"Di ka ba napapagod kakayuko?" Aniya kaya't napalunok naman ako.
"H-hindi naman h-haha..."
"Oo nga pala, may tanong ako" napatingin naman ako sa kanya dahil doon.
Heart ano ba! Ang lakas mo ngayon! Huhu!
"A-ano 'yon...?"
"Since you're a Campbell, are you related to the Scythe Empress?" Nagulat naman ako sa tanong niya at pansin ko namang naghihintay ng kasagutan si Rhianne.
Mukhang interested ang magkapatid na ito sa tiya ko.
Tiya, sasabihin ko ba sa kanila? Huhu!
"Huwag muna, hindi pa ngayon ang tamang oras para malaman ng iba"
Nagulat naman ako sa nagsalita at napatingin sa paligid dahil baka nandito si tiya pero wala naman.
"Ahm... hindi ko alam eh hehe" sabay kamot ko sa batok.
"Sigurado ka ba, Hestia? Pero blonde ang buhok mo" si Rhianne kaya't lalong napadiin ang aking paglunok. At pansin ko naman ang gulat sa mukha ng kuya ni Rhianne.
"Ah... haha! Hindi ko talaga alam eh, wala namang sinasabi ang pamilya ko. B-baka ibang pamilya Campbell ang t-tinutukoy ninyo... h-haha"
"Hmm... baka nga. O siya, mauna ako sapagka't may kailangan pa akong gawin. Mag-iingat kayong tatlo, nagpapanggap pa naman kayong mga lalaki sa paaralan na 'yon kaya't buti na lang talaga at nandoon ang mahal na hari" aniya ng kuya ni Rhianne kaya't napakunot noo naman ako.
Anong ibig niyang sabihin?
"Magsulat ka lamang sa akin Kali kung sakaling may hindi magandang mangyari sa inyo. Ah! Oo nga pala isa ako sa mga hurado sa darating na Battle Tournament ninyo"
Napanganga naman ako.
Ibig sabihin makikita niya akong makipaglaban? Kailangan kong galingan!
"Ahm kuya... pupunta ba siya?" Si Rhianne kaya't napatingin naman ako sa kanya.
Sino naman kaya ang tinutukoy ng babaeng 'to?
"Hindi, may importante siyang ginagawa sa palasyo. Sige, paalam sa inyong dalawa" pagkaalis niya ay nakahinga na ako ng maluwag.
"Hoy 'te, ano 'yon? Sinong siya yung tinutukoy mo ha!"
"Ahm... si sir Noir haha! Isa ako sa mga taga-hanga niya" aniya.
"Eh...? Ikaw ha mahilig ka pala sa mga phoenix" pang-aasar ko at pansin ko naman ang pamumula ng kanyang pisngi.
"Okay! By the way, ano yung sinabi ng kuya mo kanina na-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil ikuwinento niya na.
"Kyaaah! Totoo ba 'yan?! Omoo! Edi kasama lang pala ng bruha yung minamahal niyang kamahalan?"
"Oo, parang gano'n na nga! Haha! Kung sinusuwerte nga naman ang babaeng 'yon"
"Mga apo, ito na ang pagkain ninyo"
"Salamat po lola!" Sambit namin ni Rhianne.
"Hayaan ninyo pong kami na ang maghugas ng mga pinggan mamaya, lola" si Rhianne.
"Ay! Hindi na mga apo, meron na akong dalawang empleyado" aniya sabay turo doon sa dalawang babae na nakasuot ng apron.
"Ah... haha! Hindi po namin sila napansin lola" aniya ko kaya't natawa naman siya.
"Paanong hindi ninyo napansin, eh masyado kayong nakatutok kay sir Jasper" aniya kaya't napahagalpak naman ng tawa si Rhianne at ako naman ay napayuko lang.
BINABASA MO ANG
The Demon King's Bride
FantasyWhat if you suddenly die and reincarnate as an extra in the comic that you're reading in your previous life. What will you do? Will you stay as an extra or will you interfere in the events of the main characters? That's what Vivi or Vanilla needs to...
Chapter 35
Magsimula sa umpisa