaga si Kami pero ang babaeng ito ay mas lalong payat at pale ang mukha.

Tiningnan ko ang kamay nya kung may sing-sing, parang nabunutan ako ng tinik nang wala akong makita na suot nya. Ang buhok nya at nakabun na missy bun na lalong bumagay sa mukha nya kahit na wala sya ng kahit na anong make up na nakalagay sa  mukha pero hindi nabawasan ang kagandahan nya. Napansin ko na may basa sa parte ng dibdib nya pero hindi naman nagfocus ang paningin ko doon kundi sa mga galaw nya.

Tumalikod kaagad sya at hinarap ang ref para kumuha ng drinks, pinagmamasdan ko ang likod nya,  pagdating sa pananamit nya ay napakalayo nya kay Kami. Although si Kami ay simple lang din pero iba ang ataki, ito naman sya ay simple and very plain.

"Hoy, Cameia" at napalingon kaming lahat sa babaeng may bitbit na batang babae na parang laruan sa sobrang pagka cute. At mas lalo akong nagulat nang tinawag nya ang babae na "Cameia"

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now