CHAPTER 40

114 3 0
                                    

BASKETBALL

Last day ng Fiesta sa Panguiranan nang maisipan namin ni Karen na pumunta sa plaza at mamili ng kung anu-ano. Bibilhan ko ng mga summer dress si Ella since na summer ngayon at sobrang alinsangan ng panahon.

Nagbibihis ako kay Ella nang marinig ko na parang may kaaway si Karen sa labas at nang sinilip ko ay si Mark pala, kunyari galit-galitan lang yan si Karen pero   parang may gusto na kay Mark.

"Good afternoon" napalingon ako, si engineer pala.

"May lakad kayo?" tanong nya habang nakatingin kay Ella na nilalagyan ko ng hair clip.

"Ah Oo, pupunta kami ni Karen sa Plaza dahil last day na ngayon ng fiesta, titingin-tingin lang kami doon or else ay bibilhan ko ng mga kung anu-ano si Ella" sagot ko sa kanya.

Tumango sya at lumapit sa amin ng anak ko. "Sasama ako" nagulat naman ako sa sinabi nya.

"I-ikaw, bahala ka malaki ka naman na" nauutal na sabi ko sa kanya.

"Bakit parang ayaw mo na sumama ako?" malungkot na tanong nya, nakaramdam tuloy ako ng guilt.

"Hindi naman sa ganon na ayaw ko, pero syempre baka kase pagtitinginan ko doon at maraming tao" ngumiti sya sa akin.

"Ok lang kahit na pagtitinginan nila ako, promise hindi ako titingin pabalik sa kanila" sabi nya na mataman na nakatitig sa akin. Iniiwas ko nalang ang paningin ko sa kanya kase para akong kinilig sa huling sinabi nya.

"Pwede pahawak muna kay Ella at magbibihis lang ako?" pakiusap ko sa kanya para ma-divert ang emotion ko.

"Sure, akin na ang anak ko" sabi nya sabay kuha nya kay Ella sa akin at hinalikan nya pa sa pisngi at lumabas na silang dalawa.

Habang nasa site kami ay nakita ko si Karen na dumaan kaya inabangan ko ang pagbalik nya.

"Oh Engineer" bati nya pagkakita nya sa akin.

"Kumusta ang anak ko?" tanong ko sa kanya.

"Ang anak mo o ang nanay ng anak mo?" nakangising sabi nya.

Natawa lang ako sa sinabi nya.

"Aayain ko si Cameia mamaya papuntang plaza baka gusto mo lang sumama, mamayang hapon para hindi mainit sa anak mo kase isasama din namin"

Parang nagustuhan ko ang idea ni Karen, si Karen kase ay mabilis pumick-up ng sitwasyon. Wala pa akong sinasabi ay gets nya na kaagad kung ano ang pino-point out ko.

"Aba, bakit andito ang baby ko? si Mark.

"Pwede ba wag mo akong tawagin na baby mo kase naaalibadbaran ako sayo!" singhal ni Karen kay Mark.

"Bakit, binanggit ko ba ang pangalan mo na baby Karen?
Hindi naman a, ang sinabi ko ay baby as in B-A-B-Y" inisa-isa pa nga ni Mark ang word na baby. "At kung payag ka na baby na ang name mo edi i'm your Daddy na"  At nagsihagalpakan ng tawa ang mga nagtatrabaho sa sites.

"Aray ko!" daing ni Mark nang batukan sya ni Karen.

"Deserved!" sigaw ni James sa kabila sabay tawanan ulit ng mga andon.

Nagsuot lang ako ng simpleng damit, nag black short lang ako at white t-shirt kase dyan lang naman kami sa plaza at pagkatapos ko magbihis ay pumunta muna ako ng kusina para isalin ang milk ko sa bottle ni Ella para kung gutumin sya ay hindi ko na kailangan maghanap ng tagong lugar para makadede sya. At after ay lumabas na ako para makaalis na kami.

Naglakad lang kaming lima since na malapit lang naman at maganda maglakad-lakad dahil hapon na, maganda ang tanawin sa daanan namin.

Si Engineer ang nagkarga kay Ella, kinuha ko nga sa kanya para ako na ang magkarga pero ayaw nyang ibigay. Tawang-tawa din naman ang anak ko dahil nilalaro sya ni James ng pick a boo habang naglalakad kami. Samantala ang dalawa si Mark at Karen ay naghahabulan sa unahan. Paano ba naman asar talo si Karen kay Mark.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now