Nagkaayos na kami ni Ziljian. Hindi nga siya umalis sa tabi ko. Magdamag kaming nasa kwarto habang nanonood ng movie. Kapag nagugutom ako ay agad na kukuha si Ziljian ng pagkain.

Hindi na nga nanood si Ziljian, nakayakap lang siya sa akin. Gagalaw lang siya kapag hahaplusin ang tiyan ko. Hindi rin siya nagsawang halikan ang noo ko.

Paano ko siya nagagawang pagdudahan kung ganito siya sa akin? Pero paano kung may magbago kapag nandito na si Amalia? Magiging ganito pa rin ba siya kalambing? 

Gusto ko siyang subukan. Kung sino ang mas uunahin niya sa amin ni Amalia. Ako na asawa niya, o, si Amalia na bulag. Na mas kailangan ng pangangalaga.

Hindi pa rin dumating si Amalia. Hindi ko matanong si Kuya Weiz. Aaminin kong hindi talaga ako handa na makasama ang babaeng iyon sa iisang bubong. Baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.

Kaya hangga't hindi pa siya dumarating, nakipagkita uli ako kay Zera. Kukumustahin ko rin ang kaibigan ko. Baka kasi nagmumukmok pa rin siya dahil naghiwalay na sila ni Max; na hindi naman siya kayang ipaglaban.

“Ano?!” gulat na tanong ni Zera nang malaman ang desisyon ko. “Hahayaan mo talagang magsama ang dalawang ‘yon sa iisang bubong?”

“Mali ba?”

“Gaga ka!” Nasapo ni Zera ang mukha niya. “Gan’yan ka ba talaga kabait, Viah? Hinahayaan mo lang na malandi ng Amalia na ‘yon ang asawa mo!”

“Gusto ko lang naman malaman kung may feelings pa rin si Ziljian kay Amalia.”

“Hindi ko alam sa ‘yo. Hindi rin kita maintindihan!”

Napayuko ako. “Minahal—”

“Oo nga, minahal ni Ziljian! Ibig sabihin ay past na!” gigil niyang sambit. “Dahil kahit ako, hindi ko na rin mahal ang first love ko! Wala na ‘kong feelings pa para kay Jacob!”

Hindi ako makaimik. Sinasabi ko na nga ba’t pagagalitan lang ako ni Zera. Tanggap ko naman na mali ang ginawa ko. Pero hindi ko na mababago pa dahil pumayag na kami ni Ziljian na mag-stay si Amalia sa bahay.

“Ano ba talaga ang gusto mong mangyari, Viah?” She asked me. “Gusto mo bang makitang nagsesex ang dalawa? Para lang mapatunayan mo na nagsisinungaling sa ‘yo ang asawa mo?”

“Hindi magagawa ‘yon ni Ziljian…” Humina ang boses ko.

“See?” She cupped my face. “May tiwala ka naman kay Ziljian, pero bakit kailangan mo pa siyang subukan?”

“Hindi ko na rin alam, Zera…” I mumbled. “Ang gulo-gulo na ng isip ko.”

“Kasalanan talaga ‘to ni Amalia! Bakit kasi nagpakita pa siya sa inyong mag-asawa?!”

Kahit din ako, hindi ko inaasahan na makahaharap ko si Amalia. Nawala na rin sa isip ko na may ibang minahal si Ziljian. Mas nangingibabaw sa akin ang kasiyahan na kasama ko ang lalaking mahal ko.

“Buntis ka, Viah, sa tingin mo ba na gagawa ang asawa mo ng bagay na ikagugulo ng isip mo? Bawal kang ma-stress at delikado rin ang anak n‘yo!”

“Alam ko,” tipid akong ngumiti. “Masyado kong pinag-aalala ang anak namin.”

“Alam mo naman pala, kaya pilitin mong maging masaya.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Para sa pamilya mo.”

Ipinagluto ako ni Zera ng pagkain. Nahihirapan na kasi akong gumala kaya dito na lang kami palagi sa condo niya. Wala rin naman siyang kasama sa tuwing pumupunta ako.

“Nakikipag-ayos sa ‘kin si Max.” Pag-amin niya. “Pero ayaw ko na.”

“Mahal mo pa rin ba siya?”

          

“Hindi naman nawala.” She smiled sadly. “Pero kung sa una pa lang ay ipinaglaban na niya ‘ko. Baka tanggapin ko siya.”

“Hindi mo na kaya?”

“Hindi ko na kaya, Viah. Ayaw pa rin naman sa ‘kin ng mga magulang niya. Hinding-hindi ako magiging welcome sa pamilya nila.”

Nakita ko ang isang bukas na kahon. Nandoon ang mga litrato nila ni Max. Kasama rin ang mga regalo sa kanya ng lalaki. Mukhang balak na niyang itapon.

“Palagi kayong magkasama ni Zaire?” Napansin ko kasi na nag-message sa kanya ang lalaki.

“Hindi naman palagi.” Humalakhak siya. “Nagyayaya lang siya minsan na mag-bar kami. Parehas kasi kaming brokenhearted kaya nagkakaintindihan kaming dalawa.”

“Pero kaibigan ‘yon ni Max, ‘di ba?”

“Alam ni Zaire ang nangyari sa ‘min ni Max. Kahit siya, naiinis sa kaibigan niya. Ako tuloy ang kinakampihan niya.”

“Baka mahulog na lang kayo sa isa't isa?” I teased her.

“Gaga!” She laughed. “Ikaw ang mahal ni Zaire. Palagi nga siyang nagtatanong sa ‘kin ng tungkol sa ‘yo.”

Natigilan ako. “Mahal pa rin talaga ako ni Zaire…”

“Mahal na mahal ka ni Zaire,” tugon niya. “Hindi nga raw siya maka-move on sa ‘yo. Umiyak ba naman sa ‘kin.”

“Thank you, Zera…”

“Bakit?”

“Na sinasamahan mo si Zaire.” I mumbled. “Alam kong kailangan niya ng taong masasandalan.”

“Masaya namang kasama si Zaire. Palagi niya akong nililibre! Ang galante ng lalaking ‘yon!”

Kailangan ko rin magpasalamat kay Zaire. Dinaramayan niya rin ang kaibigan ko. Kung sino pa ang parehas na brokenhearted, sila pa ang nagdadamayang dalawa. 

Hindi ko naman pwedeng damayan si Zaire. Baka lalo lang siyang umasa sa akin. Mas okay na rin na hindi niya ako palaging nakikita. Makatutulong iyon para makalimutan niya ako.

Nang humapon na ay nagpasundo na ako kay Ziljian. Hindi pa rin dumarating si Amalia. Baka nagbago na ang isip niya. Dapat lang na umatras na siya; kung ayaw niyang maubos ang buhok niya sa akin.

Isang linggo na rin ang lumipas na walang Amalia na dumarating. Hindi naman sa hinihintay ko siya. Nakapagtataka lang na hindi pa rin siya pumupunta rito. Siya pa ang nangulit sa kapatid niya na tumira dito.

“Babe!” I called my husband. “Come here!”

Nakadungaw ako sa baba ng hagdan para tawagin si Ziljian. Abala kasi siya sa pagtitimpla ng gatas ko. Nawala lang siya saglit sa tabi ko, hinahanap ko na agad siya.

Nagmadali si Ziljian na puntahan ako. Dala-dala niya ang gatas na tinimpla para sa akin. Pagkaubos ko niyon ay agad kong nilambing ang asawa ko. Panay ang halik ko sa mukha niya.

“Ang bango-bango ng asawa ko!” Inamoy-amoy ko pa ang leeg niya.

Nakapatong na ako kay Ziljian. Nakayakap na sa akin ang asawa ko na nakikiliti sa ginagawa ko. Minsan talaga ay ganito ako kay Ziljian. Lalo na kapag gusto kong may mangyari sa amin.

“Babe…” Dinampian ko siyang halik sa lips. “I want you.”

“I know,” he chuckled. “Pero ako sa ibabaw.”

Pinagpalit ni Ziljian ang pwesto namin. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako. Sinigurado niya talaga na hindi maiipit ang tiyan ko. Simula nang mag-buntis ako, hindi niya ako hinahayaan sa ibabaw.

Embrace Me In Your Arms (Embrace Series 3)Where stories live. Discover now