Meloi's POV
Hello madlang people mabuhay! This is Meloi. Take over muna ako ng pov sa chapter na 'to kasi injured po si Colleen.
Dito ko na muna siya pinatulog sa bahay kasi ang taas ng lagnat niya. Nagpa-ulan kasi ng bongga kahapon. Ayaw naman niyang sabihin kung anong nangyari.
Alam niyo ba guys, na shookt ako kasi kahapin, pauwi na sana ako galing mag-grocery tapos nakita ko siyang nakatayo lang sa may traffic light.
Nakatingin lang siya sa daan, pinagtitinginan na nga siya ng mga tao. Okay lang sana kung hindi umuulan pero mga bes, ang lakas ng ulan!
Tinawag ko nga siya pero hindi naman niya ako naririnig kaya nilapitan ko na. Nung nakita na niya ako, bigla siyang umiyak. Tinatanong ko siya kung anong nangyari pero hindi naman siya nagsasalita. Umiiyak lang siya habang nakayakap sa akin. Pati tuloy ako nabasa sa ulan pero kebs kasi first time ko siyang nakitang umiyak.
"Loi, uuwi na muna ako. Nakakaabala pa ako sa'yo dito." Nagpumilit siyang tumayo. Chineck ko muna kung may lagnat pa ba siya para naman masiguro kong pwede na siyang umuwi sa condo niya.
"Hoy! Ang init mo pa! Hindi ka pa puwedeng umuwing mag-isa. Hindi ako papayag. Dapat below 30°c yang temperature mo."
"Huuuy, ayaw ko pang mamatay." Sabi niya sabay tawa.
"Baliw! Ang point ko lang naman is sana hindi ka na magung super init. Pagaling ka nalang muna dito. Kung gusto mo talagang umuwi, bahala ka diyan, sasama ako sayo."
Yung last kuha ko kasi ng temperature niya, 39°c mga bes! Baka kung mapano to kung mag-isa lang siya. Mabuti na yung sigurado. Sakto rin na pupunta si Mich dito, nakasuyo akong magpabili ng mga gamot.
"Cole, kumain ka muna. Nagpabili ako ng gamot kay Mich kasi paubos na yung stock ko."
"Pasensya ka na ha. Papalitan ko nalang yang stock mo."
"Alam mo, napaka others mo talaga! Kung hindi ka lang nilalagnat, baka nasipa na kita ngayon."
"Hehe buti nalang pala may sakit ako."
Aba! Nagawa pa talagang magbiro. Magsasalita pa sana ako kaso nag ring yung doorbell ko. Si Mich na siguro to.
"Miiiiiiiich! Buti dumating ka. Timing kasi papainumin ko na to ng gamot."
"Sorry natagalan ako. Uso talaga siguro ang sakit ngayon. Dumaan muna ako kay Ems sa hospital."
"Ha? Nasa ospital si Maya? Saang ospital?" Pag-aalalang tanong ni Cole. Eto talaga, kahit may sakit na, concern na concern parin talaga kay Maya.
"Nasa Cabigas Medical Center. Pe--" Hindi pa natapos si Mich magsalita ay kumaripas na ng takbo si Cole.
"Cole! Hindi ka pa nakakainom ng gamot!"
Ano yon? Adrenaline rush? Ang bilis niyang nakatakbo guys! Hindi ko na naabutan.
"Habulin natin siya Mel. Baka kung mapano yun sa daan. Hindi man lang ako pinatapos magsalita."
"Sobrang nag-aalala yun nung sinabi mong nasa ospital si Maya. Tara puntahan na natin."
Colleen's POV
Nakalimutan ko na yatang may sakit ako. Gamot pala yung pag-aalala no? Di naman ako mabibigla kung magkakasakit yun kasi napaka-hectic ng schedule niya nung mga nakaraan. Naulanan rin siguro siya kahapon.
Hays, bakit ang pangalan lang ng ospital yung tinanong ko. Sa sobrang panic, di ko man lang natanong yung room number o kung nasaang floor ba siya. Naiwan ko pa talaga ang phone ko. Hanapin ko nalang ang nurse's station.
BINABASA MO ANG
Celeste (Colaiah AU)
FanfictionShe fell first, who fell harder? Si Colleen Vergara at Maya Celeste Arceta ay galing sa magkaibang squad na eventually ay nag-join force as Bibi squad kasama nina Gwyneth Apuli, Shaina Catacutan, Michelle Lim, Meloi Ricalde, Christine Robles, at Aub...