Nagmemeryenda ako ng niluto niyang karioka. Si Kerus ay hindi ko alam kung saan pumunta. Hindi naman siya nagsasabi sa akin. Wala namang problema.
"Papauwiin po ako n'on at sesermonan," sagot ko habang ngumunguya.
"Hindi mo naman kasalanan iyon. Gusto mo ay tawagan ko pa si Brivous para magpaliwanag sa kaniya?"
"Hindi na po saka ayos naman na ako. Kapag nakakita na lang po ako ng alimango, aapakan ko po," pagbibiro ko.
Natawa rin siya at doon natapos ang usapan namin.
Mainit sa loob kaya napag-isipan kong lumabas ng bahay. Nakita ko si Kerus sa ilalim ng puno kung saan may upuan at lamesa, buhat-buhat niya si Miles. Habang si Tatay Chico ay panay himas ng manok niya.
I stood there watching him. I'll admit, he looks cute when he's holding a baby. The smile on his lips as he looks at Miles. Miles' beautiful smile at Kerus melts my heart. It makes me want to join them, but I didn't. I won't do that.
"Where's Miss Rachel? Peek-a-boo! Where did I go? Pee-a-boo!" he said.
Halos magwagwag si Miles dahil sa gigil. Bumungisngis din ito dahil tuwang-tuwa. Sa ganoong reaksyon ay natawa rin si Kerus. Hindi ko namalayan na nakangiti na rin pala ako kaya agad akong nagseryoso. Saktong nakita ko si Nicos na naglalakad habang may dalang mga timba kaya agad ko siyang pinuntahan.
"Nicos, mag-iigib ka?" tanong ko sa kaniya, nasa dalawang timba ang tingin.
"Oo," sagot niya na may malawak na ngiti. "Nga pala, ayos ka na ba? Sabi ni nanay ay hindi maayos ang pakiramdam mo kaya hindi na ako tumuloy sa pagbisita sa 'yo. Sayang, magbibisikleta sana tayo n'on."
"Oo nga, e," nanghinayang din ako dahil gusto ko rin siyang makabonding. "Do you have anything to do tomorrow?"
Natawa siya. "Ito naman si ante. High school graduate lang ako. Huwag mo nga akong inglesin."
It's not a problem for me if he's just a high school graduate, even if it's a big deal to him when we're together. What matters is we're still friends.
"May gagawin ka ba bukas?" ulit kong tanong gamit ang seryosong boses.
"Oo, may pasok ako sa trabaho. Kailan ba ang uwi niyo?"
Nakarating na kami sa balon. Dinungaw ko ang balon at nakita kong sobrang lalim. Napakalinaw ng tubig sa ibaba at lamig ang nadadama ng mukha ko.
"Isang linggo lang kami rito," sagot ko sa kaniya. "Pwede ba kitang tulungan mag-igib? Ako ang magtatabo tapos ikaw magbubuhat ng mga timba. Gusto ko lang subukan."
Agad siyang tumanggi na natatawa. "Kakalyuhan mo pa ang mga kamay mo. Ang lambot-lambot na."
Nagpumilit pa rin ako.
"Sige na," I pouted. "Noong bata ako ay lagi akong pinagbabawalan ni dad na dumungaw dito na kesyo baka mahulog ako. Mahuhulog ba ako? E, hanggang baba ko nga ang harang ng balon."
Mas lalo siyang natawa. Sinamaan ko siya ng tingin dahil hinimas niya ang ulo ko na parang aso.
"Kawawa naman ang batang iyan."
"Ano ba!" tanggal ko sa kamay niya kaya humalakhak siya. "Ginugulo mo naman ang precious hair ko!"
"Ang arte mo talaga! HAHAHAHAHA!"
Humalukipkip ako. "Hindi ako aarte kung papayagan mo akong magtabo sa balon," bumaling ako sa kawalan at napairap ng mga mata.
"Hays, maldita ka pa rin talaga hanggang ngayon," he took a deep breathe. "O, sige. Isa lang, ah? Papagalitan ako ni Tatay Chico kapag nakita ka niyang nag-iigib."
BINABASA MO ANG
Satrikana Series #1: Heart's Desire
RomanceSatrikana Series 01: Aerthaliz Satrikana. An ex-boyfriend could be described as a chapter from the past. No more feelings. No more care. Ang bobong lalaking who reminds of how to love painfully at ang lalaking bahagi ng nakaraan kung ano siya ngayon...
7: Her talent
Magsimula sa umpisa