CHAPTER 37

101 1 0
                                    

INVITATION

Sabay kaming napatingin ni Karen sa Doctor na lumabas sa ER.

"Who is the patient's family?"

"Me, i'm here husband" mabilis na sabi ko sa Doctor, nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Karen nang sabihin ko na ako ang asawa nya.

Tinanong ako ng doctor tungkol sa kay Kami at pati medical history nya.

One year old palang noon si Kami ay inoperahan na sya dahil meron syang stage two cancer at noong 16 years old naman sya ay nagkaroon sya ulit ng minor accident na nagresulta ng pansamantala ng pagkawala ng memory nya. Kaya sigurado ako na naapektuhan ang ulo ni Kami kaya wala syang maalala ngayon ang hindi ko lang alam ay kung ano ang nangyari sa kanya kase noon pa man ay mahigpit na kami binalaan ng doctor na iwasan ang ulo nya tumama sa mga hard objects dahilag posible  na mag caused ito ng Amnesia.

Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin ng doctor na hindi malubha ang lagay nya, nangyayari daw talaga ang pananakit kapag may isang tao o bagay na makapagtrigger ng alaala nya at mamaya ay makakalabas na sya ng hospital. So ibig sabihin ay sya ang dahilan ng pananakit ng ulo ni Kami.

"Gusto ko na talaga maniwala na kilala mo talaga si Cameia" sabi ni Karen na hanggang ngayon ay nagugulat pa rin sa mga narinig nya sa akin.

"Paniwalaan mo nalang ako para wala ka ng isipin" sabi ko sa kanya at umupo sa isang bakanteng upuan.

"Pero kasal nga ba talaga kayo?" tanong nya na nakataas ang isang kilay. Hindi ako sumagot, inihilig ko ang ulo ko sa headrest ng upuan at pumikit ng mariin.

"Kung kilala mo si Cameia, bakit umalis sya sa inyo?" may himig ng galit ang boses ni Karen.

Umayos ako ng upo at sinulyapan sya na mariin na nakatitig sa akin. "Hindi ko rin alam" tumawa sya ng mapakla. "Mahabang istorya, next time ko nalang sabihin" pakiusap ko sa kanya at tumahimik din naman sya.

Tumayo ako nang maalala ko ang baby ni Kami at pumunta sa labas ng Hospital. Nakita ko si James at Mark na nakaupo sa waiting shed. Karga pa rin ni Mark ang bata.

"Sir, hindi pa ba tayo aalis?" tanong ng secretary ko, napatingin ako kay Mark na nakatingin din sa akin.

"Later" maikling sagot ko at kinuha ko ang baby kay Mark.

"Hay sa wakas, may pumalit din sa akin. Nakakangalay pala magkarga ng bata" reklamo ni Mark.

"Bata lang yan nagrereklamo ka, pero pag chix ang kinakarga mo ay tuwang-tuwa ka?" pang aasar ni James kay Mark at umakmang sasakalin ni Mark si James.

"Pero maganda rin sya no?" sabi ni Mark na ang tinutukoy ay ang papalapit sa amin na si Karen.

"May itsura din, pero wag mong sabihin na next prey mo sya?"

"Anong pinagsasabi mong next prey ha James?" pagalit na tanong ni Mark.

Lumapit sa amin si Karen at kinuha sa akin ang baby, parang ayaw ko ngang ibigay sa kanya. Parang gusto ko sa akin lang ang bata.

"Hoy Engineer, ibigay mo na yan hindi sayo ang batang yan. Kung makakarga ka parang pagmamay-ari mo a?" biro ni Mark.

Medyo nasaktan ako sa sinabi ni Mark na hindi sa akin ang bata pero ano ang magagawa ko na feeling ko galing sa akin ang bata pero nagsusumigaw ang katotohanan na hindi sa akin 'to.

Binalingan ko si Karen at ibinigay sa kanya ang bata. "Please lang, makikiusap ako sayo na wag mo munang banggitin kay Kami ang tungkol sa mga nalaman mo sa akin" pakiusap ko sa kanya.

Kinuha ko ang wallet ko at ibinigay ang calling card at card na binigay ko rin noon kay Kami. Iniwan nya noong umalis sya. "Itong card na ito ay may laman at gamitin mo sa lahat ng kailangan nya, medical expenses, kailangan ng baby and all. Lahat ng  Kailangan nilang mag-ina basta wag mo lang sabihin sa kanya, ok?" mas lalo pang nagulat si Karen sa ginawa ko. "Please Karen, nakikiusap ako sayo call me immediately at pakireport sa akin kung ano ang mga nangyayari sa kanya"

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now