Pumasok ang isang babae at lalaki. Pero ang lalaki ay mahahalata mo sa kilos na hindi siya straight. Lumapit siya sa akin at nagulat ako nang tumulo ang mga luha ko.

“Gaga ka! Na-miss kita! Saan ka ba galing?” tanong niya at sinuri pa ako mula ulo hanggang paa. “Grabe ang nangyari no’ng nawala ka!”

“Khione, oh my God! Ang ganda mo na so much. Na-miss kita, girl. Sasampalin ko talaga ‘yong kumuha sa ‘yo,” sabi naman ng isang babae.

Napalingon ako kay Vermont dahil hindi ko kilala ang mga nasa harapan ko ngayon. Tumabi siya sa akin kaagad.

“Si Chi...” Turo niya sa lalaki. “Si Akira. They’re your bestfriend,” pakilala niya.

“Oh, hi...” Natawa ako nang mahina. “Pasensya na. Wala akong maalala. Pero nakilala ko na kayo ngayon,” sabi ko.

“Ayos lang. Basta kapag naalala mo na kami, libre mo kami kaagad!” sabi ni Akira.

Bahagya naman akong natawa sa biro niyang iyon. Inaya na rin sila ng pamilya Villavicencio na makisalo. Tiningnan ko naman ang kambal na nando’n at kinukulit ang daddy nila na gusto nang kumuha ng tinapay.

“Daddy, ayoko. I want chocolate spread,” reklamo ni Kyra.

“Okay. Calm down, anak,” sabi ni Vermont kaya nagtawanan ang mga nakakarinig.

Habang tumatagal na kasama namin ang dalawa ay na distinguish ko na rin ang ugali nila. Si Kyra iyong tahimik sa una pero kapag nakasama mo ay komportable na at sobrang ingay niya. Samantalang si Vk naman iyong friendly pero kapag nakilala mo nang lubusan, tahimik na bata. Grabe ang pagkasalungat ng ugali nila pero makikita naman kung kanino nagmana.

Pakiramdam ko kasi si Vermont iyong tipo ng tao na tahimik lang sa umpisa pero kapag nakilala mo nang lubos, grabe ang OA.

Matapos kumain ng almusal ay gumala naman kaming pamilya. Sa isang ocean park kami pumunta. Para itong malaking aquarium pero tuwing maglalakad ka sa aisle ay mapapalibutan ko ng malaking glass kung saan para siyang dagat. Makikita mo ang iba’t ibang sea creatures.

“Vk, look! May fish kamukha mo,” biro ni Kyra sa kambal. Bahagya naman akong natawa maging si Vermont ay hindi mapigilan ang ngiti.

“Kamukha mo naman ang dolphin,” pang-aasar pabalik ng isa.

“At least cute,” balik ng isa.

Hinarap ni Vk si Kyra. Dumila siya. “Okay. You won,” pagsuko nito. Wala nang nagawa dahil alam niyang iiyak si Kyra kapag pinatulan niya pa ito.

Sa isang taon na kasama ko sila, marami rin akong nakuhang mga magagandang memories. Unti-unti na rin nagiging klaro sa akin ang lahat. Napangiti na lang ako kung paano pumasok sa utak ko kung paano naging kami ni Vermont.

Mula noon hanggang ngayon ay malambing pa rin siya. Kaya nga ikinalungkot ko rin bigla kung paano kaya niya nakayanan na malagpasan iyong mga panahon na akala niya ay wala na ako?

Ayaw niya kasing i-kwento at hindi na raw iyon mahalaga. Ang mahalaga lang ay nandito na ako at buo kaming pamilya.

Mas nadiin sa kaso si Tyler dahil wala naman siyang laban. Concrete ang mga evidences laban sa kaniya.

Ngayon ay nakaupo kami ni Vermont sa may duyan sa ilalim ng dalawang puno. Kalong niya si Kyra samantalang akin si Vk. Tulog ang dalawa sa mga bisig namin. Samantalang kami ni Vermont ay nakatanaw sa malawak na karagatan.

Mas gumanda iyon nang masubaybayan namin ang ganda ng papalubog na araw. Pinaghalong orange, purple, yellow at pink ang kalangitan.

“I love you always, Khione,” malambing na saad ni Vermont.

Tumingin ako sa kaniya. “I love you more, Vermont.”

He leaned and kissed me on my lips.

When I’m with him, I don’t need to chew on something because he always guides me, making me sure of everything.

___

the end;)

thank you for reading until the end of this series uno. please, please leave feedback about the story. i want to read your thoughts and improve my writing in the future.

also, please don’t spoil the plot twist of this story🙌

love y’all thank you for the love and support. don't forget to vote^^

series dos coming up!

Chew on Something | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon