Kabanata Veintiocho

Magsimula sa umpisa
                                    

Noong gabi na 'yon ay bumalik si Lioco sa estate at ipinaalam sa Marquess na nagawa na niya ang ipinag-uutos nito. Napangisi ang huli at hindi mapalagay. Hindi na siya makapaghintay na mabalitaang wala nang buhay si princess Nefeli.

=====

Nefeli's Pov

"Ang mythical beast? Paano nangyari iyon? Mayroon na akong guardian beast, si Cyan," naguguluhan kong sambit.

"Cyan? Ang magpaglaro at walang awang lobo? Paano mo siya naging guardian beast?"

"Ewan. Basta lamang itong lumitaw kung saan at diniklarang ako ang master niya at siya ang guardian beast ko."

Napatitig ako sa dambuhalang nilala nang unti-unti ay lumiit ito hanggang sa naging isang maliit na bata siya. Hanggang baywang ko lang ito.

"Naunahan pa ako ng kupal na Cyan na 'yon," nababanas na panambitan nito. Ang cute nitong mukha ay nakabusangot din.

"Sandali.. kilala mo si Cyan?"

Marahan siyang tumango.

"Oo mahal na prinsesa. Lahat ng mythical beast ay kilala ang pamanlinlang na lobong iyon. Nakakapagtaka lang at nagkaroon siya ng interes sa tao."

"Bakit?"

"Ilang libong taon na nang magkaroon ito ng hindi maipaliwanag na pagkasuklam sa mga tao. Kaya nakakapag taka at naging guardian beast siya. At nang isa pang prinsesa." The beast were also full of wonders. I could see it on his icy eyes.

Ngunit hindi ako makapaniwala sa nalaman. Na may ganoon pa lang nakaraan si Cyan. Ang akala ko ay matakaw lang ito, may pinagdadaanan din pala.

"Teke nga–– bakit mo nasabing mythical beast kita? E wala naman akong elemental na kapangyarihan. Wala na akong kapangyarihan. Tinggalan na ako ng.." napatigil ako at napakunot ang aking nuo. Hindi ko nagawang ituloy ang dapat na sasabihin ko dahil biglang hindi ko na alam ang dapat ay sasabihin ko.

Tinanggalan ng ano? Anong ibig kong ipagsabi? Bakit biglang hindi ko na maalala.

Napakamot ako ng batok ko at nagkagat labi.

"Ayos ka lang ba prinsesa?"

Tumango ako bilang tugon.

"A-Ano nga ba ang ibig mong sabihin kanina?" Naguguluhan kong tanong. Ang aking isipan ay hindi magawang ituon ng buo sa mythical beast na kaharap. I'm still in wonder why I have the feeling like I have forgotten something.

"Hindi ba't ikaw ay anak ni Alfonse Lychnis?" Muli akong tumango.

"Ang pamilya niya ay pinagkalooban ng mga elemental gods and goddesses ng kapangyarihan. Ito ay upang tulungan ang mga tagapag balanse ng bansang 'to na mabawasan ang mga masasamang tao," paliwanag ni Kralgo.

"Kung ganoon may mythical beast din ang mga kapatid ko?" Tumango ito sa aking katanongan. "Bakit ngayon ka lang sa akin nagpakita?" Saad ko.

Malungkot itong nagpaskil ng ngiti.

"Dahil ngayon lang tuluyang tinanggap ng iyong katawan ang kapangyarihan mo. At ngayon lang din ako nagising. Mahabang panahon narin ang aking itinulog sa pag-aantay sayo master."

"Anong––... Hindi ko maintindihan.. bakit ngayon lang.. ang kapangyarihan ko. P-Paano iyon nangyari? May nag sealed ba nito?" Ang mga naibulalas kong tanong. Ngunit nakatitig lamang sa aking ang maamong mga mata ni Kralgo. Pahiwatig na maging siya ay wala ring alam.

"Walang makakapag sabi master. Ikaw lang. Ngunit sa ngayon kailangan mo nang gumising. Nasa panganib ang iyong buhay. May nagtatangkang paslangin ka."

"Ano?!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 10 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nefeli: The Reincarnated Villainess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon