CHAPTER 41

96 1 0
                                    

PICTURES

"Are you ok?" nag-aalalang tanong sa akin ni engineer.

"Yes, i'm ok. Biglang may gumuhit sa ala-ala ko na eksakto sa si-sinabi mo" nanginginig ang boses ko.

"Ok, just inhale and exhale, wait for me here i'll buy some water for you" umalis na sya habang karga pa rin nya si Ella.

At ilang saglit lang ay bumalik na sya na may bitbit na mineral water, agad ko na binuksan at ininom. Pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ako at halos mangalahati ko ang bote ng tubig.

Pagdating namin sa bahay ay nakatulog si Ella sa shoulder ni engineer kaya dahan-dahan nya na inilapag sa kama at binuksan ng very low ang aircon at kinumutan.

"Thank you" sabi ko sa kanya paglabas nya ng kwarto.
Hindi sya sumagot at tahimik sya na pumasok ng kusina, hinayaan ko na sya at parang nanghina ako kaya pumasok ako sa kwarto at tumabi sa anak ko at nakatulog.

Hindi muna ako umuwi ng site at nauna na ang dalawa, alam kong masama ang pakiramdam ni Kami kaya hindi ko sya pwedeng iwan mag-isa dito, kahit na andyan lang ang bahay ni Karen sa tabi ay masyado na silang napeperwisyo at ngayon na andito na ako ay ako naman ang mag-aalaga sa kanilang dalawa ng anak nya.

Pumunta ako ng kusina at nagsaing for dinner at alas sais na rin ng gabi, binuksan ko ang ref kung ano ang pwede maluto doon pero kunti lang ang nakita ko. Kaya i decided na mamalengke muna at nilagay ko sa timer ang sinaing ko. Nagsakay na rin ako ng trysicle para mabilis at after ilang minutes ay nakauwi na rin ako tamang-tama at luto na ang kanin.

Sinilip ko muna ang mag-ina sa kwarto at mahimbing na natutulog, bumalik ako sa kusina at ipinagpatuloy ang pagluluto. Nagluto ako ng nilaga at fried chicken. Mainam ang may sabaw kase breastfeeding sya kay Ella at dinamihan ko na at baka maging busy ako bukas at baka hindi ako makapunta dito ay hindi na nya kailangan pa magluto.

Nakita ko ang mga pinamili namin kanina, kinuha ko ang mga iyon at nilagay sa washing machine. Nilabhan ko na habang pinapalambot ang niluluto ko, wala lang, namiss ko lang gawin ang dati kong ginagawa kay Kami. Ipinagluluto ko sya, ipinaghahain, ipinagtitimpla ng chocomilk nya at ipinaglalaba. Gusto ko na maging mabuting asawa at  ama sa mga magiging anak namin.

5years na pala ang nakaraan mula nang huli kong gawin ang mga ito para sa kanya, pero saan ba sya nagpunta after sa Canada at bakit dito sya napadpad sa Panguiranan Masbate?
Hindi ko ma-connect ang mga pangyayari. Sana bumalik na ang ala-ala nya. Pati si Daddy ay nakalimutan nya, never nya nabanggit sa akin 'yon. I'm sure matutuwa talaga si Daddy pagmalaman nya na nakita ko na si Kami.

Napapitlag ako nang tumunog ang dryer, hindi ko alam kung saan ang sampayan kaya hindi ko na muna tinanggal sa washing at bukas ko nalang isampay. Malapit na rin maluto ang niluluto ko.

Napangiti ako nang makita ko na nakadikit sa ref ang sinulat ko noong isang araw, alam nya na kaya noon na ako ang sinusulatan nya sa Hacienda El Farma? Hindi ko naman tinapon ang mga cute letters nya, safe ang mga 'yon sa Viridescent at pagmakaalala na sya ay iuuwi ko na sya sa mansion kung saan ang totoong tirahan nya pero syempre tatanungin ko sya at baka nagustuhan na nya dito. Kung sakaling makaalala na sya at gusto na nya dito tumira ay sino ba naman ako para hindi sya suportahan diba? Ang kaligayahan nya ay kaligayahan ko at yan ang hiling ko.

Tinimplahan ko na ang nilaga at isinunod kong isinalang ay ang mga chicken leg na ipi-prito ko at gumawa rin ako ng salad para balance ang kinakain nya gayong may anak na sya.

Nagising ako na masakit ang dede ko, naalala ko na hindi pala nakadede sa akin si Ella kaya namamaga ng gatas at basang-basa na ang damit ko. Kailangan ko sya i-pump. Bumangon ako na masama ang pakiramdam at medyo nahihilo pa ako. Resulta yata 'to sa pananakit ng ulo ko kanina nang saglit na may naalala ako.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now