CHAPTER 38

108 1 0
                                    

DINNER WITH HER

Pagkatapos kong magbihis ay binihisan ko na rin si Ella para hindi lang ako ang maganda diba? Pati rin ang anak syempre.

Ipinasuot ko sa kanya ang binili ko na dress na kulay pink, ang cute kase at may terno na cycling short at tinanggal ko sa box ang ang maliit nya na pink sandals din para magterno sa damit nya.

Nilagyan ko sya ng baby powder at baby cologne, mas mabango pa yata sa akin ang anak ko kesa sa akin. Tumayo ako habang karga si Ella, kinuha ko ang hikaw ko na maliit heart shaped yon. Sabi ni Karen ay mabuti daw hindi natanggal sa tenga ko nang makita ako ni Tatay Mario. Hindi ko na isinusuot ang hikaw na iyon pero ngayon ay ipamana ko na sya kay Ella sya na ang pasusuotin ko since sobrang liit lang naman ng hikaw at after ng seremonyas naming dalawa ay lumabas na kami.

Nakarating na kami sa bahay ni Kammee, nakita kaagad kami ni Karen at sinalubong kami sa gate nila.

"Good evening Karen" bati ko sa kanya.

"Good evening din engineer" sagot nya at mas binuksan ng malaki ang gate para makapasok kaming tatlo.

"Magandang gabi mahal kong binibini" si mark sabay kuha ng kamay ni Karen at hahalikan nya pa sana nang biglang hinawi ni James ang kamay ni Karen.

"Tsk, panira ka talaga James, hindi mo ba alam na tanda ng paggalang sa isang binibini ang paghalik sa kanyang kamay?" maktol ni Mark na nagboses makalumang Filipino.

"Kung hindi kita kilala kuya Mark, maaaring napakagalang mo nga pero kase hindi e. Kilala ko ligaw ng bituka mo" sabay tawa ng malakas.

"Tama na yan magsipasok na kayo" natatawa nalang si Karen sa dalawa.

Mula sa labas ay kita ko si Kami na nakaupo hawak si Ella at nilalaro nya ito, humahagikgik ang bata kapag hinahalikan nya ito sa leeg at nakikiliti sa ginagawa nya. Hay, ang sarap nilang pagmasdan na dalawa. Siguro mas masaya kung kasama na ako dyan na para na kaming buong pamilya.

"Sige pasok na kayo at tawagin ko muna sina tatay" anyaya sa amin ni Karen.

Nakita naman kaagad kami ni Kami at mabilis sya na tumayo. Ang ganda nya talaga simple lang ang suot nya, good thing ay hindi nya pinaiksian ang buhok nya na itim na itim at tuwid na tuwid. Nag clip lang sya ng buhok na lagi nyang ginagawa noon pa man, nagmumukha tuloy syang bata.

"Hello" tipid nyang bati sa amin na parang nahihiya.

"Good evening miss Cameia" bati ng dalawa sa kanya at itinuro nya ang upuan sa amin.

Cute lang ang bahay nya, tama lang sa kanila ng anak nya pero mukha naman itong kumportable. Bungalow style na may dalawang kwarto na paglabas mo ay sala na kaagad at ang mini store nya ay connected sa bahay nya. Tapos sa dulo ng sala ay kusina at banyo na.

Tumayo kaagad kami ng dumating na ang parents ni Karen para magbigay galang sa kanila, pero syempre ang bida-bida ay si Mark. Nagpapalakas yata.

"Karen, anak halika muna dito" tawag ng tatay ni Karen sa kanya na nasa kusina bitbit si Ella. "Pakainin nyo na ang mga bisita natin" sabi nya kay Karen.

Habang abala sila sa kusina ay nag-uusap kami ng tungkol sa ibang bagay at hindi namin na pag-usapan ang tungkol kay Cameia. Parang nirerespect talaga nila ang situation namin ni Kami at hinahayaan lang muna ang mga bagay-bagay.

Inilagay ni Karen ang tatlong maliliit na mesa sa harap namin kaya nagmukha syang mahaba at doon inilagay ang mga pagkain.

"Pasensya na kayo sa bahay namin kase ang liit ng mga bagay-bagay" paumanhin ng nanay ni Karen.

"Naku po, wala po iyon. Sanay po kami" sagot ni James na ikinatuwa ng dalawang matanda at nakangiting pinapanood kami habang kumakain.

Nakita kong pumasok si Kami sa loob ng isang kwarto bitbit si Ella, mula sa kinauupuan ko ay kita ko sya. Nakaligtaan nya na isara ang pinto pagpasok nya. Inihiga nya si Ella sa kama at humiga rin sya ng pa slant, bale ang posisyon nila ay nakahiga sa gitna ng kama at ang mga paa ay nakalawit.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now