The reason why I left my home..

Umiling ako sa sarili. Lumabas ako ng bahay. Papalubog na ang araw. Bukas ay aalis na naman ako. I will be heading to Manila tomorrow. May meeting na naman doon. I will be staying there for another couple of days. Iiwan ko na naman ang Cebu.

Tumungo ako sa may kwadra. I checked the horses, especially my horse. Kinausap ko pa saglit si Tatay Pancho na siyang punong-bantay ng kwadra bago nagpaalam.

I headed to my favorite place.. my favorite spot.

Umupo ako roon. Natatanaw ko ang lawak ng hacienda. Sariwa ang hangin dito. Patag man ang nasa paligid, hindi parin nawawala ang banayad na paghampas ng hangin.

I let out a heavy sigh. It's been years. Hindi ko na namalayan ang pagdaan ng panahon. Masyado kong itinutok ang aking atensiyon sa pagguhit.

I did everything. I sacrificed the most precious gift of life to me. And maybe that's the right decision I made.

Natupad ko ang mga pangarap ko. After leaving Sta. Ana, I started a life here in Cebu. Dito ko ipinagpatuloy ang pag-aaral. Dito ako muling bumangon. I bore my attention on achieving my dreams to forget all the memories I left in Sta. Ana.

Ang mga nangyari noon ay siniguro kong hanggang doon na lamang iyon. Cebu is a new place to start a new life again. And I just did. Nakapagsimula akong muli. Hindi ko rin makakalimutan ang mga sakripisyong ginawa ni Papa para sa akin.

He never left me. He never let me feel that I am alone.

Hindi na.. Everything has changed. Hindi na kagaya nang dati.

Itinuon ko ang atensiyon sa hacienda na marami ng tanim. Dahil bumababa na ang araw ay nagsisiuwian na ang mga trabahador namin. They worked all day. At ramdam ko ang kanilang pagod.

Nang tuluyan nang nag-aagaw ang liwanag at dilim, bumalik na ako sa bahay. Nadatnan ko sa sala si Papa. When his eyes landed on me, I gave him a simple smile.

“Aalis ako bukas patungong Maynila, Papa. Sisimulan na namin ang project na ibinigay sa akin ng mga Yuesco. Hindi ko alam kung ilang araw ako roon.”

He tapped the space beside him. Lumapit ako sa kaniya at tumabi rito.

“Basta siguraduhin mong babalik ka, Andrei. At palagi kang mag-iingat. Maghihintay parin ako sa'yo.”

Tumango ako. “Salamat po.”

He also nodded at me. “Kumain ka na roon. Susunod na lang ako mamaya.”

Nauna akong kumain. Nang bumalik ako sa aking kwarto ay humiga na ako sa aking higaan. I felt the soft touch of the mattress. I closed my eyes. Pero agad ding napamulat nang ala-ala mula sa nakaraan ay biglang pumasok sa isip ko.

I slowly shook my head before closing my eyes again. Hindi na iyon dapat inaalala pa. Wala na akong balita pa roon. Mabuti na rin ang ganito para hindi na maulit ang nangyari. Tama na ang isa.

Kinabukasan, maaga akong gumising pero para lamang bumungad sa akin ang balitang hindi ako matutuloy sa Maynila. They moved the schedule. Wala pang sinabing eksaktong petsa.

I sighed in disappointment. Isa talaga ito sa pinaka-ayaw kong nangyayari. Pero ano pa ba ang magagawa ko? Being an architect is really hard. At tanggap ko na iyon. A professional should always stay professional no matter what.

Napagdesisyonan kong pumunta na lamang sa may hacienda. Marami akong ka-close doon. Mga trabahador na palagi kong kinakausap. Nandoon din sina Nanay Banang at Tay Lando. May isang anak pero nasa Maynila.

Nagpaalam ako kay Papa. Hindi gaanong mainit ang panahon dahil malapit naman na ang ber months. Paunti-unti ang pag-ulan, pero mas madalas paring umaraw. Noon ay ayaw kong pumunta rito, pero ngayon ay natututunan ko nang mahalin.. Ang lugar na tinakbuhan ko.

And After We FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon