Naperfect ko ang summative test kahit na kabaklaan lang ang nangyari bago ako pumasok. Hindi ako nakapagreview no'ng gabi inaamin ko, pero ewan ko rin kung pa'no ko nagawang maperfect 'yon.
Halos araw-araw na kaming magkasama ni miss Ingrid bago pumasok. Minsan naman ay tinutulungan ko s'yang magbitbit ng mga gamit n'ya after ng klase n'ya sa'min-I can say that we got closer as we make memories together. Sabi n'ya ay saka na lang daw n'ya ako ia-accept sa fb at ig pag tapos na ang school year para hindi magtampo ang iba kong kaklase.
"You and miss Ingrid are close na huh?" Biglang bulong ni Vera sa'kin na ikinagitla ko. "I knew it, you have a crush on her."
Bumuntong-hininga naman ako. "Miss Ingrid is indeed attractive, pero hindi ko s'ya crush. Maybe medyo lang?"
Vera snapped her fingers at tinignan ako na para bang suspicious ako. "Are you sure na medyo lang? I know you, ate Riel."
"Tara pasok na tayo, Vera-parating na si miss Fierra oh." Sabi ko at marahan s'yang hinila papasok ng classroom, pero nagpumiglas s'ya.
"I won't go inside hangga't 'di mo sinasabi sa'kin." Nakangusong sabat n'ya.
"Sasabihin ko kapag nakapasok na tayo." Sabi ko at maingat na hinawakan ang braso n'ya.
Nagpumiglas ulit s'ya na parang galit, pero kita ko sa mukha n'ya na nagpipigil s'ya ng tawa. Ang oa Vera ha?
"Luh?" Sambit ko naman ay hinawakan ulit s'ya.
"Bitawan mo s'ya, Castillo." Sigaw ni miss Fierra sa'kin.
Natigilan naman kami ni Vera at nagkatinginan. Oh no, baka na-misunderstood ni miss ang kadramahan namin. Agad s'yang nilapitan ni miss Fierra at inilayo sa'kin.
"Nahihibang ka na ba, Castillo? Akala ko pa naman matino ka, ano 'tong ginagawa mo? Bakit mo sinasaktan si Villamor?" Pagtataas n'ya ng boses sa'kin.
Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko, hindi ako makapagsalita at parang nanigas na lang ang katawan ko. Hindi ko alam kung paano ko ieexplain sa kan'ya.
"M-miss, mali po ang-" Naputol ang sasabihin ni Vera nang magsalita ulit si miss Fierra.
"Pumunta kayong dalawa mamaya sa table ko sa recess, kakausapin namin kayo ni ma'am Rue. Hindi ko pwedeng palampasin 'tong pangyayaring 'to." Malamig na sabi n'ya sa'min.
Itinuro n'ya naman ako gamit ang hintuturo n'ya. "I am disappointed in you, Hazariel. You're smart, you always ace your exams and you have good grades, but your attitude shows the opposite."
Parang nadudurog ang puso ko sa naririnig ko ngayon. Grabe, hindi naman ako demonyo para makarinig ng gan'tong mga salita. As much as possible, I am trying to be kind and good to other people even if they don't deserve my kindness.
"Sayo ko nakumpirma na hindi lahat ng mabait ay totoo, some are just great pretenders." Dagdag pa nito at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa'kin. "Get in, you two."
Agad kaming pumasok ni Vera sa classroom at wala ni-isa sa amin ang nagsalita. I can feel that she feels bad for executing her actions earlier. Kung tutuusin ay wala namang masama sa ginawa ni Vera, we're just both dramatic, but we got misunderstood.
Mabilis lang natapos ang klase ni miss Fierra sa'min. I can feel her raging eyes everytime she looks at me. I am so doomed, guys.
Lalapitan sana ako ni Vera, kaso bigla s'yang tinawag ni Ivana. Nagpakawala s'ya ng buntong-hininga bago hinarap si Ivana na parang hindi s'ya bothered sa nangyari sa'min kanina.
Andito lang ako sa upuan ko, nakatingin sa bintana at tulala. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na mali ang iniisip n'ya-mali ang hinala n'ya-mali rin ang akala n'ya. Pagod na akong isipin 'yon, pero lagi pa rin pumapasok sa utak ko.
YOU ARE READING
My Favorite 30
RomanceHazariel admires her Math teacher, Fierra. Even though she knows that it's forbidden, she didn't mind being hurt because she had accepted it already. Did Ms. Fierra liked her back? or it will just be another one-sided love?