"Tiya ano ba ang nangyari kay Tatay, bakit may sugat ang mga kamay niya? May problema ba na malala si Tatay, ang dami namang beer nito."
"Bukas muna tanungin diyan ang tatay mo. Tungkol sa naman sa mga sugat na iyan, huwag ka mag alala,pintuan lang ang ka sparing niyan kanina. Pagpahingahin mo na ang tatay mo riyan at kumain ka na ng hapunan tirhan mo na lang si Fil."
"Wala pa ba si Fil?"
"Mukhang abala ngayon iyon sa pagdi-deliver. Alam mo na, malapit na ang Disyembre. Ako na ang makikiramdam kay Fil pagkauwi niya. Kumain ka na at magpahinga." wika pa ni Paz.
Samantala, naihatid na nina Jack at Nato ang mga naunang mga lalake na nasa listahan. Sinalubong sila ni Joker kasama ang ilan pa sa mga tauhan ni Precy. Empres na empres si Joker sa bilis ng trabaho ng dalawa.
"Pinabilib niyo naman si Madam sa galing niyong dalawa, unang araw pa lang halos kinumpleto niyo na ang order niya. Pero nasaan na iyong dalawa? Bakit nagtira pa kayo?" wika ni Joker.
"Hulas na lang sa amin ang natira,kakilala namin ang isa at kabarangay lang din namin. Bukas bago mag tanghali dala na iyon namin." tugon ni Jack.
"Ano ba ang gagawin niyo sa mga ito?" tanong ni Nato.
"Labas na kayo roon. Gawin niyo lang kung ano ang utos sa inyo. Bawal mangi-alam at lalong bawal ang magtanong. Dahil magaling kayo sa unang trabaho niyo. Ito ang bonus ni Madam. Tapusin niyo ang trabaho at may dagdag pa iyan." saad ni Joker sabay tapon ng sobre kay Jack na may lamang mga pera.
Siksik ang laman ng sobre na nagpatingkad sa mga mata ng dalawa. Laking tuwa ng dalawa nang makahawak ng ganun ka kapal at karaming pera. Masayang umalis ang dalawa na nangakong tatapusin ang trabaho.
"Ito na talaga ang simula ng pag angat ng ating karera pare, ito talaga ang tadhana natin. Maliwanag na pera talaga ito." Ang walang pagsidlan na kaligayahan ni Jack.
"Bigtime na tayo nito pare, hindi na lang tayo nito basta bastang uhuging magnanakaw sa bangketa. Pang malakihang galawan.na ito pare. Teka ano ba ang plano.natin ngayon? Mag ri-restaurant ba tayo?" ani ni Nato.
"Nak nang...anong restaurant? Mag hahapi-hapi tayo ngayon pare, mag su-super club tayo. Kukuha tayo ng mga babae. Magpapakasaya tayo buong gabi." tugon ni Jack sabay hiyaw sa saya.
Silaw na silaw ang dalawa sa natamong pera. Buong gabi ngang nagpakalunod sa saya sina Jack at Nato. Nagpakasasa sa mga mamahaling alak sa bigtime na bar ,tumikim ng pangmayayamang party drugs at nagpakasasa sa mga natitipuhan nilang mga babae. Hanggang sa naisipan ni Jack na mag-uwi sila ng isang babae sa kanilang inuuwian upang pagsaluhan nilang dalawa ni Nato.
Sa mga oras na iyon papauwi na si Bellegaz matapos makipag inuman ito sa kanyang mga kabaro.
"Hatid ka na namin pare, iisang kalye lang naman ang papunta sa atin." alok ng kasamahan nitong si Hener.
"Ayos lang mga pare, lalakarin ko na lang hanggang tawiran. May dadaanan din kasi ako sa may Trese, baka bukas pa ang bakery doon. Bibili muna ako ng monay." Tugon ni Bellegaz na ngumiti pa sa mga kabaro.
"Tinapay na monay, o monay mismo ni Luisa. Naku ikaw talaga pare pag nalaman ito ni Mina, ewan ko lang kung ano ang gagawin sa iyo nun." sabat pa ng kasamahan ni Bellegaz.
"Madulas pa ito sa palos kung mag tago mga pre. Kung malaman man ni Mina ang ginagawa ko eh alam ko na kung sino ang mga babalikan ko. At huwag nga kayong kontra ng kontra sa akin baka uunahan ko kayo sa mga asawa niyo." saad pa ni Bellegaz na tinawanan lang ang mga kasamahan.
"Palitan mo na kasi ang garalgal mong sasakyan ng hindi na pabalik balik ng talyer. Pagtatawanan ka na niyan ni Makalaay pare, ang dami mong sideline pero kotse mo tagpi-tagpi." wika pa ni Hener.
BINABASA MO ANG
DAYO
HorrorBecause of the series of killings that continue to shake a barangay. They likened the case to a similar crime where the perpetrator is a stranger who suddenly appears in such a community. Until a mystery is revealed that changes their suspicion.
PAGTATAHI
Magsimula sa umpisa