Chapter 43: TuesDATE

Magsimula sa umpisa
                                    

"Matulog ka na at pag gising mo, mamahalin pa kita."

Napangiti si Alex at niyakap ang malaking bear na katabi nya.

"I love him so much XJ"

Then, nakatulog na si Alex.

Talking about XJ? Sya yung bear na binigay sa kanya ni Kevin nung wedding day nila at pinangalan nya yung XJ dahil sa kadugtong na pangalan ni Kevin na Xander James.

Samantala, bandang 3 pm ng mambulabog si Alfie kina KC.

"Sino yan??" iritang sabi ni KC saka binuksan ang pintuan ng kwarto nya.

Nanlaki ang mata nya ng makita sa harapan nya si Alfonso. Kinusot pa nya at kinurap kurap ang mata para masiguro na si Alfonso nga ang kaharap nya at hindi naman talaga sya nagkamali dahil totoong kaharap nga nya ang binata.

"A-anong ginagawa mo dito??" utal na tanong nya sa binata.

"Pumunta kasi ako kina Sammy kaya lang, wala daw sya dun kaya naman dito na lang ako pumunta." sagot naman ng binatang kanina pa hindi naalis ang ngiti sa mga labi.

"Ok. Bakit ka nandito??" tapos lumabas sya ng kwarto at bumaba ng hagdan. Sinundan naman sya ng binata habang sinasagot ang tanong nya.

"Wala. Gala tayo?? Kain tayo sa labas. Na miss ko na ang pagkaing pinoy ei. I was just wondering if masasamahan mo ako??" sabi ng binata ni tila humihingi ng pabor.

KC rolled her eyes saka nagsalita.

"Ok. Hintayin mo ako dito at maliligo lang ako."

Agad namang umakyat si KC sa kwarto nya at naligo na.

Naiwan naman si Alfonso na naghihintay sa sala at nanunuod ng TV.

Bigla namang may pumasok sa bahay na kumuha ng atensyon ng binata.

"KC, anak, I'm here!" masiglang bati ng ina ni KC.

Nabigla sya ng makita ang binata na nakatayo sa harapan nya.

"Sino ka?? Magnanakaw ka ano??" kinakabahang sabi ng nanay ni KC.

"Hindi po Tita. Ako po si Alfie, remember me po? Yung kalaro po nila Sam and KC nung bata pa kami. Yung chubby kid na hilig nyong kurutin." paliwanang naman ng binata.

"Aba, ikaw na ba yan iho?? Napaka gwapo mo naman ata. At talagang gwapo." sabi ng nanay ni K habang hawak pa ang muka ni Alfonso at tinitingnan ang bawat anggulo ng muka ng binata.

"Haha." sabi ng binata sabay kamot sa ulo nya.

"Ay nasaan ni KC ko??"

"Ah eh naliligo po. Lalabas po sana kami kung ok lang sa inyo." pamama alam ng binata.

When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted  Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon