Kabanata 3

13 3 0
                                    

Red






"Class Dismissed!" Malakas na sambit ng last Professor namin na si Mam Yna bago tumunog ang bell hudyat na break time na.



"Ms. President kindly submit those papers in my office," Bilin pa nito sakin sabay kindat bago lumabas ng classroom.



Tumayo ako sa upuan ko at sakto namang inabot sakin ng mga classmates ko yung task na pinagawa samin ng Professor namin. Isa isa silang lumapit at inabot sakin yon habang ako naman ay inaayos ang gamit ko para makalabas nako kaagad.



Pagkatapos ko kasing iclaim yung mga papers ay hindi pako pwedeng makapag lunch dahil dadalhin kopa sa faculty yun ni Ms. Yna para don niya checkan mamaya.



"Yanyy tulungan na kita tapos sabay na tayo maglunch" Napadako ang tingin ko sa tumawag ng weird na nikname sakin.



Nang tapunan ko ito ng tingin ay ngumiti ito sakin kaya napangiti narin ako. It's Michaela my best friend, also my vice president. Siya yung kasama ko nung araw na napagalitan kami ni Mam Mercado dahil late kaming dalawa sa subject niya.



Kasama ko rin siyang maglinis ng buong campus dahil sa punishment pero ako yung may mas malala na ginawa dahil daw sa pangbabastos ko sa kanya.



See ? tapos ang lakas ng loob niyang magpakita sakin nung gabi at ihatid pako sa bahay and... the fuck! Oo nga pala mamayang gabi ay ihahatid niya ako sa bahay.



Gagi, hindi ko naalala na ngayon pala ang simula ng kalbaryo ko. Nakalimutan ko dahil kaninang umaga nung papasok nako ay sinabi sakin ni mama na nauna na daw umalis si Ms. Mercado at hindi nako inantay na magising dahil uuwi pa raw ito sa bahay niya bago pumasok.



And speaking of that woman, i didn't even see her as of now in this morning. Siguro nasa unang klase pa siya niya ngayon kaya halos wala pang encounter ang nagaganap saming dalawa na mas ikinapasalamat ko naman dahil hindi nako mahihiya kung makikita ko na naman siya.



Hindi ko naman lubos akalain na totoo pala lahat ng sinabi niya kagabi at totoong ipinangako daw sa kanya yun ni Mam sabi ni mama kanina pag-gising ko.



Ngiting ngiti pa nga si mama kanina na parang nanalo siya sa loto habang sinasabi sakin ang bagay na yun.



Siguro naman kahit sino ay magtatakha sa inaasta niyang ganon matapos ang araw na halos mamatay nako sa pagod para lang matapos yung pinapagawa niya sakin.



Nakakainis dba?



"Friend! Kanina pa kita tinatanong na naman e, tulala kana dyan!" Parang naiiyak na sambit sakin ni Michaela na nakapag pabalik sakin sa wisyo.



"Ha? May tinatanong kaba?" Parang tanga kong tanong sa kanya.



"Oo beh, sobrang dami na hindi ka nga sumasagot tapos tulala ka lang ano ba kasing nangyare sayo kagabi? Kalat kaya sa university na muntik kana daw maharas kagabi ng mga lokong taga section F buti nalang daw at nakapalag ka at nakapag sumbong sa pulis."



Natigilan ako at humarap sa kanya na parang hindi ko narinig yung sinabi niya sakin.



"Ha? Pakiulit nga yung sinabi mo"



"Ang alin? Yung muntik kanang maharas ng taga section F?" Nalilito niyang sambit sakin.

"Hindi, yung isa pa."



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 3 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secret Recipe [ Ongoing ]Where stories live. Discover now