Chocolate flavor yung binili ko kay Jerome habang mango naman yung sa akin. Inabot ko iyon sa kanya na agad naman itong ngumisi at tinanggap iyon.

Nang maubos na namin ang ice cream ay nagpaalam na ako kina Charity at pinaandar na ng pinsan ko ang kotse.

Habang nasa byahe ay panay tingin ni Jerome sa salamin ng sasakyan.

"Ginagawa mo?" kunot-noong tanong ko.

"Wala nakakapanibago kasi yung mukha ko" seryusong sambit nito.

"Bakit?" nagkasalubong ang kilay ko.

"Sumobra na kasi sa kagwapuhan-aray ko!" napakamot na lang ito ng batok dahil sa pagkabatok ko sa kanya.

"Hinayupak ka, akala ko naman kung ano na kahanginan mo lang pala" umismid ako. Hindi na normal itong pinsan ko... abnormal na e.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay at agad namang ipinark ni Jerome sa garahe ang kotse at bumaba na ako.

Umakyat na ako ng kwarto ko at hinubad ang bag bago maligo. Pagkalabas ko ng banyo ay kumatok ang kasambahay namin para kunin ang mga labahin.

Habang nag b-blow dry ako ng buhok ay tumunog ang phone ko kaya agad kong sinagot sng tawag ni Charity.

[" Hi sissy, punta ka tomorrow sa bahay birthday ni Tristan"] anito na tinukoy ay ang pamangkin niya.

"Sige ba, total sabado naman bukas, what time?" I asked.

["I think mga 4, gabe kasi gaganapin"]

"Magpapaalam muna ako kay Jerome"

["Napaalam na kita sa kanya, pumayag naman"]

"Wow, advance?" natawa ako. Nauna pa siyang magpaalam sa pinsan ko at ako pa ang huling na inform.

["Don't worry, kahit gabehin ka e kami naman ni Clyde ang maghahatid sayo"] tumawa ito.

"Oo na, bye-bye na may gagawin pa ako".

"Sige bye" sabay patay nito sa tawag.

Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kwarto ng pinsan ko. Kakatok na sana akong ng may narinig. Out of curiosity ay nakinig ako-paki niyo chismosa ako e.

"I saw him Tito, he's around at alam ko si Chizyle ang pakay nito dahil ilang beses ko na siyang sinundan at nakita malapit sa pinapasukan ng pinsan ko." dinig kong sabi ni Jerome.

"Yes po Tito-Hindi ako papayag na makalapit siya sa pinsan ko-Trust me Tito, I'll protect her whatever it takes-ginagawa ko lang po ang dapat kong gawin-bye"

Agad akong lumayo sa pinto ng marinig ko ang yabag palapit doon. Lumabas si Jerome sa kwarto nito at kuware ay kakalabas ko lang din. He smiled at me so I smiled back even though it was fake.

I'm so confused right now, what do you mean by that Jerome? Why do you need to protect me?

Pagdating sa dining ay nakita ko si mama na kumakain na. She didn't called us but I don't care. Umupo na kami ni Jerome at magkaharap kami. Habang nasa hapag kami ay walang may nagsalita hanggang sa natapos na kumain si mama.

"Charity texted me, pinagpaalam ka niya sa'kin" umpisa ni Jerome ng makaalis si mama.

"Oo nga e, mas nauna ka paniyang sabihan kaysa sa'kin" natawa ako.

"To make sure na makakasama ka talaga" tumawa din ito. "And by the way may pupuntahan din ako bukas baka gabehin na ako sa pag-uwi"

"Saan naman?" tanong ko.

"Business" tipid na sagot nito.

Nang matapos akong kumain ay bumalik na ako sa kwarto ko at nag toothbrush bago gawin ang assignments ko. At nang matapos ay humiga ako sa kama at nag cellphone.

The Forbidden Love Where stories live. Discover now