'I did everything, sumugal ako Para makuha ko puso niya, I've been doing these for 5 years na Fenn' paliwanag nito

'At nagawa mo ba?' Tanong niya.

Hindi nakakibo si Floyd.

Halatang hindi nito alam ang isasagot.

Humakbang palapit si Fenn tsaka hinawakan sa magkabilang balikat si Floyd.

'Floyd, hindi mo ako kaaway o karibal sa Kaniya at alam mo iyan, he may loves me pero alam mong alam niya na wala siyang mapapala saakin, katulad mo may mahal din ako at alam mo kung sino' sagot niya.

Umangat ng tingin si Floyd at tinignan siya ng maigi.

Mapait na ngumiti si Fenn.

'Parehas tayong nasaktan, Ethan is my friend at hanggang ngayon dala-dala ko parin ang traumang ginawa niya saakin. I hate him Floyd Kaya bilib ako sayo, dahil kahit ganoon kalaki ang kasalanan niya, heto ka parin pinaglalaban siya na hindi mo naman dapat ginagawa' patuloy niya

Umiwas ng tingin si Floyd.

Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy.

'I know how much you love him Floyd, pero Sana pahalagahan mo din sarili mo, love him is okay, but loving him too much is not healthy for yourself, nakikita mo ba sarili mo, you're not into yourself, I wonder kung tinatrato ka ba niya ng maayos talaga' puna niya.

Katulad niya kasi pumayat din ito halatang kulang sa tulog at hindi mapakali.

Napakagat si Floyd.

Obviously he is paranoid, iyon ang Nakuhaa niya sa nangyari 5 years ago.

He became paranoid, overthinker and possessive na lahat ng kilos ni Ethan ay binabantayan.

Halatang wala na ito pagpapahalaga sa sarili at umiikot lang ang buhay sa nobyo na hindi alam kung natutunan na ba siyang Mahalin o hanggang ngayon ay Isa parin ba siyang parausan.

At alam ni Fenn ang tingin sa kaniya ni Flyod ay isang karibal at tinik nito sa lalamunan.

'Floyd, treasure yourself-'

'Wala kang alam!'

Nanlaki mga mata ni Fenn sa biglang pag sigaw ni Floyd.

'Isa lang ang gusto Kong mangyari Fenn, maayos tayong dalawa hindi kita guguluhin but we can't be friends hangga't nasa paligid ka hindi ako magiging kampanti, Kaya kung gusto mong okay tayo, stay away from him' giit nito bago mabilis na umatras at naglakad palayo.

Iniwan siyang tulala dahil sa nakikitang kakaibang behavior ng binata.

'Don't mind him Fenn' nilingon ni Fenn ang nagsalita at napatakbo palapit Para yakapin ito.

'Gian' hikbi niya at paulit-ulit na humingi ng sorry rito.

'Shhhh okay lang, naunawaan kita kung bakit kailangan mong gawin iyon, you need to move on Kaya inaasahan ko na talagang aalis ka, Kaya nga hindi kita hinanap' sagot nito

Tila nakahinga ng maluwag si Fenn sa narinig akala niya ay nagalit ang kaibigan niya.

Ngayon nalaman niyang hindi ito nagalit ay malaking tulong Para mabawasan ang guilty niya.

'Sorry' huling hingi niya ng patawad.

'Ang hindi ko maintindihan kung bakit kasama mo si Gabriel' tanong nito pagkakalas niya sa bisig nito

Unti-unting ipinaliwanag ni Fenn sa nag iisang pinagkakatiwalaan niya ang lahat-lahat, wala siyang inilihim kahit katiting.

Kitang-kita niya ang pa iba-iba ng expression ni Gian ng bawat salitang lumabas sa bibig niya.

HATE THAT I STILL LOVE YOU (SEASON 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon