Me: Ano ba dapat?
My Charles 💕: you're
upset halata na talaga.
aren't you supposed to
call me baby?Napangiwi ako sa mga chat niya. Diyos ko, ang kulit din. Kapag dito naaatupag mag-chat ng mabilis, pero pag sisipot sa date biglang nagiging multo.
Me: Fine
Me: Baby ko.
Hirap niya balewalain eh.
My Charles 💕: yay
My Charles 💕: i mean
My Charles 💕: can we
please continue the
date now?My Charles 💕: pinapangako
ko, i will really show up now.Me: Please.
Me: Ayoko na talaga.
Hindi ka naman
nagpapakita talaga.My Charles 💕: no, baby, magpapakita na
talaga ako ngayon!My Charles 💕: sinabi ko
naman sayo na naging busy
lang talaga ako about
something.Me: Exactly!
Me: Kung busy ka sa
kung ano mas maganda
kung iyon ang uunahin
mo kaysa sa date na ito.My Charles 💕: don't be
like that.My Charles 💕: mas
importante ka sakin
that's why gusto kong
ituloy ito.My Charles 💕: i'm really
sorry, baby. you know i'm
always doing everything
i can just to balance things.Balance things? May ibang bagay siyang inaasikaso. Ano naman kaya ang pursigido siyang ibalanse?
Okay. . . hindi ko ine-expect na dadating ako sa ganitong punto na magdududa talaga ako. Wrong move siya doon, napapaisip na ako.
Me: Anong ibig mong sabihing ibalanse?
Ano pa bang dapat ibalanse?
Me: Niloloko mo ba ko?
My Charles 💕: what?
no!My Charles 💕: you
know what, lets callMy Charles 💕 is calling you
Sinagot ko ang tawag niya. Hindi naman talaga masosolusyunan ang problemang ito kung idadaan lang sa chat.
"Why would you think I'm cheating?!" Iyon agad ang bungad niya simula nang sagutin ko ang tawag.
"Ilang beses mo nang kina-cancel ang date natin, hindi mo ba naisip na nakakapagtaka din 'yon para sa 'kin?" giit ko.
"I-. . . of course I know. . ." Bumaba ang boses niya at naging malungkot ang tono niya sa bigat ng realisasyon, "But I'm not cheating! Bakit naman kita lolokohin?"
"Aba malay ko sayo?! Hindi ba dapat ikaw ang nagpapaliwanag niyan?" galit kong diin, halos pumiyok na ang boses ko sa inis.
"Walang dapat ipaliwanag dahil hindi naman kita niloloko." His attempt to tone down the stress in our conversation.
Hindi ko na alam. Habang tumatagal, mas humihirap paniwalaan ang mga sinasabi niya. Gustuhin ko man siyang pagkatiwalaan, lokohin ko man ang isip ko na may tiwala ako sa kaniya, ang totoo ay unti-unti na iyong naglalaho.
BINABASA MO ANG
✓ | Sweet Vanilla Kiss
Romance𝐒𝐔𝐌𝐌𝐀𝐑𝐘: After the death of Charles' grandfather, he is expected to take over his grandfather's forgotten café. Charles Sebastian Lafuente, a passionate man in pursuit of his dream career as a doctor. But all of his dreams shattered to build...
CHAPTER 44
Magsimula sa umpisa