___
"May bisita ata si Ma'am Villanueva. May lalaking pumunta roon sa office niya."
"He's holding a bouquet of flowers, sino ’yon, manliligaw niya?"
"Or boyfriend?"
"Ayos na rin ‘yon at may magpapaamo na sa kaniya."
I rolled my eyes at them, kakaupo ko palang sa upuan ay ’yon na ang mga naririnig kong usapan at hindi ko itatanggi na sumama ang loob ko.
I really trust my instinct, hindi ako nagkamali na may gusto talaga sa kaniya ang lalaki at siya naman ay wala atang maramdaman. Tangina, ano ’yong amin kung ganoon?
Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa pumapasok ang propesora sa silid namin. Busy sa manliligaw ’eh. Ang sama ng loob ko, hindi na rin tama ang paghinga ko, nanghihina ako sa kaisipan na may ginagawa sila roon, like dating or echetra.
God damn it!
"Morning class,"
Finally she's here. Nakasuot siya ng skirt na katamtaman lang naman ang ikli at isang white polo shirt. Napabaling siya sa akin pero iniwas ko lang ang tingin ko.
Siguro ang mukha ko ngayon ay hindi na maidescribe dahil sa halo-halong nararamdaman ko. Ewan ba, naiinis ako.
"May variety show raw na gaganapin."
Bumalik ang wisyo ko sa bulong sa akin ni Yana sa tabi ko. Nag anoounce pala ang propesora, wala kasi sa kaniya ang atensyon ko.
Tumango ako, "When?"
"Hindi sinabi ang exact date ’eh. Pero contest daw, may mga ibang universities daw na kalaban." Pinitik pa niya ang noo ko, "It depends kung sasali ka, pipili si Professor Villanueva."
Wala akong ganang tumango nalang at binigay ko na ang atensyon ko sa propesora na ngayon ay nakaupo na sa harapan.
"Ma'am for me, mas masakit ang sugat na natatamo kaysa sa masasakit na salita na natatanggap." rinig kong sabi ng isang kaklase ko, napailing naman ako at marahas na bumuntong hininga.
"And why is that?"
"Siguro po kasi ay lumaki ako sa pamilya na hindi sila nakakapagsabi ng mga salita na hindi ko nagugustuhan. They are always motivating me. May araw na mababa ang tingin ko sa sarili ko but they are always there for me."
Napatango ang propesora at tumingin sa aming lahat pero tumigil ang tingin niya sa akin.
"What about you Samantha, I mean, Ms. Gonzaga?"
Pinigilan ko ang pagngiti ko dahil sa pagbanggit nito sa pangalan ko pero dapat ay nagtatampo tayo rito. Hindi ko kailangang balewalain ang bungad sa akin ng umaga.
Tumayo ako at nakapamulsa, "For me, mas masakit ang mga salitang masasakit na natatanggap. Ang sugat naghihilom ito, gagaling ang sugat na ’yon pero ang salita?" umiling ako, "Hindi na ’yon gagaling because it will stay on your head forever."
Umupo na ako pagkatapos, maraming umagree sa sinabi ko. Ang propesora naman ay tumango nalang din at tumayo na ito.
"Ma'am," biglang tawag naman ni Yana sa tabi ko, tumayo siya at nagpatuloy sa pananalita, "For me ma'am, parehas silang masakit. Why? dahil minsan nakakatamo tayo ng sugat at masakit na salita. Pagsasabayin nila ’yon while doing that physical pain and that experience will cause you trauma."
"Well, everyone have a point. We have different perception about this." sabi nito sa amin.
"Next question, how is "I" different from "Me" according to to mead?"
YOU ARE READING
Protecting My Professor (Fairfield University -1)
RomanceProfessor Cassandra Stacey Villanueva is a renowned academic who is constantly pursued by misfortune. Despite being intelligent and skilled in her field, Cassandra always seems to be in the wrong place at the wrong time, leading her into various dan...
CHAPTER 18
Start from the beginning