"Bakit? Hindi ba puwede?" Lumabi siya, nagpipigil ng ngiti. "C'mon, Hanz. Maawa ka naman sa'kin. Anim na taon na akong tigang."
Napasinghap ako, kasunod niyon ay ang malutong kong halakhak. "Imposible. Maraming guwapo at maganda sa America," ani ko. Naniniwala naman ako sa kaniya, gusto ko lang siyang asarin.
"Marami nga, kung hindi naman sila si Hanz Winter Ybañez, useless din dahil hindi naman tatayo 'to." Walang hiya at mayabang siyang ngumisi sa akin. "Hindi lang 'yong ulo ko sa taas ang loyal sa'yo, pati ulo ko sa baba loyal na loyal sa'yo. Ayaw tumayo kapag sa iba, 'pag naman ikaw ang naiisip ko, ayaw kumalma ng lintik. Sa'yo lang nito gustong kumalampag."
Muli akong napailing, tawang-tawa na sa mga katarantaduhang pinagsasabi niya. Akala ko pa naman nagbago na siya, iyon bang nabawasan man lang ang kagaguhan niya, pero 'yon pala mas lalo lang yatang lumala.
Magsasalita na sana ako ng muli siyang magsalita.
"Marami ka pa bang sasabihin? Mamaya mo na sabihin 'yan. Tapusin na muna natin 'to. Kagabi pa talaga ako nanggigigil sa'yo, kung alam mo lang." Dumausdos pababa sa dibdib ko ang kamay niyang nakahawak sa aking balikat.
"You look so fucking hot last night, Hanz. Gustong-gusto ko na ngang tumalon sa stage kagabi habang kumakanta ako at lapain ka. Siguro alam mong uuwi ako kaya nagpagwapo ka masyado." At inakusahan pa nga ako.
Mayabang ko siyang inangatan ng kilay. "Hindi ko alam na uuwi ka. Sadyang patay na patay ka lang talaga sa'kin."
Gusto kong matawa sa sariling sinabi. Para namang ikaw hindi, Hanz? Mas malala nga ang tama mo sa isang iyan!
Hindi ko alam kung paano niya nagagawa ito. Anim na taon kaming hindi nagkita, ngunit wala man lang akong nararamdamang kahit kaunting ilang sa kaniya. Katulad ng dati, sobrang komportable ko parin sa kaniya.
Bumaba sa batok niya ang kamay ko habang titig na titig ako sa kaniya. This time, sisiguraduhin kong wala nang kawala sa akin ang isang ito. Hindi na niya ako puwedeng iwan ulit, dahil kapag nangyari 'yon, baka masiraan na ako ng bait.
I hope he knows how much he means to me. I love you is not enough to tell him how much he means to me. I want to tell him about how I feel about him, but I guess no words can describe it.
"Mahal na mahal kita, Jaevier," puno ng sinseridad at halos mamaos ang boses ko nang sabihin iyon. "You made me become a better person. I grow every day, and that's all because of my undying love for you. I wouldn't be the person I am today if it weren't for you."
His eyes flickered in so much happiness. Namumungay ang mga mata niyang nakatitig sa akin, na para bang anumang oras ay iiyak na siya.
"Thank you, Hanz. Thank you for waiting for me... Thank you for loving me unconditionally... I may not be a perfect person, but you still picked me up when I was so unlovable." Yumuko siya para muling patakan ng magaang halik ang labi ko.
Awtomatiko akong napapikit, ninanamnam ang masarap na pakiramdam na dumadaloy sa bawat himaymay ng aking laman.
"I love you, Hanz. And even in my afterlife, I will always love you," he whispered hoarsely against my lips.
Tinanggal ko ang suot na salamin, pagkatapos ay mabilis kong kinabig ang batok ni Laurent para muling angkinin ang mga labi niya. But this time, mas mariin, mas mainit at mas malalim kaysa sa una.
Ayos na palang huwag muna kaming mag-usap. Mamaya na iyon pagkatapos nito. Makakapaghintay naman iyon, pero itong init na nararamdaman naming dalawa, hindi na.
I moaned when he bit my lips, and he used that opportunity to shove his tongue in my mouth. I responded to his kisses as intensely as the kiss he's giving me. Our tongues battled in sync. I am zero body count and I don't have experience, but I am not innocent when it comes to these things.
YOU ARE READING
Calmness In The Midst Of Chaos
RomanceFormer Title: The Playboy's Obsession Mark Jaevier Laurent Obsession series # 2 "Every time I try to let go, memories of us pull me back in. I wish I could unlearn all the good things about you and erase all the memories we had to make it easier fo...
CHAPTER 38
Start from the beginning