“Magandang gabi, Queen Mallory.”

Nabaling ang aming tingin kay Duchess Sidony na bigla na lamang sumulpot. Magiliw niya kaming nginitian bago siya yumuko sa aming harapan. Gano'n din ang ginawa ng mga nakabuntot sa kanya.

“Napakaganda ninyong dalawa,” masaya niyang puri sa amin.

My Queen mother smiled at her. “Maraming salamat. Ikaw rin, maganda at bagay sa iyo ang ‘yong suot na damit,” she praised her back. Lumawak ang ngiti niya, tila tuwang-tuwa na pinuri rin siya ni ina.

“Mabuti ay kasama mo ang iyong pamangkin. Hindi siya nakadalo sa nakaraang piging,” ani Inang Reyna.

My gaze landed on the girl with Duchess Sidony. Medyo may pagkakahawig silang dalawa. Ngumiti ang babaeng iyon bago siya yumuko.

“Magandang gabi, Reyna Mallory," nakangiti niyang bati. “Sa iyo rin, Prinsesa Liora.”

I gave her a simple smile in response.

“Napapayag kong isama ang aking pamangkin na si Lady Raya dahil nais daw niyang makita si Ginoong Deimos,” ani Duchess.

“Si Ginoong Deimos? Ang protector ng aking prinsesa?”

Duchess Sidony nodded. “Sadyang malakas yata ang tama ng pamangkin ko sa kabalyero na iyon.”

Hindi mawala ang matamis na ngiti sa labi ni Lady Raya. Ang mata niya'y kumikislap. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Bigla akong nakaramdam ng inis. Parang ayoko na magkaroon ng kahati kay Deimos. Parang gusto ko siyang ipagdamot.

“Isa siyang binata, Duchess Sidony. Wala pa siyang asawa. Wala naman sigurong magagalit kung ako'y magkaroon ng paghanga at pagtingin sa kanya?” ani Lady Raya.

"Ngunit mababa na ang kanyang katayuang sosyal,” tugon ni Dukesa.

“Siguro nga'y walang magagalit, ngunit nais kong sabihin sa iyo na ako'y kanyang iniibig,” sabat ko at hindi ko alam kung bakit bigla kong nasabi iyon na dapat sa isip ko lang sana bibigkasin.

Napatingin silang lahat sa akin.

“Ano ang ibig mong sabihin, aking prinsesa?” tanong ni ina. Ang atensyon niya ay nasa akin na.

Ngumiti ako. “Isa siya sa ipakikila sa hanay ng mga lalaki na nais na maging kabiyak ako, ina. Sumali siya sa paligsahan upang masungkit ang aking puso,” may saya kong sagot.

Hindi nakaligtas sa akin ang biglaang pananahimik ng pamangkin ni Duchess Sidony. Nahuli ko rin kung paano lumukot ang kanyang mukha subalit mabilis lang iyon at agad bumalik sa pagkakangiti.

“Kung ganun, mahigit na katunggali pala siya ni Ginoong Aldric,” ani Lady Raya.

“Kung bakit ba kasi kailangan pa ng paligsahan, kung pwede mo namang piliin ang aking anak,” dismayado na saad ni Duchess.

“Tama na ang usapin na ito. Halina't pumunta na tayo sa bulwagan,” ani ina kaya sumunod na lamang kami sa kanya.

“Tayo ay magbigay pugay sa pagdating nina Reyna Mallory at Prinsesa Liora!” anunsyo ng lalaki sa loob.

Bumukas ang dalawang pinto kaya pumasok na kami sa loob kaya yumuko ang lahat. Mas malaki pala ang bulwagan na ito. Ang mga paruparo at ibon ay malayang nagliliparan sa kisame. Sa tingin ko ay gawa sa matibay at babasagin ang kisame dahil nakikita ko ang buwan. Ang mga tala ay nagniningning din sa ganda.

Marami na ring mga bisita. Mayroon ding mahabang lamesa kung saan nakahanda na ang mga masasarap na pagkain.

Ngunit ang ikinamangha ko ay ang limang kulay ginto na throne chair. Nakaupo na roon sina Prinsipe Eiran at Prinsipe Hael. Masaya nila kaming sinalubong nang makalapit kami ni ina sa kanila.

“Magbigay pugay sa pagdating ng Mahal na Hari!” muling sigaw ng isang lalaki kaya ang lahat ay agad naghanda.

Pumasok na si ama na nakangiti. Ang lahat ay mabilis na yumuko bilang paggalang. Nginitian niya kami nang makalapit siya sa amin. Masuyo pa siyang humalik sa pisngi ni ina bago siya humarap sa lahat ng mga bisita.

“Ako ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga dumalo ngayong gabi sa ating magarbong pagtitipon,” panimula niya.

“Bago tayo magsimula ay nais ko munang ipakilala ang aking pamilya,” aniya kaya isa-isa kaming ipinakilala ni Ama.

“Hindi na ako magpatumpik-tumpik pa, siguro ay nabalitaan n‘yo na ang pagsibol ng Aurora Tree kaya ipakikilala ko na sa inyo ang hanay ng mga kalahok na magkatunggali upang masungkit ang puso ni Prinsesa Liora. Ating saksihan kung paano nila malalampasan ang mga pagsubok at kung sino ang magpapatunay na siya ay karapat-dapat sa aking anak,” mahabang wika ni ama.

Sinenyasan niya ang kanyang utusan kaya pinapasok na niya ang mga kalahok. Ang lahat ay nagkaroon ng antisipasyon hanggang sa isa-isang pumasok ang mga kalalakihan.

“Wow...” bulalas ko kaya natawa si Prinsipe Eiran dahil siya ang katabi ko.

“Makisig at galing sa mga matataas na katayuang sosyal ang mga pinili ni Ama at ilang mga nasa konseho,” turan niya.

“Isa rin sa mga kalahok si Deimos,” wika ko kaya napangiti siya.

“Alam ko. Tiyak na hindi siya papayag na mapunta ka sa ibang lalaki, ngunit alam mo naman na sinusunod lang natin ang patuntunan. Na hahanap lang ang ating Ama ng magiging kabiyak mo kapag sumibol na ang Aurora Tree,” mahaba niyang sabi.

“Hindi papayag si Deimos na mapunta ako sa ibang lalaki?” I asked.

He nodded. “Alam namin ni Hael na matagal na siyang may pagtingin sa iyo. Kaya ganun na lamang niya ikaw protektahan kahit kapalit pa ang kanyang buhay. Sa pagpunta pa lang niya sa Moonlit upang kumuha ng binhi ng lotus ay napatunayan na niya sa amin na siya ay karapat-dapat sa iyo,” aniya.

Nakaramdam ng pag-iinit ang aking mukha dahil sa mapanukso niyang ngiti. Hindi na lang ako nagsalita at tinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga kalahok na ngayon ay nakapila.

Habang isa-isa kong tinitingnan ang hanay ng mga kalahok ay hindi ko sinasadya na mapatingin sa isang direksyon. Kahit medyo malayo ay malinaw ko pa rin siyang nakikita.

Isa siyang babae na nakasuot ng itim na balabal. Hindi siya masyadong napapansin dahil nakatago siya sa isang gilid, ngunit mukhang kanina pa niya ako pinagmamasdan.

The Cursed Princess (Resurrection Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon