Nang makarating kaming school ay bungad sa'kin ang yakap ni Rose na akala mo naman ay hindi kami nagkita nang mga ilang taon. Ngumiti lang naman si Camden at nang makita na papalakad ang nanay papuntang office ay agad itong kumapit para magpasalamat sa ibinigay na snacks.

"Hoy, kayo na 'no?" tanong ni Rose nang medj makalayo na si Camden.

"Naneto. Hindi pa nga. Ulit ulit? Ang oa niyo lang talaga kung makapag interpret ng actions." I rolled my eyes pa.

"Hoy, sino ba namang hindi mag aassume na kayo na or sinagot mo na? To the way you two walk together and others? ABER?!"

Konti nalang talaga kakaltukan ko na 'to.

"Hindi ko pa sinasagot, okay? Ilang weeks palang nanliligaw, 'te."

Akmang magsasalita pa siya nang makitang pabalik sa'min si Camden para kunin ang bag ko at mauuna nang pumunta ng room.

"Give me your bag para 'di mahirap sa'yo. I know, magcchismis pa kayo sa benches malapit sa field," he said calmly.

Agad ko rin naming binigay ito at pabalik na sana siya nang bigla siyang sinabihan ni Rose. Medj nagtaray-tarayan pa talaga 'tong isa e.

"Camden, I know you like my best friend, 'no pero kung sasagutin ka na nito, sana 'di magbabago treatment mo sa kaniya although medj ma attitude siya at times."

Ay talaga ba, Rose? Okay na sana e, may dinagdag pa talagang ma attitude AT TIMES.

"Makakaasa ka, Rose. I cannot promise, but I'll do everything para hindi ko masaktan si Spring." Nagtakaw pa ito nang tingin bago magpaalam para bumalik ng room.

I rolled my eyes lang ulit kay Rose nang makita kong nagmake face ito the time na humarap sa'kin. Nakita ko ring papalapit si Faith, Shannon, at Hanna sa'min nang may mga dalang reviewers. Dumiretso nalang kami sa tambayan namin-benches malapit sa field.

"Library tayo after the first subject? Wala naman nang class after, 'di ba? Isa lang class natin this morning?" si Shannon.

"Sige sige tapos tanungan na rin tayo," dagdag din ni Faith.

"May kasama ka mamaya, Spring?" ang nonchalant na si Hanna.

"Oo, si Camden pero pwede naming sama-sama nalang tayong lahat. Wala namang kaso 'yon."

Pumayag naman sila since magkaklase pa rin naman kaming lahat. Marunong din namang makisabay 'yong isang 'yon kung kaya't hindi rin sila tumanggi. Bumalik na kami ng classroom dahil may pa quiz pa sa UCSP.

Nang magstart na ang class ay nagulat ang lahat dahil wala itong quiz na ibinigay kung kaya't tumahimik lang ang lahat maliban sa isa. Si Paige.

"Ms. Martin, sorry to interrupt you po. . ."

"Yes, Paige?"

"Wala po ba tayong quiz today?"

"Takte," rinig kong mahinang pagmumura ni Wayne.

"Ay yes nga pala. I was supposed to give you a quiz, 'no?" Tumango lang din naman si Paige habang nakayuko or nakaiwas ang tingin ng lahat sa kaniya dahil nabadtrip. Isa na ako do'n.

"Uhmm, ganito nalang. I will give the quiz nalang next meeting since nakaplan na ako for today na maglelecture lang," dagdag naman ni Ms. Martin na siyang nakapagpatanggal stress sa lahat.

Nafeel kong nagvibrate phone ko kaya agad ko itong chineck since pwede namang magphone sa class ni Ms. Martin. Thanks to her.

From Zab: 8:37 AM
mumurahin ko na sana, siszt. buti nalang

Sent: 8:38 AM
hoy HAHAHAHAHAHAHA

Nagreply pa si Zab pero hindi ko nalang muna ito binasa. Medyo magkalayo kasi seats naming since si Ms. Martin ang nag-ayos nito.

When Spring ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon