CHAPTER 44

104 1 0
                                    

REVELATIONS

I'm so happy that Kammee remembers everything, and I'm even happier that Ella is my biological daughter. Sheeesh! That's why.... That's why I said before that it was as if someone was watching me from the bar while I was sitting. Hindi ako galit kay Cameia or nanlalamig katulad ng iniisip nya. Medyo nagtampo lang ako kung bakit hindi sya nagpakita sa akin at ikinama ako ng hindi ko alam kahit na may bahagi ng puso ko nang mga oras na iyon na maaaring sya nga. Nag ano lang naman ako, pabebe kumbaga.

Hindi ko muna sya pinuntahan at baka mainit pa ang ulo sa akin, mabuti nalang at andyan si Karen at kahit paano ay dinadala nya si Ella sa site kaya nakikita ko pa rin ang anak ko. At kahit paano rin ay hindi ipinagdadamot ni Kami sa akin si Ella. I'm planning to propose to Cameia so she won't be angry with me anymore.  And to get out of her mind that I still don't love her. Hay, naku Cameia. Kung alam mo lang na baby ka palang ay mahal na mahal na kita. Naghintay ako ng 21 years sayo at ngayon na may anak na tayo ay sa tingin mo papakawalan pa kita?

I will take them home to El Farma first and I will propose to her at Viridescent. I know she likes that place. Susuyuin ko na sya mamayang gabi, i know umiyak na naman yon ng kunyari hindi ko sya pinansin nang magdala sya ng food kanina. Hindi ko rin naman sya matitiis. Sinuot ko ang damit na binili nya noon sa plaza pero ako din ang naglaba. Mabuti nga at kahit paano ay marunong na sya maglaba, pero of course pag kasal na kami ay ako pa rin ang maglalaba para sa amin.

Pagdating ko sa bahay nila ay karga-karga si Ella ng mga bata sa labas, nilapitan ko ang anak ko at hinalikan pero hindi ko rin kinuha sa mga teenagers na nagbabantay sa kanya at ayaw din ibigay at sila na ang magbabantay kaya hinayaan ko na at pumasok nalang sa loob ng bahay. Nakita ko si Kami na naglalaba ng mga damit ni Ella. Nakasimangot sya kaagad pagkakita sa akin. Pero hindi ko pinansin ang pagsisimangot nya kaya nilapitan ko sya at kinuha ang nasa kamay nya.

Ano kaya ang ginagawa ng unggoy na yan dito?

Nagulat pa ako nang hinablot nya ang nasa kamay ko. "Kapag maglalaba ka, tawagin mo ako at ako ang maglalaba" he said coldly.

"At ano ang ginagawa mo dito?" nakataas ang isa kong kilay na tanong sa kanya.

"Andito ang pamilya ko kaya dito ako uuwi, saan mo gusto na umuwi ako sa ibang bahay?" Aba, namimilosopo na'to a.

"Hoy, Recuerda. Hindi mo kami pamilya at baka hinihintay ka na ni Joana sa Manila. Uwian mo na sya kahit saglit" pang trigger ko sa kanya.

"Kapag uuwi ako ay isasama ko kayo ng anak ko, kahit saan ako magpunta isasama ko kayo" sabi nya sa seryusong tono habang abala sya sa pagkusot ng mga damit ni Ella. Tapos ako ito, inaasar nalang sya.

"Parang sigurado ka na sasama kami sayo a?"

"Itatali kita kung kinakailangan" napasinghap ako sa sinabi nya, ano kami aso?

"Ayuko umuwi" sabi ko sa mahinang tono, napasulyap sya sa akin.

"Bakit?" tanong nya.

"Nahihiya ako magpakita doon kase tingnan mo naman ang itsura ko ang layo ko na sa dating ako at baka makasalubong ko pa doon si Joana sigurado ako na kutya ang aabutin ko sa kanya?" walang confidence na sabi ko.

Ibinaba nya ang kinukusot nya at tumayo, pinunasan nya ang mga kamay nya at umupo sa isang bakanteng upuan at inabot ang kamay ko kaya napatayo ako hinila nya ako palapit sa kanya.

"No matter what you look like, I don't care!  it is not easy to be a mother to our child. If you feel that you are no longer beautiful, it is because you are passing it on to your child. And you only feel that, but you are the most beautiful woman all my life. Also, I have high standards for women, do you think I won't like you if you're mediocre?" sabi nya sabay halik sa mga labi ko.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now