Nagtaka naman kami ni Hanzel.

"Ano yan?" Tanong ko habang tinitignan ang maliit na bote na inaabot niya sakin.

"Gamot sa lason?" Sabi niya na parang nagtatanong pa. Pinagtritripan ba kami nito?

"Lason? Sinong na lason?" Hanzel asked. Inirapan naman kami ni Rylan na parang kami na ang pinaka bobo sa paningin niya.

"Pinapabigay ito ni Hella dahil sa may lason ang bala nang baril ni Hella na ginamit niya upang madaplisan si Delta. Inasar kasi ni Delta si Hella at nagalit naman ito kaya dinaplisan ni Hella si Delta sa kabilang braso nito para gumanti. At da--" hindi ko na pinatapos si Rylan sa pa t-testimony niya. Kinuha ko ang bote sa kamay niya at dali daling binuksan upang ipainom kay Riedel/delta na ngayon ay nahihirapan nang huminga.

"Ano ba kasing pumasok sa kokote mo Delta at inasar mo si Hella?!!" Hindi ko mapigilan ang bunganga kong sigawan si Riedel na ngayon ay bumubuti na, namumutla din kasi ito kanina.

"T-trip ko lang"

Napasapo naman kami sa noo dahil sa naging sagot nito. Trip ko lang?!

Trip niyang asarin si Kamatayan ganon?!!

"Gusto mo bang mapaaga huh?!" This time si Hanzel naman ang sumigaw. Ako naman ay tumayo na muna at kumuha nang tubig sa kusina dahil baka himatayin ako sa sobrang stress at uhaw.

Bumalik naman ako kaagad dala dala ang isang basong tubing para ipainom kay Riedel.

"My ghad Riedel! Pano kong napatay ka non?!" Sumbat ko naman.

Tumayo naman si Riedel at inalalayan sya ni Hanzel upang makatayo.

"Kaya ko na" Riedel said.

"Tulungan na kitang umakyat sa taas " akmang aalalayan sana ni Hanzel si Riedel ay pinigilan sya nito. Napailing nalang ako.

"Pabayaan mo na muna Lilly " Sabi ko kay Hanzel at tumango naman sya.

Tuluyan nang nakaalis si Riedel. Naiwan naman kami ni Hanzel dito at ipinagpatuloy nalang namin ang paglilinis.

"Nakakatakot talaga si Aliyah no?" Bigla naman nagsalita si Hanzel kaya nilingon ko sya.

I sigh.

"Aliyah is always be Aliyah " yun nalamang ang nasabi ko. Hindi naman na sumagot si Hanzel at ang narinig ko lang ay ang pagbuntong hininga niya.

Riedel Hannah Garcia Vergara POV

I am now at my room.

Hindi ako galit kay Aliyah dahil sa ginawa niya kanina. Alam ko kasing may lason ang bala nang baril niya pero diko alam kong anong lason, kaya nag panic ako.

Napabuntong hininga ako. Hawak hawak ko ngayon ang isang maliit na papel. Napulot ko ito kanina sa Garden. And I think galing ito sa kalaban.

Ipapaalam ko lang sana ito kay Aliyah pero bad timing ata ako kanina.

Flashback...

Nandito ako ngayon sa likod nang Mansion kong saan may malaking Garden. Sariwa ang hangin dito at dito ko gustong gumawa nang bagong kanta. Dala dala ko ngayon ang guitar ko at ang notebook ko kong saan ko isinusulat ang mga kanta ko.

Maraming bulaklak dito at alagang alaga ito ni Manang Amyris.

Naglalakad ako nang may nakita akong maliit na papel. Dahil sa curious ako kong ano ay pinulot ko ito. Inilagay ko muna ang guitara at notebook ko sa Bermuda at binasa ang sulat.

DEMON ALIYAH ( Demon #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon